CJ
"As you all know, Intramurals is nearing. There will be Ms. Southern University pageant and I need representatives from our class." our Adviser said. Yeah, intrams na naman nga pala wherein maglalaban laban ang bawat team from every department.
Napatigil ako sa pagdoodle ng marinig ko ito. Maraming pwedeng sumali from our class. Kuya can compete sa boys, as well as Kai. Sa girls naman, Trixie is here. Pwedeng-pwede syang sumali dun.
"May maisasuggest ba kayo from our class? Two girls from our class can compete." sabi ng adviser namin.
"Suggest na kayo, guys!" sigaw ng isa kong kaklase.
Nakita kong nagtaas ng kamay nya si Kai. "Yes, Mr. Domingo?"
"Ma'am, si Cloud po." nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya.
Agad namang napalingon si Kuya sa katabi nya which is Kai.
"Okay, who else?" tanong ni Ma'am.
"Ma'am, si Trixie po. Diba model sya sa Korea? Kayang kaya nyang lumaban dun." narinig kong sabi ng isa pa naming kaklase. Tama nga sya, sanay si Trixie sa ganun at for sure, malaki ang chance nyang manalo.
"So, Cloud and Trixie, are you willing to participate?" hindi ko alam ang isasagot ko. Natatakot akong sumali sa mga ganun kasi hindi naman ako sanay.
"Yes, Ma'am. No problem po." nakangiting tugon ni Trixie kay Ma'am.
"How about you, Cloud?" nakatingin na sa akin lahat ng kaklase ko at naghihintay ng sagot. Pahamak kang Kai ka, ba't ba kasi naisipan mo akong isali dito?
Lumingon sa akin si kuya at nagsmile. Parang ineencourage nya akong sumali sa pagkakasmile nya.
Nahihiya man ay tumango na ako ng bahagya kay Ma'am meaning payag na akong sumali.
Lumingon si Kai sa akin at kinindatan ako.
"Thank you, girls. I know you can do well." pagkasabi nyang iyong ay lumabas na sya ng classroom namin.
"Can I seat with CJ?" narinig kong tanong ni Kuya kay Trixie.
Tumingin muna sa akin si Trixie bago ito tumayo at lumipat sa kinauupuan ni Kuya kanina. I can see sadness in her eyes.
Katabi nya ngayon si Kai na para namang walang pakialam sa mundo dahil nakaheadset na naman.
"You, okay?"tanong ni Kuya.
"Oo naman, Kuya. Bakit?"
"Wala naman. I'm proud you ngayon pa lang, I know you will slay that contest." nakita kong medyo napapalingon si Trixie sa gawi namin ni Kuya.
"Thanks, Kuya. Sana nga magawa ko. Tutulungan nyo naman ako ni Micca diba?" halata sa boses ko na ngayon pa lang, nagwoworry na ako sa contest na yun.
Wala talaga akong confidence sumali sa mga ganun kahit lagi akong naiiboto na sumali. Ewan ko ba, mahina nga lang talaga yata ang loob ko.
"You can count on us on that. Ikaw pa ba naman ang pabayaan namin?" nakangiting sabi ni kuya. Ngayon ko lang napansin na suot nya pala ulit yung earrings nya sa left ear nya.
"Oh? Bakit may ganyan ka ngayon, kuya?" tanong ko habang nakaturo sa hikaw nya.
"Ito ba? Feel ko lang isuot today, tanggalin ko ba?" hinawakan nya yung hikaw nya at akmang aalisin sana ng pigilin ko ito.
"Hindi na, wag na. Bagay naman eh. Mas nagmukha kang astig." nakangiting tugon ko sa kanya.
"Since when did you have piercings, Rain?" bigla akong napatingin kay Trixie na nakatayo na pala sa tabi ni Kuya. Dahan-dahan namang tumingin si Kuya kay Trixie.
"Ano bang pakialam mo?" supladong tanong ni kuya.
"Sorry, I'm just concern, baka mapagalitan ka ka kapag nakita ka ng Professors dito." kahit napahiya ay halata pa rin sa boses ni Trixie na concern talaga ito kay kuya.
"So?" nakairap pang sagot ni kuya kaya naman hinampas ko ito.
"Kuya!" saway ko sa kanya. From masamang tingin kay Trixie, biglang lumingon si kuya sa akin na nakapout pa.
"Bakit?" tanong nya.
"Trixie is right. Baka pagalitan ka kapag may nakakita sayong professors na may suot nyan. Alisin mo na yan." sabay turo ko sa hikaw nya.
"Kanina lang sabi mo wag kong alisin tapos ngayon pinapaalis mo na. Ang gulo mo, CJ." sabi ni kuya habang inaalis ang hikaw nya.
"Sa labas mo na lang isuot yan." sagot ko sa kanya. Wala na ngang nagawa si Kuya kundi itago sa box nito na ipinasadya nya pa para maging lalagyan.
That earring is a gift from me. Binigay ko iyon after ng graduation namin sa highschool.
Hindi pala ibinigay, hiningi nya pala sa akin ng minsang dumating sya sa bahay at ipinakita ang bagong piercing nya.
Nung una ay inis inis ako sa kanya dahil kalalaki nyang tao ay nagpabutas sya sa tenga. Sorry sya ng sorry noon dahil sa sudden decision nya na magpapierce. Nakita lang daw nya yun ibang lalaki kaya gumawa sya.
Tutal wala na din naman akong magagawa at dahil buhay naman nya yun, hinayaan ko na lang din.
Sabi nya special daw para sa kanya ang earring na yun dahil hugis heart na may butas sa gitna. The other pair is in my jewelry box which is a key.
Bagay naman kay kuya kaya ng hingin nya ito ay ibinigay ko na lang kahit napaka-special din nito para sa akin. Bigay yun sakin ni Mommy when I was a kid.
"Happy?" tanong ni kuya sa akin ng maalis na nya ang hikaw nya. Si Trixie naman ay bumalik na sa upuan nya na malungkot pa rin ang mata.
Tumango lang ako kay kuya habang nakasmile.
"You shouldn't act like that towards Trixie." bulong ko sa kanya.
"Tss. I'm always like this towards others, you know that." tumalikod sakin si kuya pagkasabi nito.
"Haaayyy." buntong hininga ko. Kelan ko kaya makukumbinsi si kuya na kausapin ng maayos si Trixie? Nasasaktan ako para sa kanya eh.
I just let him and started doodling again.
BINABASA MO ANG
Her Soulmate is Her Kuya
Teen FictionNaranasan mo na bang mainlove? Sino ba namang hindi? Eh ung ma-inlove sa itinuturing mong kapatid? Parang incest.. Pero pano kung hindi na talaga mapigilan? Hindi naman kayo totoong magkapatid, kaya posible bang mauwi sa isang relasyon? Ako si CJ, s...