Chapter 1

46.1K 1.1K 323
                                    

CHAPTER 1

FAVORITE FOOD #2: Cake

FAQ 2: Ano'ng timbang mo?

COMMON REPLY: Secret!

DEEP INSIDE: Nyemas ka.

IMBYERNA #2: Ang mga feeling close na sasabihin sa harap ng maraming tao, "Ang taba-taba mo na! Mag-diet ka nga!" Magkatapatan tayo, kapatid. Nag-comment ba ako sa 'yo ng, "Ang chaka-chaka mo na! Magpa-Belo ka na nga!" Hindi, 'di ba? So i-zipper ang bibig at baka madaganan ng wala sa oras. K, bye.

__

OMG. Ang guwapo niya. For the first time in my life, gusto kong magpasalamat sa nag-imbento ng internet. Sino nga ba? Ise-search ko sa Wiki mamaya para mapadalhan ng thank you note. Imagine, itong ka-eyeball ko na 'to parang biyaya ng langit! Promise!

Well, second try ko ito. Sabi nga, try and try until you succeed. Ang blind date ko ay hindi natuloy. Dinner lang ang natuloy, walang ka-blind date. Tumawag lang ang nag-set up sa amin, ang kaibigan kong si Pablita de kulasa, kung kelan nasa restaurant na ako. Alangan namang palampasin ko ang dinner dahil lang hindi ako sinipot ng blind date ko, 'di ba? Walang ka-date? Good. Extra rice, please!

Well, this time, kinarir ko na ang chatting. At sa isang chatroom ko natagpuan si Nate. Sugar cake, ang guwapo talaga! Maputi siya, matangkad, medyo chinito, mukhang ang bango-bango at ang linis-linis. Winner na winner ako dito. Kung ito ang magiging first boyfriend ko, palong-palo na ang 26 years kong paghihintay.

Be smart, paalala ko sa sarili ko. Siyempre, hindi lang pagkain ang may presentation, pati tao meron din. Kumbaga sa tapsilog na may achara sa isang tabi, ako ay dapat may baong matalinong pakikiharap. I'm ready for love kaya todo na 'to.

Um-order siya ng juice. Juice lang. Okay, fine. Keri ko mag-juice lang.

"I'm full but please, do order dinner," sabi niya.

Wow, pogi points. Pero siyempre, medyo na-shy ako kaya sabi ko, "No, I'm also full na, eh. It's okay." Kahit dinig kong masarap daw ang steak sa lugar na ito. Mas mahalaga ang love life, puwede naman akong magpa-deliver ng pizza any time.

"So what do you do, Yuli?" tanong niya, nakangiti. Puwedeng pang-commercial ang ngipin ng lolo mo.

"I manage the family business." Kaya wala akong nakikilala masyado. Pero pinagtagpo tayo ng tadhana, Nate. Parang mahal na kita. "What about you?"

"Good thing you asked." Ngumiti siya, saka naglabas ng brochure mula sa bulsa. "Have you heard of Starlight Business Incorporated? They make all sorts of products. If you like to cook, they have fine kitchen equipment for you—from cutlery to cast iron pans."

"I see," sabi ko.

"You know what? Our finest product is this." Naglabas siya ng sanitary napkin. Oo, SANITARY NAPKIN. "Alam kong sensitive ang ganitong topic pero gusto kong i-demonstrate."

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon