Chapter 15

46 2 4
                                    

CJ
"Hoy Bakla! Ano yung nakita kong picture mo sa IG ha?" singhal ko kay Micca na ngayon ay kasama namin ni Kuya.

Pawisan pa sya dahil sa pagtakbo. Tinakbo ba naman mula building nya papunta sa building namin?

"Huh? Te-teka lang, Ulap ha? Wait lang. Magbe-breath lang ako." hihinga hingang sagot nya. Tsk tsk.

Hinayaan ko muna syang makahinga saglit habang ako naman ay nagbabrowse sa IG. Si kuya nasa tabi ko lang, nakikisilip sa ginagawa ko.

"Sigurado ka bang bakla ka, Micca?" tanong ni kuya sa kanya. Mukhang amazed din sa nakita nyang picture ng baklang 'to kanina.

"Ano ba namang klaseng tanong yan, Rain? Never ako naconfuse sa katauhan ko. And fyi, hindi ako bakla, babae ako. Nagkataon lang na napunta ako sa katawang 'to." mahabang litanya nya ng makabawi sa paghinga. Umiirap irap pa sya.

Halatang iritado sa tanong ni Kuya.

"Sorry naman." maikling sagot niya.

"Eh ano tong kumakalat na picture mo?" sabi ko sabay pakita sa kanya ng picture nya.

"Eh ano tong kumakalat na picture mo?" sabi ko sabay pakita sa kanya ng picture nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ay wow! Bongga! Lumabas na pala yan? Di man lang ako nainform. Ang ganda ko diba?" sabi ni Micca sabay hablot sa phone ko.

"Baliw ka talaga. Para saan yan?" tanong ko sabay bawi ulit ng phone ko.

"Model na ang bff mo, Ulap. Sorry di ko nasabi sa inyo. Kaya medyo busy ako lately eh."

"Ibang klase ka, Micca. Mas gwapo ka pa yata sakin eh. May padibdib ka pa ngayon." puri ni kuya.

Halata namang kinilig si Micca sa sinabi ni Kuya. In fairness, ang gwapo nya sa picture nyang 'to. Actually, marami pa syang picture. Maisave nga lahat.

"Hi, Michael!" bigla kaming napalingon sa mga babaeng sabay sabay bumati kay Micca.

Kilig na kilig sila habang kumakaway sa kanya.

Ito namang si bakla, biglang nagtago sa likod ko na parang nandidiri sa nakita nya.

"Oh my gosh. Nakita nyo ba yun? Nakakakilabot yung tingin nila." sabi ni Micca habang hila hila pa ang likod ng damit ko at pilit na nagtatago.

"Get lost." malamig na sabi ni Kuya sa mga babae kaya naman dali-daling nagsi-alisan ang mga ito. Pumunta sya sa likod ko at hinila sa kwelyo ng damit nya si Micca.

"Bitawan mo nga yang damit ni CJ." utos sa kanya ni Kuya.

Bumitaw naman sya pagkarinig nito at umayos ng tayo. Takot din kay Kuya eh. Hahaha!

"Ano namang naisipan mo at bigla kang pumasok sa ganito?" tanong ko.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa cafeteria. Imbes na sagutin ang tanong ko

"At ikaw anong naisipan mo at sumali ka sa contest?" balik tanong sakin ng baklang to.

"Teka, sinong nagsabi sayo?" pero mukhang alam ko na kung sinong nagkwento sa baklang to. Si Kuya lang naman yun malamang.

Tumingin ako sa kanya na nag-iwas ng tingin at nagkibit balikat na lang.

"Anyways, yeah. Akala ko nga magagalit yang si Kuya eh. Himala at pumayag."

"Why would I get mad? I want to see you up on stage." napangiti ako sa sinabing yon ni Kuya at nagpacute sa harap nya.

" napangiti ako sa sinabing yon ni Kuya at nagpacute sa harap nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Stop acting cute, CJ. No need to do that." Matic na napapoker face ako pagkarinig niyon. Minsan basag trip talaga si Kuya eh.

"Huwag ka ng magpoker face dyan. Ang ibig sabihin lang ni Rain ay cute ka na kaya hindi mo na kailangang magpacute." sabi ni Micca habang sinusundot sundot ako sa tagiliran.

"Okay na, sige na. Wag mo na lang akong sundutin please? Nanghihina ako." natatawang pakiusap ko kay Micca.

"So, anong balak mo?" tanong nya. Nasa likod lang namin si Kuya habang magkaangkla ang braso namin ni bakla.

"Wala pa. Kanina lang naman yun sinabi eh. Kailangan ko na bang pagplanuhan agad yun?"

"Sabagay. Dalawa din ba ang kinuha sa class nyo?"

"Uhmm oo. Ako at si Trixie." sagot ko sa kanya.

"What the? Seryoso? Mang-aagaw naman sya ng spotlight ngayon? Nakakainis!" halata sa boses ni Micca na asar na asar sya kay Trixie.

"Micca, ano ka ba? Ako yung nagsuggest na isali sya. And, ano bang spot light ang sinasabi mo? Walang ganun." sita ko sa kanya. Ayaw ko kasing magsasalita sya ng masama tungkol sa ibang tao.

Lalo't tungkol kay Trixie kapag kasama namin si Kuya.

"Whatever, Ulap. Bilisan na nga natin. I'm super duper hungry na." maarteng sagot nya.

Lakad takbo ang ginawa namin para makarating sa cafeteria na ngayon ay punong puno na ng estudyante.

Pinaupo na kami ni kuya ng makakita kami ng bakanteng lamesa.

"I'll just get you food. Micca, bantayan mo si Cloud." kumindat naman si Micca kay kuya bilang pagsang-ayon.

"Kuya, chuckie ha?" sigaw ko sa kanya. Lumingon naman ito saka bahagyang tumango ng nakasmile.

"Ang cute talaga ni Rain. So charming and cool." puri ni Micca.

Totoo, ang cool ng dating ni Kuya. Hindi sya yung tipikal na boy next door type. Lakad pa lang nya, makikitaan mo na ng swag.

Napangiti na lang ako sa naging papuri ni Micca kay Kuya.

"Hey, Ulap. Kamusta na nga pala si Chuckie boy?" si Kai?

"Ayun, makulit pa rin. Sya yung nagsabi sa Adviser namin kanina na ako daw ang isali sa pageant." kwento ko sa kanya.

"Hi, girls!" speaking of the devil.

Her Soulmate is Her KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon