CJ
"Micca, can I borrow Cloud? Saglit lang kami. Ako na ang maghahatid sa kanila, promise!" ano bang sinasabi ni Kai?So nakisabay na nga sa amin si Kai pauwi. Pero bakit hinihiram ako ng lalaking 'to kay Micca.
"Malilintikan ako kay CJ kapag ginawa ko yun Kai. Kaso malelate na ako sa shoot ko. Wait, let me think about it." sagot ni Micca. So busy sila sa pag-uusap na parang wala ako dito sa sasakyan. "Sige na nga Kai, iuwi mo si Cloud before 7pm ha?" ang bilis naman mag-isip ng baklang 'to pero teka ano daw?
"Teka nga, ano bang pinag-uusapan nyo?" nakaheadset kasi ako kanina pero mahina lang naman ang sounds kaya medyo naririnig ko pa sila kaya lang meron silang mga pinag-uusapan na hindi ko maintindihan.
"Alisin mo nga kasi yang earphone mo" singhal sakin ni Micca habang pasulyap-sulyap sa taas. Nakastop ngayon ang sasakyan nya at waiting kami na mag-go ang signal ng traffic lights.
"Oh ano na? Ano yung pinag-uusapan nyo? Parang narinig ko yung pangalan ko." tanong ko sa kanilang dalawa pagkaalis ng earphone sa dalawang tenga ko.
"Hinihiram ka ni Kai. May pupuntahan daw kayo saglit. Sya na daw ang maghahatid sa'yo sa bahay." walang tinging sagot ni Micca. Nakafocus lang ang mata nya sa pagdadrive. Very good!
"Eh pero, sabi ni Kuya.....tsk, malalagot ako nito kay Kuya eh." sabi kasi nya wag na daw akong sasama kay Kai. Baka magalit na ng tuluyan yun kapag nalaman nyang sumama na naman ako dito sa lalaking 'to. Kaso nahihiya naman akong tumanggi.
"Ako na ang bahala kay, Rain. Hindi nya malalaman, promise! Saan ba kayo pupunta, Kai?" napalingon ako kay Kai na sa backseat nakaupo. Medyo nagulat pa ako dahil paglingon ko, ang lapit lang pala ng mukha nya kaya naman umayos na lang ulit ako ng upo. Nakaakbay ang dalawang braso nya sa likod ng upuan namin ni Micca.
"Sa tambayan namin ng grupo ko. May gusto lang akong ipakita kay Cloud." napatingin ako sa rear mirror. Nagtama ang tingin namin kaya binawi ko agad ang tingin ko.
"Malapit lang ba yun? Ihahatid ko na lang kayo." makapayag 'tong si Micca, wagas. Eh di pa nya ako tinatanong.
"Kahit dyan na lang sa tabi, magcocommute na lang kami ni Cloud. Baka malate ka pa, sabi mo may shoot ka pang pupuntahan. Model ka pala, Miccababe?" ayun at kinilig na naman si Micca pagkarinig sa sinabi nitong si Kai.
"Hala! Oo nga! Sure ka ha na ihahatid mo yang bebe girl namin." paghingi ng assurance ni Micca. Ipinark nya ang sasakyan nya sa isang tabi.
"Teka, pumayag na ba ako?" tanong ko sa dalawa.
"Sige na please, Cloud. Samahan mo ako ngayon, please. Nakapagpromise kasi ako sa group na isasama kita ulit." nakapuppy eyes at magkadaop ang palad na pakiusap ni Kai.
"Ipakilala mo din ako sa group mo Kai ha? Baka isa na sa kanila ang maging dyowa ko. Hihi!" ang landi talaga ng baklang 'to. Isusumbong kita kay Kuya!
"Sure, Miccababe! Next time." baling ni Kai kay Micca.
"Yes! Excited na ako. So ano, Cloud? Sasama ka ba sa kanya?" may magagawa pa ba ako eh parang napagtulungan na ako ng dalawa.
"Sige na nga." inalis ko ang seatbelt ko at narinig ko naman na ini-unlock ni Micca ang pinto ng kotse nya. Nakita ko namang lumapad ang pagkakasmile ni Kai.
"Mag-iingat kayong dalawa ha? I-text mo ako, Cloud or I'll just call you later. Umuwi ka before 7pm. May dinner pa kayo ni Rain." bilin ni Micca. Hinalikan muna ako nito sa noo bago ako pababain at saka sya umalis.
"Talaga bang ganun sa'yo si Micca? Kinikiss ka talaga nya? Sure kang hindi bakla yun?" sunod sunod na tanong ni Kai. Pareho kaming nakatanaw sa humarurot na kotse ni Micca.
BINABASA MO ANG
Her Soulmate is Her Kuya
Ficção AdolescenteNaranasan mo na bang mainlove? Sino ba namang hindi? Eh ung ma-inlove sa itinuturing mong kapatid? Parang incest.. Pero pano kung hindi na talaga mapigilan? Hindi naman kayo totoong magkapatid, kaya posible bang mauwi sa isang relasyon? Ako si CJ, s...