Chapter 6

191 4 5
                                    




CJ's POV

"Cloud!" lumingon ako sa tumawag. Teka, ito yung nakabunggo sakin ah. Paano nya nalaman ang pangalan ko? Close ba kami nito? Makatawag  ng Cloud.

"Anong problema mo? Tsaka paano mo nalaman ang pangalan ko?" pagtataray ko sa kanya.

Napanganga ako ng literal sa sunod na ginawa nya. Instead na sumagot, kumindat lang si tanga at umalis na. Sira-ulo yun ah. Nakangiting aso pa. Bwisit!

"Sino ba yun?" tanong ni kuya.

"Hindi ko alam ang pangalan nya kuya. Di ba yun yung nakabunggo sakin? Sya din yung naningit sa pila sa canteen at umagaw ng chuckie ko." sagot ko.

"Ahhh yeah right. I remember him."

"Nakakainis yung taong yun. Alam mo yun? Makita mo pa lang sya maiinis ka na. Naramdaman mo na ba yung ganung feeling ha kuya?"

"Yung noo mo, sobra makakunot." Hinimas himas ni kuya ang noo ko.

"Eh nakakainis naman kasi talaga yun. Paano kaya ako nakilala nun?" tanong ko sa kanya.

"Sikat ka din naman kasi dito sa school. Halika na nga." hinila na ako ni kuya papunta sa building namin.

Nang makarating kami sa classroom namin, nagpaalam saglit si kuya na magbanyo lang. Hindi pa kasi nagcr kanina.

Pagkaalis nya, saka naman dumating at tumabi sakin si Trixie.

"Pwedeng patabi?" tanong nya.

"Su-sure." nag-aalangan man ako pero nakangiti akong sumagot.

"Pwede bang dito muna ako?  Nahihiya kasi ako sa iba nating classmates eh."

"Ahh ehhh sabihin mo kay kuya. Dyan kasi sya nakaupo eh." Turo ko sa inuupuan nya.

"Pwede bang ikaw na lang ang magsabi? Sabihin mo ako muna ang katabi mo, sige na Cloud. Please." pagmamakaawa nya.

"Si..sige" wala na akong nagawa.

Pagbalik ni kuya, nagulat sya kasi si Trixie na ang katabi ko.

"Move." cold na sabi ni kuya. Napatingin ako kay Trixie na nakatungo lang.

"Ahh Ku.. kuya. Dito muna si Trixie, okay lang?" pagpapaalam ko.

"Bahala ka." tumalikod na si kuya at umupo sa harapan ko.

"Galit ata si RJ." bulong ni Trixie. Di ko alam kung dinig ni kuya yun.

"Hindi yan, akong bahala." nakangiti kong sabi sa kanya. Pero kilala ko si kuya, malamang tampo yan.

Kinulbit ko sya pero hindi ako pinapansin, ni lumingon hindi nya ginawa. Madalang magtampo si kuya pero pag nagtampo, grabe, ang hirap amuin.

"Good morning classmates!" napatingin ako sa sumigaw. And automatic na napasimangot ako.

 And automatic na napasimangot ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Her Soulmate is Her KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon