Naranasan mo na bang mainlove? Sino ba namang hindi? Eh ung ma-inlove sa itinuturing mong kapatid? Parang incest.. Pero pano kung hindi na talaga mapigilan? Hindi naman kayo totoong magkapatid, kaya posible bang mauwi sa isang relasyon?
Ako si CJ, s...
"Kuya, may nakita ako kanina sa FB. Bukas na daw yung Popeye's sa ATC. Try natin?" sana pumayag si Kuya na dun kami magdinner mamaya. Nakita ko lang habang nagbabrowse ako sa FB. Mukhang masarap eh.
"Sige, basta talaga kainan, napakabilis mo CJ. Napakakupad naman kumilos" narinig kong sagot nya pero di ko ito pinansin dahil busy ako sa pagtingin ng mga pwede pang kainan. "Makinig ka muna, mamaya na yan" napahabol na lang ako ng tingin ng hablutin ni Kuya ang phone ko at ilagay iyon sa bulsa nya.
4pm pa lang at nasa klase pa nga pala kami. Sobrang bored na ako. Wish ko mag-uwian na para makakain na ulit ako. Naconsume na yata ng tiyan ko yung mga nakain ko kaninang lunch.
Pinagmasdan ko ang mga kaklase ko na ngayon ay busy sa pakikinig sa Professor namin. Kahit si Kuya ay nakikinig din, ako lang yata ang hindi. Sorry pero wala ako sa mood makinig sa klase ngayon.
Kahit si Trixie, nakikinig din. Naguilty tuloy ako. Sila busy, samantalang ako busy din naman, busy sa pag-oobserve sa mga kaklase ko.
Kung iisiping mabuti, wala akong kaclose sa kanila maliban kay Kuya. Ganun ba ako ka unfriendly? Or kaintimidating? Sabi ko nga, even nung highschool, walang nagtatangkang makipagkaibigan sakin. Kahit nagpapakita naman ako ng motives na gusto ko silang maging kaibigan, wala talaga. Ang lungkot tuloy ng buhay highschool ko. Buti na lang talaga dumating si Kuya at Micca sa buhay ko. Hindi nga lang maganda ang combination nilang dalawa, isang bakla at isang astig, pero kahit papaano, napunan nila yung kakulangan na hinahanap ko sa buhay highschool ko noon.
"Let's go?" takang tumingin ako kay Kuya na nakatayo na sa harapan ko at sukbit na ang bag nya sa isang balikat.
"Ouch! What was that for?" iritableng tanong ko kay Kuya. Pinitik ba naman ako sa noo at hinihimas himas ko ito ngayon.
"You're spacing out again. Uwian na oh, di mo napansin?" nilinga linga ko ang mga kaklase ko at saka ko lang napansin na nag-uunahan na silang makalabas. Parang mga bata.
"Sorry naman. Eh bakit may pagpitik pa?" singhal ko sa kanya. Natawa lang sya sa pagtataray ko.
"Cloud, Rain, una na ako sa inyo" paalam ni Trixie. Ngumiti ako sa kanya at saka tumango pero si Kuya parang walang narinig. Ang bitter talaga. Pero syempre hindi ko sinabi sa kanya yun, mamaya masapok na ako eh. "Ingat ka, Trixie" tumango lang si Trixie at lumabas na din.
"Ang bad mo!" nalilitong tiningnan ako ni Kuya.
"Ano na namang ginawa ko?" takang tanong nya. "Una, pinitik mo ko sa holy forehead ko. Pangalawa, bakit hindi mo man pinapansin si Trixie?"
"Akin na nga, akala mo naman masakit talaga yung pitik ko" hinawakan nya ang likod ng ulo ko at saka sya umukod ng bahagya. Nakaupo pa rin kasi ako habang sya ay nakatayo naman.
Ang lapit ng mukha nya sa mukha ko kaya amoy na amoy ko ang pabango niya. Habang hinihipan nya ang noo ko, hindi ako makatingin ng ayos sa mata nya kaya naman napako ang mata ko sa loob ng tshirt nya. Ang luwang kasi ng suot nyang tshirt kaya kitang kita ko yung katawan ni Kuya. Wala sa loob na napalunok ako ng makita ko ang abs nya. Umakyat ang dugo ko sa mukha kaya feeling ko ang pula pula ko ngayon.
"Bakit namumula ka? May sakit ka ba?" tanong ni Kuya ng matapos sya sa ginagawa nya. Iiling iling ako habang inaayos ko ang bangs ko na nagulo dahil sa pagkakahihip nya. Sasagot pa lang sana ako ng makarinig ako ng parang inuubo.
"E-ehem!" sabay kaming napatingin ni Kuya. Si Kai pala at nakatingin din sya sa aming dalawa. Nandito pa pala 'to? Shit, napansin nya yung pamumula ko?
"Kai, uuwi ka na din ba?" tanong ko. "Yeah" maikiling sagot nya matapos syang mag-iwas ng tingin sa amin.
"Derecho uwi ka na ha? May practice pa ako ng basketball. Daanan na lang kita sa inyo for dinner" diniinan ni Kuya ang pagkakasabi sa word na "derecho" na parang may pinapatamaan. Naalala ko na naman yung ginawa kong pagtakas kasama si Kai.
"Opo, magdadahan dahan ako sa pagdadrive" sagot ko. Alam ko kasing bibilinan na naman nya ako.
"Ihahatid ka ni Micca, ibinilin kita sa kanya" hmmp akala ko pa naman magagamit ko na ulit yung motor ko.
"Okay lang naman ako Kuya, iuuwi ko na sana yung motor ko. Ilang araw na din yun dito." Tumayo na ako at akmang lalabas ng pinto ng maunahan ako ni Kai sa paglabas. Naninibago ako sa isang yun. Kanina naman okay pa sya. Bakit ngayon parang di nya ako pinapansin? Anyways.
"No, sa isang araw mo na yun iuwi. Sa ngayon sumabay ka muna kay Micca." Inagaw nya ang bag ko at sya na ang nagbitbit nito. Aagawin ko pa sana ulit pero itinaas nya lang eh hindi ko naman abot kaya hinayaan ko na lang na sya ang magbitbit.
Kung anu-anong bilin ni Kuya kay Micca ng maihatid nya ako sa sasakyan nito. Akala mo naman para akong bata na mawawala eh ang lapit lang naman ng bahay namin.
"Micca, yung mga bilin ko ha? Ihatid mo si CJ hanggang sa loob ng bahay nila" bilin nya kay Micca.
Natatawa na lang si Micca sa inaasal ni Kuya. "Opo, ihahatid ko po ang prinsesa natin ng buong buo. Walang labis pero kulang kulang" napailing na lang ako sa naging sagot ni bakla. Hahampasin ko sana pero biglang yumukod si Kuya at hinalikan ako sa noo. Dahil sa gulat ay bigla akong pumasok sa loob ng kotse ni Micca. Baka kasi makita na nya yung pamumula ng mukha ko.
"Yung seatbelt mo CJ" bukas pa ang bintana kaya naipasok ni Kuya ang half ng katawan nya at nakabitan ako ng seatbelt. Pigil hininga ako habang ginagawa nya ito dahil sa sobrang lapit naming dalawa. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon.
"Si-sige na Kuya. Malelate ka na sa practice mo. Ingat ka pag-uwi ha?" paalam ko sa kanya.
"Text me once you got home. Daanan kita ng mga bandang 7 later. Sama ka ba Micca? Nagyayaya yang si CJ sa ATC mamaya".
"Kennat, Rain. May appointment ako later. Hatid ko lang si Cloud sa bahay then will go to the agency after" sagot ni Micca na ngayon ay nasa loob na din ng sasakyan nya.
"Okay, take care. Una na ako. Baka kantyawan ako ng team pag ako ang nalate sa practice namin" nakatingin lang ako sa malapad na likod ni Kuya habang patakbo itong umalis.
Kaka-start pa lang ng kotse si Micca ng biglang may kumatok sa bintana nya. Tinted ang sasakyan ni Micca pero maliwanag pa sa araw ang pagkakangiti ng taong kumatok. Kitang kita ko ang mapuputi nyang ngipin at ang pagliit ng kanyang mata habang nakasmile. May hikaw din pala ito sa dalawang tenga nya na bumagay naman sa kanya.
"Oh hi, Kai!" ibinaba ni Micca ang bintana nya at ngiting ngiting bumati kay Kai.
"Nakakahiya man pero pwedeng makisabay?"
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.