WHOLE - Chapter 26

1.8K 95 2
                                    

CHAPTER 26

FAVORITE FOOD 22: Mami with jumbo siopao!

FAQ 22: "Marami ka bang kamot?"

COMMON REPLY: Titingnan lang ng masama ang nagtanong

DEEP INSIDE: Pati stretch marks ko, gusto mong bilangin?

IMBIYERNA 22: Kapag na-flat ang gulong ng sasakyan, ikaw agad ang sinisisi.

Napaungol ako nang magkaroon ng malay. Ang sakit ng ulo ko. Nagmulat ako ng mata at sinalakay ng takot. Walang liwanag sa paligid. Wala akong makitang kahit na ano!

"You will get better, Yuli. Just rest for now."

Parang binuhusan ng tubig ang nag-aapoy kong pag-aalala nang marinig ang tinig ni Gavril. Puwede bang totoo ito? Na si Gavril ang kasama ko ngayon? Pero teka, hindi kaya at bumaligtad din siya?

"Nasaan tayo?"

"In one of the ship's empty cabins. Pasensiya ka na, dito lang walang makakakita sa atin at makakapagpahinga ka. Hindi ko mabuksan ang ilaw, makikita tayo ng mga tauhan. Dinala kita rito para hindi ka madala nina Dmitri. The King ordered me to take you away."

Naisip kong siguro, habang nagkakagulo, kinausap sa isip ni Octavio itong si Gavril. Salamat. Malaki ang utang-na-loob ko sa kanilang dalawa. Kung nadala ako ni Tadeo, hindi ko alam kung ano ang puwedeng mangyari sa akin. Well, alam ko, at maisip ko pa lang, kinikilabutan na ako. Wala akong pakialam kahit gaano kaguwapo si Tadeo. Rape is rape. At kahit kailan, hindi ko pinangarap ma-rape.

Kumirot ang ulo ko at agad nakaalalay si Gavril. Oo nga pala, may night vision ang mga bampira. Inalalayan niya ang ulo ko at isinapin ang isang ice pack sa batok ko. "Hindi nila alam na magkasama tayo?"

"Alam nila, dahil nakita nilang kasama kita. I had to fight a few vampires to take you. I'm lucky Dmitri wasn't wearing the gem, otherwise, it would've been impossible to fight him."

"Hindi niya dinala, siguro nag-aalala din siyang baka sa kung anong biro ng tadhana, makuha ni Octavio. Sa tingin mo ba, papatayin nila si Octavio? Baka gawin nilang hostage si Octavio para ibalik mo ako?"

"No. I don't think they will hurt him though I'm sure they will not stop looking for you. Titigil lang sila kapag lumipas na ang anim na buwan mula nang lumabas at mapatay mo ang draugr."

Binilang ko ang panahon. May kulang-kulang dalawang buwan pa bago ang death anniversary ng draugr. "At habang hindi pa natatapos iyon, ikaw ang makakasama ko?"

"You have no other choice." Kahit madilim, bakas sa boses niya ang pagkainis.

"Hindi ako nagrereklamo."

Bumuntong-hininga siya. "I'm sorry about all this."

"Bakit, kasalanan mo ba?"

"In a way. Nagdududa na ako kay Sir William pero naisip kong napa-paranoid lang ako. I never told Octavio my doubts about Sir William's loyalty."

"Alam mo, ako rin. Kasi isinayaw ako ni Sir William, 'tapos sabi niya may surprise daw. Akala ko naman surprise ni Octavio. Nagsuspetsa na ako pero naisip kong napapraning lang ako. Paano 'yon? Marami pa bang naniniwala kay Octavio? May kasama pa ba siya ngayon?"

"I don't know." Bumuntong-hininga siya ulit. Ngayong nasasanay na ang mata ko sa dilim, nakikita kong nakaupo siya sa tabi ko. Siguro sobrang liit ng cabin at patay din ang ilaw sa hallway sa labas kasi si Gavril lang ang naaaninag ko. May liwanag sa ilalim ng pintuan pero halatang hindi direktang galing sa labas ng pinto ang liwanag. Mahina ang sinag noon, siguro galing sa malayo. "After I took you, I left. Maraming sumunod sa akin. I had to fight a few more of Dmtiri's men to get away."

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon