Chapter 29

13.2K 224 13
                                    

EXCERPT:

"Ano ka ba, Iggy? Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Ikaw pa ang nagmamakaawa sa kanya, eh, ipinagpalit ka na nga sa iba." May pinaghuhugutan ako, siyempre. "Kailangan mong mahalin ang sarili mo."

"I vowed to fight for her!"

"'Wag kang bobo!" Napikon na ako. Parang ako siya, kung nagmakaawa ako kay Gavril. Buti na lang may pride din pala ako, kung hindi, magmumukhang Iggy ako. Magmumukha akong tanga. Ang sagwa pala. "Niloko ka na, ikaw pa ang nagmamakaawa? Wala ka bang hiya sa sarili mo? Ano siya, hangin? Hindi ka mabubuhay kung wala siya?"

"It feels that way most of the time."

Ouch. Totoo. "Eh, 'wag kang huminga kung kinakailangan!  O kaya ang gawin mong hangin ay ang mga anak mo! Hindi mo man lang ba napansin na parang ikinahihiya ka ni Alberta? Paano nga, gumagawa ka ng eksena 'tapos nagmakaawa ka pa. Para kang sira."

"I love her. You won't understand until you fall in love."

"I have fallen in love! In fact, I am still very much in love! And like you, I'm hurting too!" Bigla akong napaluha. "Pero niloko ako, ginamit lang! Ano'ng gusto mo, magmakaawa rin ako na tulad mo? Magmukhang tanga? Ibinigay mo ang lahat, kulang pa rin! Hiya na lang ang natitira sa akin at wala akong balak waldasin sa kanya. Hindi tulad mo na wala nang itinira sa sarili mo! Paano ka mamahalin ng ibang tao kung mismong ikaw, walang pagmamahal sa sarili mo? Irespeto mo ang sarili mo, bago mo asahang irespeto ka ng iba! Kung minsan kailangan mong magsakripisyo dahil wala, eh, hindi sa lahat ng pagkakataon mamahalin ka ng taong mahal mo, eh! Dahil kung ganyan ang sitwasyon sa mundo, lahat ng tao masaya! Eh, hindi, eh! Naiintindihan mo ba 'yon, Iggy? Magpakalalaki ka!"

Taas-baba na ang dibdib ko sa puntong iyon, panay tulo ng luha pero sige sa pagda-drive. At ang bibig ko, hindi na rin tumigil sa panenermon. "Kaya lumalaki ang ulo ng mga 'yan, eh—dahil maraming tulad mong handang magtiyaga sa tira! Pero ako? Nunca! I want Gavril for myself and I won't share him with Lucretia! Maki-share ka na sa crispy pata ko, kahit sa chocolate ganache cake ko, 'wag na 'wag lang sa Gavril ko. So I let go. As should you!"

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon