RJ's POV.
Ang tagal naman ni CJ. Kanina ko pa sya inaantay dito sa may hallway.
Nauna na akong lumabas ng room dahil ayaw kong makausap si Trixie.
Oo, galit ako sa kanya. After all what I've done for her before? Pinaasa nya lang ako. Pinaasa nya ako sa wala.
CJ and Mica know how miserable I was when Trixie left me. She's the only girl I've ever loved. But she taken it for granted, she taken me for granted. She chose her modelling career, so why return?
Hindi ako nagtangkang manligaw ng iba pagkatapos ng break up namin dahil ipinangako ko sa sarili ko na si CJ na lang muna ang uunahin ko tutal sya lang naman ang nandyan para sa akin. At dahil din sakin kaya muntik na syang mapahamak noon.
Pinaniwala ako ni Trixie na mahal din nya ako. Pero kung talagang mahal nya ako, paano nya nagawa sakin yun? Paano nya ako nagawang iwanan noon? Paano nya ako nagawang ipagpalit sa pagmomodel nya?
But I thought I already forgot about her, I thought I can manage.
I thought she won't affect me anymore.
I was sure before that I've already forgot about her, as well as my feelings.
But then when I saw her, I was very furious at first but when she said Hi, I almost gave in.
Buti na lang hindi nagtraydor ang kamay ko.
Mas pinili kong umiwas ng tingin at tumingin na lang sa labas. Malamang naramdaman din yun ni CJ.
Speaking of CJ, wala pa din hanggang ngayon?
Nag-umpisa na ulit akong maglakad papunta sa next class namin ng kutong lupa na yun.
Then biglang may kumapit sa braso ko, pagtingin ko, si Pagong.
"Pagong ka ba CJ?" I asked her.
"Huh? Hindi, tao ako." sya.
"Daig mo pa ang pagong sa kabagalan eh, saan ka ba nanggaling?" yumukod ako para pumantay ang mata ko sa mata nya.
And nagtaka ako kasi namumula yung mata nya. May nagpaiyak na naman ba dito? Baka may nang-away na naman. Tsk! Mga babaeng yan talaga, makita lang na hindi ako kasama ng pagong na'to nananamantala na. Kaya ayokong naiiwanan ng mag-isa ito eh.
"Hey, something happened? Umiyak ka ba ha? May nang-away na naman ba sayo ha? Tell me!" may pag-aalala kong tanong sa kanya.
"Ooops teka lang kuya, isa isa lang. Mahina ang kalaban. Matalino ako pero slow din ako minsan." sagot nya.
"Anong connect? Di mo naman sinagot ung tanong ko eh. Anong nangyari ha?"
"Wala kuya, napuwing lang. Kaw naman, don't worry too much about me." sagot niya na nakasmile pa then nag-iwas ng tingin.
"Sure ka ha?" Tumango lang sya at nakangiti pa rin. Sure ako na may itinatago sya.
I can sense it. Dalawang beses pa lang nagsinungaling sakin si CJ pero I can tell right away if she's lying or not.
She's hiding something from me but I won't ask for now.
Kilala ko si CJ, sinasabi nya sakin lahat. Kaya alam ko kung kelan sya nagsisinungaling.
Hindi sya umiiwas ng tingin sakin pag kausap ko sya ng eye to eye. And the fact na hindi sya magaling magsinungaling, even if it's white lie, madali syang mahuli.
BINABASA MO ANG
Her Soulmate is Her Kuya
Roman pour AdolescentsNaranasan mo na bang mainlove? Sino ba namang hindi? Eh ung ma-inlove sa itinuturing mong kapatid? Parang incest.. Pero pano kung hindi na talaga mapigilan? Hindi naman kayo totoong magkapatid, kaya posible bang mauwi sa isang relasyon? Ako si CJ, s...