Chapter 14

13.5K 773 56
                                    

CHAPTER 14

FAVORITE FOOD #12: Crispy pata!

FAQ 12: Kumakain ka ba ng gulay? Subukan mong kumain ng gulay, baka sakaling pumayat ka.

COMMON REPLY: Siyempre naman po, kumakain ako ng gulay.

DEEP INSIDE: Dahil mataba, galit na sa gulay?

IMBIYERNA #12: Sa school, darating at darating ang joke ng mga epal mong kaklase kung saan habang naglalakad ka ay aakto silang parang lumilindol; pansinin mo o hindi, pagtatawanan ka. Ang kakapal ng mukha, ampapanget naman!

___

Matagal kong pinag-isipan ito. Matagal kong pinaghandaan. Sa katunayan, buong gabi akong balisa at hindi mapagkatulog. Ano ang una kong hakbang? Tama bang gumawa ako ng hakbang? Parang ayoko sana noong una pero... three days ko nang hindi nakikita si Gavril. Kailangan ko nang gumawa ng paraan o maloloka ako!

Okay, so ang planong pagtakas ay kinalimutan ko panandalian. Una, walang paraan para manlaban ang mataba sa ilang bampirang umaaligid sa palasyo. Pangalawa, nasa itaas kami ng bundok, hello? Kahit makatakas ako sa castle na ito, paglabas ko ay mananatili at mananatili ako sa itaas ng bundok at hindi ako puwedeng magpagulong-gulong pababa. Mataba lang ako, hindi bola. At kahit bola pa, malamang deflated na pagkarating sa ibaba sa dami ng mga batong matatalas. Bukod sa lahat ng 'yan, kailangan kong aminin na nakampante na rin ako sa piling ng mga bampira dahil nawala ang takot ko sa kanila. Nawala ang pagka-paranoid ko na bigla nila akong sisipsipan ng dugo. Marami silang mga volunteers para doon. Si Lucretia ang pinuno ng mga volunteers, ang nag-schedule ng "blood donor" na naka-duty. Ang sabi ni Inday, kulang pa rin daw pala ang mga babaeng liga ni Lucretia pero wala daw problema kasi mabilis naman daw makakuha ang mga bampira. Well, nakita ko na kung paano gumalaw si Gavril noon sa loob ng SUV, masasabi kong mabilis nga. Pero dito sa loob ng palasyo, walang gumagalaw sa ganoong paraan.

Mukhang haunted house ang palasyo mula sa labas, pero pagpasok sa loob, maayos at malinis. Parang front lang na mukhang abandonado pero sa gabi, puwede lang magsindi ng kandila kung nakababa ang drapes.

Inilabas ko ang compact mirror at tumingin doon. 'Sakto ang makeup ko, natural look. Manipis lang ang lipstick ko, manipis ang foundation. Ang hair ko, talbog si Audrey Hepburn. Magaling at sanay ang mga alalay ni Inday. Ang dress ko, vintage style with Peter Pan collar. Dahil hindi pa rin ako sanay sa lamig, nag-knitted blazer ako. Cute ako sa attire ko, pa-cute.

Nasa meeting sina Gavril, Octavio, Martin, Sir William, at iba pang kasamahan nila. Naiinip na ako. Habang tumatagal, lalo akong nahihiya pero lalo ring naeengganyong ituloy ang pagsilay. I mean, nandito na ako, bakit pa patatagalin? Nakailang pasimpleng balik na ako sa labas ng "conference room" nila, isang malapad na dining hall na may mahabang mesa. Nakapunta na ako doon. Naikot na ang palasyong ito. Pero hindi ang palasyo ang gusto kong tingnan, kundi si Gavril.

Hay. Sawi ang mataba. Para akong bumalik sa high school at gumagawa ng paraan para makasilay. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Parang masyado na akong matanda para sumilay. Pero gusto ko siyang makita at hindi siya gumagawa ng paraan para makita ako sa loob ng tatlong araw. Matapos niya akong buhatin at landiin, hindi siya magpapakita? Sarap sipain, 'no?

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon