WHOLE - Chapter 27

1.7K 92 5
                                    


CHAPTER 27

FAVORITE FOOD 23: Bulalo!

FAQ 23: "Ni minsan ba, hindi mo pinangarap pumayat?"

COMMON REPLY: "Naiisip ko rin minsan."

DEEP INSIDE: Ang pangarap ko lang talaga, tantanan ninyo ako ng tanong tungkol sa katawan ko. Iyon lang, masaya na ako.

IMBIYERNA 23: Kapag may tirang pagkain at hindi na kasya sa ref, ikaw ang inaasahang solusyon para hindi mapanis ang pagkain kasi sayang naman daw.

Hindi ako duwag na tao pero takot ako sa kidlat. Siguro dahil iyong kasambahay namin noong bata ako, madalas magkuwento tungkol sa bahay nilang nasunog ng kidlat at doon din sa pangyayaring iyon, natusta ang tatay niya. Bumaon ang ideya sa isip ko at nadala hanggang ngayon. Kapag kumikidlat, hindi ako umaalis ng bahay at madalas na nagtatalukbong lang. At kumikidlat ngayon, may kasama pang malakas na kulog.

Nasa kuwarto lang ako, nakatalukbong. Nakababa lang ng kurtina, may takip ang salamin. Sabi kasi nila, kapag daw may salamin, para mo na ring tinatawag ang kidlat. Totoo ba 'yon? Ewan ko, pero mabuti nang sigurado. Ang mga alahas na bigay ni Octavio ay nakatago na rin. Bawal din magsuot ng alahas kapag may kitdlat. Mayaman ka nga, tustado ka naman, wala rin.

"What are you doing?"

Boses iyon ni Gavril. Mukhang pumasok na siya sa kuwarto ko. "Isara mo ang pinto agad, Gavril. Please."

"Are you all right?"

"Pakisara ang pinto!"

"You're scared of thunder?"

Kahit hindi ko siya nakikita, alam ko base sa tono niya na nakangiti siya. "Kaya kang sunugin ng kidlat, alam mo."

Nabigla ako nang umangat ang mini-fort at pumasok siya sa loob. There he was, smiling from ear to ear, looking at me under the blanket, looking delicious. Pauso rin itong si Gavril, hindi man lang nagbigay ng babala na pakikiligin niya ako. Hayun na naman ang halimuyak ng bampirang macho, nananawagan ng atensiyon sa ilong ko at nagde-demand sa ovaries ko. Shet. O, mahabaging pagnanasa, tantanan mo ang beauty ko. "So feeling mo cute ka?" irap ko.

Tumawa siya. "Wala akong sinasabi. However, you do look cute."

"Matagal ko nang alam 'yan."

"Doesn't hurt to say it again though."

Eh, di siyempre lalo na siyang naging kaakit-akit sa paningin ko! Halikan mo nga ako, 'kainis! Hihihi! Teka, cute nga ba ako sa suot ko? Kinda. Maxi dress na mas makulay pa sa love life ni Kris Aquino, bagay sa akin. Bagong ligo rin ako, nagbabad sa bathtub kanina sa aroma ng mga bulaklak kaya malamang, amoy-diyosa ako. Wala naman si Lucretia so talo-talo na muna. Chos! Noon biglang kumulog ng malakas. Bigla akong napalapit pang lalo kay Gavril. Niyakap niya ako.

Niyakap niya ako!

With matching hagod sa likod.

With matching kisses sa hair.

Aba'y go! Kunwari takot pa rin ako kahit sa totoo, kapag ganito kami kalapit ni Gavril, nabubura ang takot ko at sinasaniban ako ng espiritu ng GRO na gipit sa pera. Gusto kong maglambitin sa leeg niya; mag-pole dancing sa mismong katawan niya; ikiskis ang mga bilbil ko sa kamachohan niya na para bang isa akong kahoy na hitik sa salubsob at siya naman ay isang liha. Parang hindi maganda ang visual noon pero gets mo na—gusto kong katamin niya ako. Magkataman nawa kaming dalawa hanggang sa magliyab ang mga kusot ng pagnanasa!

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon