Chapter 2

290 6 0
                                    


RJ's POV

Ang malas ko, may kapatid ako sa labas na hindi ko naman talaga kapatid. Magulo ba? Basta yun na yun. CJ ang palayaw.

Sabi nya siblings daw kami by heart.

Ewan kung paano nangyari yun. Simula nung nakilala ko yung babaeng yun, naging magulo ang tahimik kong buhay. Isama mo pa yung barkada nyang bakla.

Ang alam ko lang pumayag ako sa gusto nya, sobrang kulit ba naman.

Mula first day ko nung nagtransfer ako sa school nila, hindi na ako tinantanan. Akala ko nga nung una may gusto sakin eh.

Pero hindi ko pinagsisisihan na pumayag ako sa gusto nya, kung hindi dahil sa kanya, malungkot pa rin siguro ang buhay ko hanggang ngayon.

Papunta na ako ngayon kina CJ. Sabi ko sa kanya sabay kaming papasok ngayong umaga eh.

Para din hindi muna magmotor ang isang yun. Matigas kasi ang ulo. Psh.

Isa lang naman ang sched namin. Except pag may practice ako ng basketball.

Varsity ako sa SU. Wala eh, gwapo na, magaling pa.

Oh I forgot to mention, vice captain nga pala ako ng team.

Malapit na ako kina CJ. Maitext na nga.

To: CJ Bunso

Malapit na ko, labas ka na. Bilisan mo baka malate tayo.

Bzzzzttt

1 message received from CJ Bunso

Kaw lang naman ang matagal kuya eh. Kanina pa ako nag-aantay dito.

Psh. If I know, andun pa yun sa loob.

CJ Bunso? Sya ang naglagay ng name na yan.

Bunso eh nagbubunso-bunsohan lang yun.

Bunso ko daw sya.

Akala mo malambing, napakamaton naman.

Psh.

Wala lang talaga akong magawa sa kakulitan nya.

Pareho kasi kaming solong anak.

Kaya nung unang beses nya akong tinawag na kuya, di ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis ako.

Matutuwa kasi may isang tao na itinuturing ako na kapatid o maiinis kasi nga may naglakas loob na tumawag sakin ng ganun.

Ayoko ng kapatid, gusto ko ako lang. Then dumating naman si CJ, wagas makakuya.

Medyo malapit na ako sa kanila ng makita ko syang nakatayo sa may guard house.

Mukhang inip na inip na nga.

Lagot na naman ako nito.

"Kuya!" tawag sakin ni CJ.

"Tagal mo naman kuya! Nagutom na ko sa pag-aantay. Si Mica daw andun na." bugnot na sabi nya.

"Kelan ka ba hindi gutom? Halika na, sakay na para makaalis na tayo."

Naglakad na sya papunta sa shotgun seat at sumakay na.

"Gutom ka na agad? 8:30 pa lang ah. Di ka ba kumaen ng breakfast?" tanong ko habang nagdadrive.

"Kumaen, eh anong magagawa ko? May sawa yata sa tummy ko. Hehe" Sawa? I doubt, alligator maybe.

"Sobrang takaw kaya ang taba-taba." Sabi ko then tiningnan ko sya saglit.

"Ako mataba? Ano pa si Mica? Baboy? Hello, medyo chubby lang ako. Hindi mo ba alam na mas masarap ihug ang may laman kesa sa mga payat?" sagot nya habang pinipisil pisil ang braso nya.

Her Soulmate is Her KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon