Chapter 20

63 4 18
                                    

Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pag-uusap namin ni Kuya. We rarely fight, it's either about food or sa kahit anong mababaw na dahilan lang and it's our first time to fight about a guy.

Dati kung may magparamdam sa'kin, cool lang si Kuya. He will just let me talk to the guy, unlike ngayon na ibang iba talaga. 

Tulad pa rin ng madalas, sinundo ako ni Kuya sa bahay pero sobrang naninibago ako dahil tahimik lang kami buong byahe papunta sa school. Hindi nga nya ako tiningnan sa mata kanina.

"We're here." sabi nya bago bumaba ng sasakyan nya. I unbuckled my seatbelt pero hindi agad ako bumaba. Nalulungkot kasi ako na ganito kami ni Kuya. Sobrang hindi ako kumportable. Napansin siguro nyang hindi ako bumaba kaya lumapit sa may bintana ng side ko. Binuksan ko naman ang pinto at bumaba na din ng sasakyan nya.

"Cloud Bebe Gurrrrrllll!" pareho kaming napalingon ni Kuya sa tumawag.  Isang poging bakla ang nakita kong pinanggalingan ng matinis na boses na yun. Hindi pa nakakalapit si Micca ng mag-umpisa ng maglakad palayo sa amin si Kuya. 

"What happened? Bakit ganun ang eksena nyo?" tanong ni Micca ng makalapit ito. "OMG! Did you tell him?" 

Tumango lamang ako bilang tugon sa tanong nya pero nagulat ako ng bigla itong ngumawa at nagkunwaring umiiyak. Natawa naman ako sa naging itsura ng baklang 'to.

"So kaya down na down ka ngayon?" tumango lang ako ulit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"So kaya down na down ka ngayon?" tumango lang ako ulit. "Wag ka ng masad dyan, Cloud. Simpleng misunderstanding nyo lang ni Rain yan. Alam mo naman yang Kuya mo, allergic kapag may lumalapit na guys sa'yo." sabi nya habang naka-angkla sa braso ko at inakay na ako maglakad papunta sa building ko.

"Eh parang iba ngayon eh, di ko alam kung anong ikinakagalit talaga n'ya." 

"Hindi lang sanay si Kuya mo na sinusuway mo sya kaya siguro ganun ang reaction nya ngayon. Lilipas din ang tampo nun, di ka naman nya kayang tiisin eh. Next time kasi magpaalam ka ng maayos". napangiti naman ako sa sinabing yon ni Micca.

"Thank you, Micca! Sabay ka sa amin mamaya sa lunch ha? Tulungan mo akong magkaayos kami ni Kuya." andito na kami sa tapat ng pinto ng classroom ko. 

"Will do, just wait for me there. So, gotta go. Baka maunahan pa ako sa upuan sa tabi ng crush ko." dinampian muna nya ako ng halik sa ulo bago tuluyang naglakad na kume-kembot kembot pa. Natawa na lang ako sa way ng paglalakad nya saka pumasok ng classroom.

Mas lalo lang yata akong nalungkot ng makita kong magkatabi sa upuan sina Kuya at Trixie. No choice ako kundi umupo sa may unahan nila. 

Hindi pumasok ngayon si Kai, I wonder kung bakit. Nagwoworry din naman ako sa kanya pero baka lalo lang lumala ang tampo sakin ni Kuya kung kakamustahin ko si Kai. Mamaya na lang siguro sa bahay.

Tahimik lang akong nakikinig sa lahat ng klase namin ng umaga. Sumasagot sa tanong ng professor if natatawag. Naninibago ako dahil walang nangungulit sakin at biglang humahawak sa kamay ko. 

Her Soulmate is Her KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon