Chapter 5

27.7K 607 90
                                    

Chapter 5

“He who is not contented with what he has, would not be contented with what he would like to have.” – Socrates

 

[Oo, may ganyang Socrates chuchu talaga. At oo, magpapalit na ako ng POV. Ikatlong oo, medyo seryoso itong chapter na ito. Sa barangay po magreklamo. – Vanessa]

__

 

A long time ago, near the Carpathian Mountains…


Isang lalaking edad disi-otso ang naglalakad sa kasukalan ng gubat sa gitna ng gabi, may tangang lampara, mabilis ang mga hakbang. Tumuloy ang lalaki sa isang bahay, ibinaba ang talukbong ng balabal, saka sabik na kinuha mula sa bulsa ang isang maliit na libro—itim ang pabalat, sulat-kamay ang nakatala sa loob.

Yari man sa bato ang bahay ay maliit lamang iyon, puno ng samu't saring pinatuyong dahon at ugat ng puno. Sa isang panig ay makikita ang mga librong isinulat ng mga monghe, mangkukulam, manghuhula, pari at iba pa. Lahat ng libro ay hindi pag-aari ng lalaki, kundi ninakaw lamang o kinuha sa pamamagitan ng dahas.

Ang pangalan ng lalaki ay Lucian. Binuklat nito ang maliit na librong hawak at may pagkaatat ng binasa ang laman niyon. Tatlo pang libro ang kinuha ng lalaki mula sa estante at hindi pa nagtagal ay nagsimula na itong magtala sa nakarolyong papel gamit ang isang pluma.

Malapit nang mag-umaga nang matapos si Lucian. Puno pa siya ng enerhiya nang magsindi ng kandilang samu't sari ang kulay at laki. Walang kapagurang ipinatak niya ang kulay pula at itim na kandila sa kahoy na sahig, lumikha ng dalawang tatsulok, magkapatong—ang isa ay nakatayo, habang ang isa ay nakataob, sa gayon ay hugis-bituin nang mabuo ang pigura.

Binasa ni Lucian ang itinala sa mahabang rolyo ng papel na umaabot sa kanyang baywang. Taimtim ang kanyang pagbigkas sa bawat salita. Nang matapos, mula sa gitna ng bituin ay lumabas ang makapal na usok na kalaunan ay nabuo bilang isang itim na itim na sawa, may mga matang kulay-pula at ang bikang dila ay labas-masok sa nakabukang bibig.

"Djinn!" sambit ni Lucian, may nginig ang mga labi sa takot at pagkamangha. Sa wakas, nagawa na niyang tumawag ng djinn mula sa kabilang panig ng mundo. "Tinawag kita upang tuparin ang aking utos!"

Bilang tugon ay tumango ang sawa. Ang mga djinn ay nilalang ng kadiliman, maaaring tawagin sa pamamagitan ng komplikadong orasyon.

"Ipagkaloob mo sa akin ang yaman na hindi ko kayang ubusin at mahabang buhay para tamasahin ito. Gusto ko ng buhay kung saan wala akong madaramang gutom o pagkauhaw sa alak at pagkain! Gusto ko ng pisikal na lakas na higit sa lahat! Inuutusan kita, ibigay mo sa akin ang gusto ko!"

Umusok sa loob ng bituin at nagbago ang maliit na bahay. Ang pagbabago ay animo pinturang ipinatak sa sahig na nahahaluan ng mahiwagang tubig at mabilis na kumakalat, bawat madaanan ay nagbabago, gumaganda, kumikinang. Mula sa pagiging isang simpleng bahay, naging marmol ang sahig niyon, ang kisame ay tumaas at imposible nang maabot ng mga kamay, ang mga bitnana ay lumaki at naging animo mga salamin ng katedral. Naging isang kastilyo ang maliit na bahay. Sa tabi ni Lucian ay mayroong sumulpot na isang baul na nakabukas at sa loob ay makikita ang mga gintong barya, alahas, at mga hiyas. Anong galak ni Lucian ngunit biglang nanglamig ang kanyang katawan, isang uri ng pagkauhaw at gutom ang bumalot sa kanya—napakatindi, nakalulunod. At antimano, naunawaan niyang hindi siya naghahangad ng alak o pagkain... kundi dugo.

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon