Chapter 12

16.6K 463 148
                                    

CHAPTER 12

FAVORITE FOOD #10: Taplongtocdangsilog (tapa, longganisa, tocino, danggit, sinangag, itlog)

FAQ 10: Miss, ilang rice?

COMMON REPLY: Isa lang, 'te.

DEEP INSIDE: Automatic na kapag mataba, kailangang itanong kung ilang rice ang order? Hindi ba puwedeng isa lang muna? Hindi naman ako mukhang miyembro ng Philippine Construction Workers Society.

IMBIYERNA #10: Kapag masaya/busy kang naglalakad sa daan at bigla na lang merong tatawag sa 'yong vendor/barker/epal ng "Taba, taba! Hoy, taba!" Punyeta! Suntukan na lang tayo!

___

Hallway ang nasa labas ng suite. Mukhang alam ni Inday ang daan kaya sumunod na lang ako sa kanya. Siyempre, kabado pa rin ako. Ilang ulit kong kinapa ang palakol na nakatali sa pata ko. Parang panaginip itong nangyayari at kung siguro walang kidnapan na naganap, baka magpantasya pa ako. Maganda ang lugar. Ang sahig ng hallway ay carpeted, ang mga pader ay may mga painting. Parang Titanic, smaller version. O siguro, small kasi nasa hallway kami. Parang mahirap isipin na nasa cargo ship ako.

Sa dulo ng hallway ay may pinto at doon kami pumasok. Nakita ko sina Gavril at Martin, nakatayo at nakaharap sa amin na parang inaasahan na nilang paparating kami.

Ewan ko. Sa kabila ng nangyari, iba ang epekto ni Gavril sa sistema ko. Nate-tense pa rin ako pagtingin pa lang sa kanya. Para pa ring gusto kong matunaw sa mga mata niya. 'Yon lang, this time may halong takot at kaba. Eh, paanong hindi, kinidnap niya ako at parang baliw ang katwiran niya? Ano ba ito, in love yata ako sa isang sintu-sinto? So ang ibig bang sabihin noon, nagkagusto siya sa akin dahil may sayad siya? Saklap naman kung ganoon nga. Pero kilala niya si Tadeo so... hindi kaya stalker siya? Gosh. Sumobra na talaga ang level ng kagandahan ko at may stalker na ako ngayon, ang guwapo-guwapo pa. 'Yon lang, nakakatakot pala talaga. Buwisit na buhay ito. Papa na, naging baliw pa.

"Where are you taking us?" tanong ko.

"Somewhere safe. I will keep you safe, I promise you that," sagot niya.

"Keep me safe, matapos mo akong bantaan na sasaktan mo ako?"

"I just said that to keep you from being hysterical. I shouldn't have. Paano ko naisip na madadaan kita sa ganoon? I will never hurt you, Yuli. Never."

Nakatitig siya sa akin, sa mga matang 'yon na parang tinutunaw na naman ako. He looked sincere. Very sincere. Para bang kulang na lang armor, siya na ang perfect knight. Para akong tanga kasi butterflies in my stomach ang drama ko. Hindi ba parang tanga ako talaga? Ganito ang nararamdaman ko sa isang lalaking tinangay ako dahil lang nangako siyang hindi niya ako pababayaan? I'm the biggest loser in the planet.

"Somewhere safe?" sabi ko. "Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo? Kinidnap mo kami! Safe ako sa bahay, pero hindi na ngayon. Na-kidnap na ako, eh. Ano'ng balak mong gawin sa amin? May karapatan kaming malaman. Ibebenta mo ba kami? Are you going to take us to some human chop shop and sell our organs?"

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon