Chapter 9

17.7K 467 75
                                    

CHAPTER 9

FAVORITE FOOD #9: Morcon!

FAQ 9: Baka kaya walang nagkakagusto sa 'yo kasi ang taba-taba mo?

COMMON REPLY: *Deadma*

DEEP INSIDE: Mas gusto ko nang wala akong love life, kaysa magka-love life na tulad ng sa 'yo na kundi ka sinasapak eh kinakaliwa ka naman (or both) ng ipinagmamalaki mong boyfriend. Panay parinig ka sa Facebook tungkol sa kanyang dakilang number two. So sino sa atin ang sorry?

IMBYERNA #9: Iyong mga taong mas malakas pa sa 'yong kumain pero ang papayat. Hindi naman nagdyi-gym, hindi rin naman nagpapagod, wala rin namang sakit. Parang unfair yata ang mundo?

___

"Naku, Ma'am! Mabuti na lang pala nagising ako kaninang madaling araw! Alam ba ninyo ang nangyari? Pinasok ang bahay ni Kap! Mayroong akyat-bahay dito sa 'tin!"

Napatingin ako kay Inday na nagwawalis sa kusina, pero hindi ako masyadong interesado sa sinasabi niya. Busy ako sa pag-iisip tungkol sa pinsan kong malandi.

Nagpatuloy ng kuwento si Inday. "At alam ba ninyo, Ma'am? Ang balita, eh, unano daw ang nakita sa CCTV! 'Yon ang sabi ng mga kumare ko."

Noon ako naging interesado sa sinasabi niya. "Unano ang akyat-bahay?"

"Yes, Ma'am!"

"Puwede ba, Inday? Nagpapaniwala ka na naman sa chika ng mga kumare mo." Marami siyang kaibigang mga kasambahay. Meron silang sariling Facebook group, "The Kumares." Si Inday ang presidente. Pinababayaan ko lang at masipag naman si Inday, alaskadora lang talaga. Closed group 'yon, for members only. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila doon, pero siguro mga ganitong chika.

"Paanong hindi maniniwala, Ma'am, eh, mismong kasambahay nina Kap ang nag-post ng picture!" Inilabas niya ang cellphone, nagpipindot, saka ipinakita sa akin ang picture ng bahay ng barangay captain na naka-post sa The Kumares. Wala namang kakaiba sa picture, maayos ang mga gamit sa bahay.

"O, anong kakaiba diyan? Mukhang wala namang nagalaw."

"Dats da hol point, Ma'am." Pumormal ang mukha niya, parang china-channel si Senator Miriam. "Why is it not ol ober da place? Dis is eksibit number one."

"Inday, ang aga-aga, pinapasakit mo ang ulo ko."

"Ma'am, isipin n'yo, bakit papasukin kung wala namang nanakawin? Isa pa, nabanggit ko sa inyo noong nakaraang linggo na pinasok din ang bahay ni Kagawad Emong, 'di ba?"

Maraming kuwento si Inday straight from The Kumares pero hindi ko pinagpapapansin pero naaalala kong binanggit nga niya sa akin na isang kagawad ang pinasok din daw noong nakaraang linggo. Pero alam ng buong barangay na adik ang anak noon so naisip ko na baka hindi nag-report ang kagawad kasi nga, anak mismo ang kumuha. Hindi kalat ang balita, nalaman ko lang dahil sa The Kumares Group.

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon