WHOLE - Chapter 22

2K 102 2
                                    

CHAPTER 22

FAVORITE FOOD 18: Papaitan!

FAQ 18: "Gaano ka kalakas kumain at ganyan ka kataba?"

COMMON REPLY: "Sobra ka naman!"

DEEP INSIDE: Kapag mataba, automatic na malakas kumain?

IMBIYERNA 18: Kapag nag-see-saw ka, dalawang tao ang dapat nakasakay sa kabilang dulo para balanse.

Jogging kasama ang tatlong kawal, si Inday, at si Martin, 'yan ang naisipan kong gawin. Ang problema, sa madaling-araw kung kailan naiiyak ako sa lungkot, saka ko pinagdidiskitahan ang mga pagkain. Midnight snack ko ay cake o macademia nuts or chocolate covered macademia nuts. At least, hindi na ako lolobo, iyon lang, hindi rin ako papayat. Pero okay lang. Kahit paano, nakakalanghap ako ng fresh air at nabubura sa isip ko ang hinagpis.

Napapalapit din ako kay Octavio. Sa totoo lang, enjoy akong kausap siya. Madami pala siyang alam sa mundo at higit sa lahat, marami siyang nakadaupang-palad na historial figures. Aliw na aliw ako kay Octavio. In fairness sa hari, marunong siyang manuyo. Ang dami niyang naibigay sa aking alahas. Parang hindi nauubos ang yaman niya, pero naisip ko rin na kahit siguro sinong ganoon na katagal sa mundo bilang hari, hindi rin mauubusan.

"The king is waiting for you in the garden, My Lady," ani Martin. Minsan, nabibigla pa rin ako kapag nag-uusap ang mga bampira sa isip. Itong tatlong itlog na kawal kaya sa likod ko, ano ang naiisip at pinag-uusapan nang hindi ko naririnig?

Kawal 1: Alog nang alog ang bilbil nitong matabang ito. Parang jello.

Kawal 2: Hindi pa nakakalayo, hingal-kabayo na.

Kawal 3: Maganda naman!

Chos! Nakakailang lang na nasa likuran ko sila habang nagdya-jogging, nako-conscious ako masyado. Buti na lang kasama si Martin dahil mas kapansin-pansin siya kaysa sa akin. Ang sama ko talaga. Pero gusto ko si Martin dahil gentleman at mukhang tinamaan talaga kay Inday. Buti pa itong si Inday, masaya sa love life; nagdya-jogging lang kami eh magka-holding hands pa sila ni Martin.

Tumuloy kami sa garden at bigla akong kinabahan nang makita kong bukod kay Octavio, nandoon din si Gavril at ilang kawal. Dalawang araw ko nang hindi nakikita si Gavril. Dalawang araw na mula nang muntik ko nang mabalda si Lucretia.

"How's your morning jog, My Lady?" nakangiting tanong nin Octavio.

Nakangiti akong sumagot, "Oh, it was perfect, my darling." Uy, darling talaga? Kusang lumabas sa bibig ko, sorry.

"Lovely." Ngiting-ngiti si Octavio at hindi ko maiwasang tapatan iyon ng ngiting puno ng sigla. Genuine ang tuwa ko sa hari. Gaano siya kabuti para kahit mahina na at napakatagal nang baldado ay ganito pa rin katindi ang loyalty ng mga kawal niya? Minsang nabanggit ni Inday na sabi daw ni Martin, kahit maulit ang lahat ng pangyayari ay mananatili pa rin ito sa panig ni Octavio.

"Kumusta ang pakiramdam mo ngayong umaga?" sabi ko sa hari.

"Mabuti. I think I can join you for a little stroll, if you don't mind."

"Not at all. Come."

Pasadya ang wheelchair ni Octavio. Hanggang balikat niya ang brace, mataas din ang sandalan. Octavio looked dignified and rightfully so. Iyon lang, si Gavril ang nagtulak sa wheelchair. Sementado ang ilang bahagi ng garden, doon kami nag-stroll. Iniiwasan kong mapatingin kay Gavril. Sino ba siya? Hitsura!

"Tell me your plans when you get back to Manila, Yuli," sabi ni Octavio.

"Actually, Vio, I'm thinking of opening a new business. Pero hindi ko pa napaplanong maigi. Ikaw? Dadalawin mo ba ako sa Manila?"

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon