Chapter 5

186 3 3
                                    

RJ's POV

"Ayaw mo bang kausapin si Trixie? Pagkakataon nyo ng magkausap ng maayos. Nagulat talaga ako ng makita ko sya kanina. Nararamdaman ko na mahal ka pa rin nya kuya. I know mahal mo pa rin sya." kung nandito si Mica, malamang kokontrahin nya ang sinasabi ng makulit na to.

"Stop it CJ." natahimik naman sya at di na nagsalita pa.

Hindi ko alam ang nasa isip ko pero unti-unti akong lumapit sa kanya hanggang kalahating ruler na lang ang pag-itan ng mukha namin.

Nakaupo kami pareho sa sofa.

"Ku..ku..kuya. Anong ginagawa mo? Sige na, sige na. Hindi na nga kita kukulitin tungkol dun, hindi na muna. Layo ka na." halatang naiilang si Cj dahil inilalayo nya ang ulo nya habang nagsasalita.

Tuloy tuloy pa din ako sa paglapit sa kanya hanggang sa...

Blag!!!

Nahulog si CJ mula sa sofa dahil sa kauurong nya. Hahaha!

"Aray. Ang malas ko naman ngayong araw. Ikaw naman kasi kuya." hinihimas nya ung pwet nya. Nasaktan nga siguro pero hindi ko sya tinulungan tumayo.

Instead, humiga ako ng tuluyan sa couch. Kalahating katawan lang ang nakasampa, yung paa ko nakalawit.

"Naguguluhan ako CJ. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. I know you can feel it. I'm still mad at her. She made me feel like a trash. Now, tell me. How can I forgive her?"

Nakita kong tumayo na si CJ sa pagkakaupo nya. Nanatili lang syang nakatayo at ramdam kong nakatitig sya sakin.

"Why don't give her a chance kuya? Remember, ikaw yung hingi ng hingi ng chance sa kanya before? Nakalimutan mo na ba yun?" yeah I can still remember. I asked her for so many chances nung kami pa. Pinilit ko talagang magbago at di na sumali pa sa mga gulo at away.

Kaya lalo akong naguguluhan ngayon. Ang lakas ng loob ko na humingi ng chance before pero pinakita ko naman sa kanya na worth it yung pagbibigay nya sakin ng chance.

I tried my very best para magbago. Pero ginago nya lang ako. Pinangakuan na walang iwanan pero iniwanan naman nya ako at hanggang ngayon, isang tao lang ang nanatili sa tabi ko. Si CJ.

Nakatayo pa din sya sa may dulo ng couch at kita kong nakatingin sya sakin. Bumangon ako at hinila ko sya bigla. Dahilan para matumba sya sakin at ngayon ay nasa ibabaw ko sya.

God! My heartbeat. Now, I'm asking myself why I did that.

Tumayo sya agad at hindi ko inasahan ang sunod nyang ginawa. Inupuan ba naman ako sa tyan eh ang bigat bigat nya.

"Ikaw talaga kuya, ba't ka ba naghihila ha?! Yan ang bagay sayo. Dadag-anan pa kita!" naramdaman kong nagpapabigat pa sya.

Mabigat nga pala talaga tong babaeng to. Kung titingnan mo naman magaan lang. Siksik siguro ang laman.

"Ang bigat mo CJ. Aggghhhhh. Hindi ako makahinga!" pero palusot ko lang yun.

"Ha! Kasalanan mo yan kuya, magdusa ka. Ifeel mo ang kabigatan ko. Mwahahahaha" tumawa pa. Grabe. May sapi na naman to.

Sabagay, mas okay na yang ganyan sya kesa tulala. Hindi ako sanay kapag ganun sya eh.

"Hindi ka aalis dyan? Isa!" itinulak tulak ko na sya pero talagang mabigat si CJ.

"Dalawa. Hahaha"

"Ahh ganun ha?" in a split second, nahila ko si CJ at nagkapalit ang pwesto namin. Ako na ngayon ang nasa ibabaw nya. Hahaha!

Her Soulmate is Her KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon