CJ
"Kinausap ka ba ni Trixe?" tanong ni kuya. It's Saturday today and as usual, nandito lang kami ni kuya sa room ko.
"Uhm. Yeah, the first time she got here." sagot ko.
"About what?"
"About you. She's asking for my help. Why don't give her a chance kuya?" ngumiti ako sa kanya.
Kuya didn't answered but I heard him sigh. Bakit parang malungkot si Kuya?
"Do you really think I should give her a chance? What if I don't want to?"
"Do you still hate her kuya? I thought you were waiting for her all along? Diba matagal mong hinintay ang chance na ito?"
"Yeah before but that was long ago. Iba na ngayon."
"How come? Di kita maintindihan"
"You don't need to understand for now. For now, you should rest. I'll go now." he said then gave me a kiss on my forehead. Isa ito sa mga paborito kong ginagawa ni kuya. Kissing me on my forehead.
"Kaen ka muna kaya. Wala ka namang kasabay kumain sa bahay nyo eh."
"Hindi na. Busog pa naman ako eh. Ikaw ang kumain na, for sure gutom ka na. Wag kang tatanggi dahil narinig kong tumunog ang tyan mo kanina." napakunot ang noo ko at sinamaan ng tingin si kuya. Ngiting ngiti naman sya habang palabas ng pinto.
"Hmmmm." humiga ako sa kama ko ng makalabas si kuya. Nag-inat inat.
Kinuha ko ang phone ko para itext sana si kuya ng ingat pero naalala kong lowbat nga pala ito kaya chinarge ko muna saka ko binuhay. Sunod sunod ang pagbeep ng phone ko dahil sa mga pumapasok na texts. Merong galing kay Kuya, kay Mica, kay Kai at sa unknown numbers. Inuna ko ung galing sa unknown numbers tutal alam ko na ung galing kay kuya at kay Mica.
"Eowz phoez!! cahn U b my txm8? mwahxzz" seriously? May jejemon pa din? Dahil sa pagkainis ko ay dinelete ko agad ang jejetext. Isinunod ko ang mga texts ni Kai.
"Hey, asan ka na?"
"Cloud, napagalitan ka ba ni Kuya mo kagabi? Need help ba ha?"
"Cloud, reply ka naman oh. Nag-aalala ako sayo."
"Clouddddd"
"Cloud Justine"
"Deadma talaga.. :("
"Ay baka lowbat ulit ang phone mo, baka di mo pa nababasa ang mga texts ko.hehe. Sorry sa flood. hehe. Text mo ko agad pag nabasa mo na ha?"
Ang kulit ni Kai. But nakakatuwa naman. Mareplyan nga 'to.
"Okay lang ako. Kakaopen ko lang ng phone ko. :)" message sent.
Beep
"Buti naman nagreply ka na. Kala ko napano ka na eh. :)"
"Tampo pa din si kuya, pero ok lang yun.. :)" sent.
Beep
"Ang higpit pala talaga ng kuya mo, mukhang sya muna ang kailangan kong ligawan ah. hahaha"
"Huh? Bakla ka ba?" sent
Hindi na nagreply si Kai pagkatext ko ng huli kong message. Mali ba yung sinabi ko? Bat naman nya liligawan si kuya eh lalaki yun? Oh em gee. Kalahi sya ni Mica!
Naputol ang pag-iisip ko ng biglang magring ang phone ko. Si Kai tumatawag.
"Hello?"
"Anong bakla? Di ako bakla noh?"
BINABASA MO ANG
Her Soulmate is Her Kuya
Fiksi RemajaNaranasan mo na bang mainlove? Sino ba namang hindi? Eh ung ma-inlove sa itinuturing mong kapatid? Parang incest.. Pero pano kung hindi na talaga mapigilan? Hindi naman kayo totoong magkapatid, kaya posible bang mauwi sa isang relasyon? Ako si CJ, s...