Chapter 20

10.6K 393 25
                                    

Chapter 20

In all fairness talaga kay Octavio, wala akong masabi sa kanya, maliban sa hindi siya makakilos physically. Kung hindi ako na-in love kay Gavril, malamang na pinag-isipan ko talaga ang offer ni Octavio. Mabait ang hari, may sense of humor, higit sa lahat ay sensitive.

Narinig mo 'yon, Gavril? S-E-N-S-I-T-I-V-E. Hindi asshole like you, Gavril.

Naiinis pa rin ako sa sitwasyon ko dito sa palasyo, pero no choice. At sa tuwing makikita ko si Lucretia, gusto kong maging Hulk. Para akong nagkukulay-berde sa selos. Ngitngit na ngitnit ako pero wala namang magawa. Alam mo 'yong pakiramdam na gusto mong maghamon ng away pero hindi mo magawa dahil ikaw lang ang mas magmumukhang tanga sa bandang huli? 'Di ba nakaka-high blood? Ako ngayon ang perfect example ng isang "asar-talo." Mula sa pagiging isang Yuli "Habulin ng mga Guwapo" Lion, nauwi ako sa pagiging Yuli "Asar-Talo" Lion. Buwiset!

Mas nakakabuwisit pa ang katotohanang lalo akong lumobo sa nakalipas na isang linggo. Unfair. Kapag nag-diet ako, isang buwan na, wala pang resulta kaya kadalasang tinatamad ako; kapag nag-food trip naman ako, nalalanghap ko pa lang ang cake, bumibigat na ang timbangan. NASAAN ANG HUSTISYA?! At habang para akong lobong hinihipan sa bawat araw, paganda naman ng paganda si Lucretia. At si Gavril? Hmp! HMP-HMP-HMP! Lalo nang gumuwapo ang lintik na lalaki. Parang may pinag-usapan sila ni Lucretia, parang may sabwatan silang pagtulungan ako at lalong ipamukha sa akin na kartada diyes silang dalawa. Perfect ten sa scale pagdating sa pigura at hilatsa. Loss na loss ang mataba.

Silang dalawa na lang kaya ang kainin ko?! Pagbabaliin ko kaya ang mga buto nila, saka ko isawsaw sa sukang may sili? Nakakaasar.

"My Lady?"

Napatingin ako kay Octavio. "Ha?"

Ngumiti siya. In fairness, perfect teeth, may dalawa pang extra na nakatago. "What are you thinking, My Lady?"

Nagkibit ako ng balikat. "Wala lang. Kailan ka ulit mag-feed, Octavio? Puwede ba akong manood kung si Lucretia ang donor mo?" Sagad na yata ang inis ko at gusto kong makita habang unti-unting iniinom ni Octavio ang dugo ng harot. Puwede kayang mag-request ng "More! More!" kapag tipong hindi pa tumitirik ang mga mata ni Lucretia at hindi pa nangangasul ang mga labi niya?

Ngumiti si Octavio. "I'm not sure you'd want to see that,  Yuli."

Mali ka. Kukuha pa ako ng popcorn!Pero nagkibit-balikat na lang ako ulit. Nagkuwento si Octavio tungkol sa panahon noon at kung gaano kahirap para sa iba sa kanila ang mag-adjust. Naisip ko lang, lalo na siguro kung makakasama niya sa bahay ang tulad ni Angelita na mas mukhang GRO ang attire kaysa pangbahay. Kahit ang mga belyas noong panahon ni Octavio, baka mapahiya.

Speaking of, lalo na akong na-depress nang maalala ko ang bruha kong pinsan. I'm sure parang piyesta ang bruha kapag umuwi akong luhaan. Wish ko lang nakalayas na siya sa bahay pagbalik ko. Actually, noong nakausap ko si Mama kanina, ang sabi hinahanap daw ako ni Angelita, may importante raw na sasabihin. Siyempre, hindi ko ibinigay ang location ko. Ano, bale? Ano bang malay ko kung kasabwat na ni Angelita si Tadeo? Ang pinsan kong 'yon, handa akong ipain sa kalaban kahit wala siyang mapapala.

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon