CHAPTER 19

32 2 1
                                    

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng bahay namin. Napahawak ako sa dibdib ko ng makarinig ako ng pamilyar na boses at agad na nilingon ang pinanggalingan nito. 

"Where have you been?" tanong ni Dad.

"Dad naman eh! Ano bang ginagawa mo dyan sa likod ng pintuan?" tanong ko habang bumebeso sa pisngi nya.

"Gugulatin sana kita eh kaya lang nakita kita sa labas, nasaan si RJ? Bakit iba ang naghatid sa'yo?" magkasunod na tanong nito. Biglang nanlaki ang mata ko pagkarinig ko ng RJ.

Speaking of Kuya, pupunta nga pala sya dito para sunduin ako, I almost forgot! Kailangan ko ng magready bago pa nya ako maabutan na hindi pa nagpapalit ng damit.

"Later, Dad. Ikukuwento ko sa'yo promise!" iniwan ko na si Dad sa baba at dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto ko. "Ang baho ko yata, I need to take a shower." Bulong ko sa sarili ko but I only have 5mins left. "Bahala na!" I thought.

Ligong uwak na kung ligong uwak ang ginawa ko, hindi naman siguro ako ganun kabaho at hindi ko naman binasa ang buhok ko. Katawan lang ang binasa ko dahil pakiramdam ko, nanlalagkit ako.

I was about to leave my room when I suddenly remembered to check my phone. There's a missed call from Kuya and 3 text messages.

Sorry, CJ. I can't come.

Hey, you mad?

I'm really sorry, something came up. Babawi ako sa'yo promise!

Yan ang magkakasunod na texts ni Kuya na ikinalungkot ko. So, hindi pala kami matutuloy dun sa bagong open na kainan. Okay lang naman na hindi ko muna matry yun pero parang hindi okay na hindi makakapunta dito si Kuya. Usually naman sinasabi nya yung reason kapag hindi kami matutuloy sa lakad pero sa tatlong texts nya kanina, wala man lang syang sinabi kung sorry.

I guess, importante talaga yun.

Pasalampak akong umupo sa gilid ng kama ko. Magrereply na sana ako sa text ni Kuya ng biglang magring ang phone ko. Tumatawag siya.

"Hey." sagot ko.

"Are you mad? I'm really sorry, CJ." 

"Hindi kuya, okay lang. Pagod din naman ako eh. Bukas na lang tayo mag-usap." Sinubukan kong pasiglahin ang boses ko pero wala, tinraydor lang ako.

"Don't lie, CJ. I know you. I know that you have already set your mind that your going to eat there tonight and I'm sorry if I disappointed you." 

"Hindi naman, Kuya. Don't worry. Madami pang chances and for sure madami pang tao dun ngayon, nakakapagod pumila."

"If you say so. Pero bakit ka napagod? May pinuntahan kayo ni Micca kanina?" tanong nya na medyo kinabahan ako.

"Uhmm kuya, please don't get mad at me." 

"Why? Sumama ka na naman kay Kai?" alam na alam talaga nya.

"You know I can't and I will not lie to you. Mabait si Kai Kuya. I may have wrong impressions with him pero okay syang kasama." kinakabahan na talaga ako this time. 

"Kuya?" pagtawag ko sa kanya dahil hindi na sya nagsalita.

"Matulog ka na, CJ. Good night." sagot nya then ibinaba na nya ang call. Hindi man lang ako nakasagot.

Great! Ngayon sya naman ang galit. Just great!

 Just great!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Her Soulmate is Her KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon