Chapter 24

8.3K 295 5
                                    

EXCERPT:

This is depressing, sa isip-isip ko mayamaya. Parang ang saya-saya ng mga tao sa paligid at nagkakasiyahan habang ako, lungkot na lungkot. Punyetang Gavril, hindi man lang ako isasayaw. Kumuha na lang ako ng dessert. Habang pumipili sa mga profiterole, habang subo ang eclair, bigla kong narinig ang boses na kanina ko pa inaabatan at sinukuan nang marinig.

"Can I dance with you, My Lady?"

Gumapang ang kilig sa buong katawan ko. Hindi ko kayang i-explain. Anong dagundong ng puso ko. Parang may libo-libong uwak sa paligid ko ang biglang naging paruparo at nagliparan pataas, umaliwalas ang paligid. Gumanda.

Deadma na sa éclair na agad kong nilunok, sabay pihit. Gavril will always speak to me. It was the only presence that can speak to me that way. May maskara siya na nakatakip sa buong mukha at tulad ng maraming mga kawal, nakatali sa likod ang buhok niya. But I will know him from a line up of thousands, even millions. My heart will recognize him. Always.

Pero siyempre, pretend akong hindi ko siya makilala. "Yes, soldier, you may."

Tinanggap ko ang kamay niya at nagpunta na kami sa dance floor. Pamilyar pa rin ang palad niya sa baywang ko, ang kamay niya sa kamay ko. Ang mga mata niya ay nakatingin lang sa akin. At kahit pareho kaming nakamaskara, parang nag-uusap ang mga kaluluwa namin.

OA. Pero iyon ang pakiramdam ko. Walang silbi ang pagpapanggap kong hindi ko siya kilala pero ipinagpatuloy ko. "So, how are you, soldier?"

"I'm fine, My Lady. I hope you are, too. Happy birthday."

"Thank y-you, soldier."

"You are stunning, My Queen."

Huminto yata ang sirkulasyon ng dugo sa katawan ko, at hindi iyon dahil sa nanikip na corset. "Why, thank y-you, soldier. You really think so?"

"I know so, My Queen."

My Queen. How sad would it be if I get to be the vampire queen, and he'll refer to me as Octavio's queen? Not as his own personal queen.

Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang nagwo-waltz kami. He was looking right back at me. Parang ilang milyong salita ang hindi namin masabi sa isa't isa, o puwede ring imahinasyon ko lang iyon. Ano pa ba ang puwede niyang sabihin sa akin? At kung meron pa, gusto ko pa bang marinig? Malamang tungkol na naman kay Lucretia at sa paniniwala niya sa akin tungkol kay Octavio.

"Do you have a birthday wish?" tanong niya mayamaya.

"W-why?"

"Maybe I can give it to you, My Queen."

Ikaw lang sana ang birthday wish ko pero malabo na, eh. "No. No birthday wishes for me, at least."

"For whom then?"

Isa lang talaga ang naiisip ko at nagpunta ang mga mata ko kay Octavio na nagbalik na sa ballroom at ngayon ay nasa stage, nakaupo sa wheelchair habang katabi ang mga kawal. "For him."

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon