CJ
"Goodnight, Cloud. Thanks for eating dinner with me." andito na kami sa tapat ng gate. Kumain lang kami ni kuya sa Chili's then hinatid na din nya ako pauwi.
"Sus ang drama mo kuya. Para yun lang eh. Kahit gabi gabi pa. Dito ka na kasi tumira. Hehe." pagbibiro ko.
Alam ko kasi na walang nakakasabay kumain si kuya sa bahay nila dahil busy lagi yung parents nya. Yun ang kaibahan namin. Ako, kahit busy ang mga parents ko, they make sure na may time sila para sa akin. Si kuya, madalang lang nya makita ang parents nya.
"Kung pwede nga lang eh. Para lagi akong malapit sayo. Para may kasabay ako lagi." sabi nya habang ginugulo ang buhok ko. Ang hilig nyang manggulo ng buhok. Tsk.
"Ipagpapaalam kita kina Tita gusto mo? For sure naman papayag sina Mama eh. Ang dami-daming vacant rooms sa bahay. Walang magiging problema if dito ka muna titira."
"Hindi ba pwede na sa room mo na lang?" tanong ni Kuya.
"Ayoko nga! Magkasama tayo sa room? Di pwede!" kahit na super comfortable kami sa isa't isa, hindi pa din pwede ha. Tsaka bakit naman nya gugustuhin na sa room ko magstay?
"Aray naman!" daing ko. Paano ba naman, pinitik ni kuya ang noo ko.
"Kung anu-anong kasing iniisip mo. Dun ako sa kwarto mo at ikaw sa guest room. Mas kumportable lang ako sa room mo kahit na madumi dun. Psh."
Pahiya ako dun ah. Sinamaan ko lang ng tingin si Kuya.
"Psh ka din. Wag na nga, sa inyo ka na lang. Sige na goodnight na." sabay talikod ko. Nakakainis kasi si kuya.
"Hindi ka man lang ba mag-gugood night?" narinig kong sabi nya. Dahil inilibre nya ako ng dinner at mahal din ang binayadan nya dun, naguilty naman ako kaya binalikan ko sya.
"Sige na goodnight na. Uwi ka na." sa baba lang ako nakatingin habang nagsasalita.
"Look, sorry okay? Pag-iisipan ko yung suggestion mo. Hindi ko lang alam kung papayagan ako nina Daddy pero I'll try. Ayaw kasi nilang bumukod ako sa kanila."
Tumingin ako kay kuya pero hindi ako nagsalita. Instead, I tiptoed then kissed him on his cheeks and walked again.
Bakit nga ba ako nagtatampo? Anong ipinag-iinarte ko? Napansin ko na ang drama ko ngayong araw.
Nilingon ko ulit si kuya bago ako tuluyang makapasok sa gate. I genuinely smiled at him and waved my hand then I saw him smiled also. Kumaway din sya bago tuluyang pumasok sa kotse nya.
Buti na lang Friday ngayon at walang pasok bukas.
Bago ako pumasok sa room ko ay dumaan muna ako sa room nina Mama. Sanay ako na kumakatok muna dahil nadala na ako ng minsang pumasok ako ng basta sa kwarto nila.
Nahuli ko ba naman na naghaharutan. Siguro may balak sila nung time na yun na sundan ako. Subukan lang nila.
I knocked. Tok tok.
"Come in." narinig kong sigaw ni Mama mula sa loob. Binuksan ko ang pinto at sumilip ng bahagya.
"Hi, Ma, Pa. Nakakaistorbo ba ako?" tanong ko.
"Hi, baby. Come in. Of course not, anong kailangan ng baby namin?" tanong ni Mama. Ang tanda-tanda ko na, baby pa rin ang tawag nila.
"Ma, I'm not a baby anymore." reklamo ko.
"Oo nga naman, Hon. Hindi na baby ang anak natin, kita mo nga nagkacrush na. Gumawa na lang tayo ng bagong baby natin." sagot ni Papa pero ewww!
"Pa!" saway ko.
BINABASA MO ANG
Her Soulmate is Her Kuya
Teen FictionNaranasan mo na bang mainlove? Sino ba namang hindi? Eh ung ma-inlove sa itinuturing mong kapatid? Parang incest.. Pero pano kung hindi na talaga mapigilan? Hindi naman kayo totoong magkapatid, kaya posible bang mauwi sa isang relasyon? Ako si CJ, s...