Chapter 10

129 3 0
                                    


CJ's POV

"Hey! Any problem?" tanong ni Mhel, isa sa mga kagroup ni Kai. Halata sa mga mukha nila ang gulat pero worried din.

"Sorry. Wala 'to. Tuloy nyo na yan." Nakakahiya. Napatigil pa tuloy yung practice nila.

"Bakit CJ?" tanong ni Kai. Nakalapit na pala sya agad sakin, hindi ko napansin.

"Kai, I need to go home na. Hinahanap na ako ni kuya." medyo nagpapanic na ako kasi baka isumbong ako nun kay Mommy.

"Ganun ba? Sige tara hatid na kita. Tapos na din naman kami eh."

"Guys, hatid ko lang si Cloud." paalam ni Kai sa mga kagrupo nya.

"Guys, sorry ha? Naabala ko pa tuloy yung pratice nyo." Paumanhin ko. Nakakahiya naman kasi sa kanila. Sana pala dinala na namin ni Kai yung motor ko para okay lang na ako lang ang umalis.

"Okay lang yun, CJ. Patapos na din naman kami eh. Kayang kaya na namin kahit wala si Kai. Balik ka dito ha? Welcome na welcome ka dito." Si Niko.

"Nice meeting you all, panuod ulit sa next practice nyo ha? Nag-enjoy ako sa panunuod."

"Oo naman, Cloud. Any time pwede kang pumunta dito. Lagi namang may tao dito. And pwedeng pwede kang manuod ng practice namin. Pero dapat manood ka sa mismong competition ha?" sabi ni Zac, kagroup ni Kai na may blonde na buhok.

"Ingat kayo, Kai. Ingatan mo si CJ. Unang princess natin yan." Namula naman ako sa sinabi ni Jake. Unang princess daw? Ano yun, Sofia the First ang peg ko? Hahaha.

"Tss. Hindi mo na kailangang sabihin yan, Jake. Iingatan ko talaga 'to. CJ, tara na." baling sa akin ni Kai.

"Sige, guys. Bye and thank you!" sabi ko pa ng makatayo ako sa kinauupuan ko.

Nagulat ako ng bigla nya akong inakbayan at inakay palabas ng tambayan nila.

Nakangiti na naman si Kai habang naglalakad kami, ako naman napatingin sa braso nya na nakaakbay sakin.

"Ay sorry, masyado akong nag-enjoy sa pag-akbay sayo. Hehe" kakamot kamot pa sya sa batok nya saka nya inalis yung pagkakaakbay sakin.

"Pansin ko nga eh. So, paano tayo babalik sa school?"

"Via jeep ulit o gusto mo ba magtaxi na lang?"

"Kung alin ang mas mabilis, lagot na kasi talaga ako kay kuya. Baka isumbong ako kay Mommy" may pagkasumbungero yung bakulaw na yun eh.

"Sige tara taxi na lang."

Madali naman syang nakapara ng taxi at dali dali kaming sumakay.

"Teka dahan-dahan lang. Ganyan ka ba katakot sa kuya mo?"

"Grabe kasi magalit si kuya. Nakakatakot."

"Hindi ka naman siguro papagalitan nun." Hindi ko muna pinansin si Kai. Binasa ko muna lahat ng texts na nareceived ko.

Lagot ako kay Kuya nito. 25 missed calls and 38 texts?! Pati si Mica ang dami na ding texts. Itinatanong kung nasaan ako. Tapos na pala agad si kuya sa basketball practice nya? Ang bilis naman.

Huminga muna ako bago tinawagan si kuya. At sa kamalasan ko, hindi ko napansin na lowbat na pala ako. Namatay ang phone ko bago pa man magring ang phone ni kuya. Lagot talaga ako nito. I'm so dead.

"Naku, di mo kilala si kuya. Iba talaga magalit. Baka isumbong pa ako nun kay Mommy." Sabi ko Kai.

"Don't worry, sasamahan kitang magpaliwanag. Di ba nagtext ka naman kanina?"

Her Soulmate is Her KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon