Chapter 13

17.9K 1.1K 128
                                    

CHAPTER 13

FAVORITE FOOD #11: Crepes!

FAQ 11: Braso ba 'yan? Bakit parang hita na?

COMMON REPLY: Grabe ka naman!

DEEP INSIDE: Eh kung idinadagan ko kaya sa leeg mo itong sinasabi mong parang hita kong braso?

IMBIYERNA #11: Kapag nasa labahan ang cycling shorts o pantylet mo at gusto mong mag-skirt. Dapat parating mayroong nakapagitan sa mga pata mo, kung hindi eh magkikiskisan sila habang naglalakad ka at uuwi kang sugatan.

__

Natigilan ako pagsampa sa deck kung saan makikita ko ang view na puro hamog. Hindi magandang view ang nakita ko, kundi isang view na talagang nakakasulasok. Isang view na daig pa ang horror movie. Isang view na parang magpapabaligtad ng sikmura ko.

Si Lucretia, nakasandal kay Gavril habang nakayakap si Gavril sa baywang ng babaeng punyeta!

NAKAKASUKA! NAKAKASUKLAM! SUPER YUCK!

Pero... bakit parang gustong maluha ng mataba? Wawa naman.

Hindi nakatulong ang katotohanang patong-patong ang damit ko. Hindi ako sanay sa malamig na klima kaya hindi sapat ang isang jacket lang. Mahirap pa nito, hardcore ang mga panlamig sa closet ko—mga patay na hayop. As in, mga panlamig na ikakasuklam ng PETA. Liza Minnelli ang peg ko, parang rarampa sa event ng Vogue. No choice. Kung hindi lang gumawa ng paraan si Inday para i-request na makatanaw man lang kami kahit paano, hindi sana kami makakasilip dito. Pero ano bang malay kong nakakasuka pala ang masisilip ko?

Ang masaklap pa sa lahat, mukha kaming tanga ni Inday na para kaming nababagay sa zoo sa kapal ng mga fur coat namin. Kulay puti ang sa akin, kulay-brown kay Inday. Samantalang si Gavril walang panglamig pero nakasuot na siya ngayon ng sinaunang military attire, tulad ng ibang sundalo ni Octavio—Napoleon Bonaparte-style with knee high black boots. Lalong gumuwapo ang lintek! Habang ito namang si Lucretia na bruha ay tulad pa rin noong una ko siyang nakita ang get-up, parang Greek goddess. Ang kaibahan lang, meron siyang pashmina. 'Di ba mukha kaming tanga ni Inday na naka-fur coat pa?

Tumango si Gavril sa akin, si Lucretia bahagyang yumukod.

"Akala ko ba bawal tumambay dito? Nagkukulong kami sa kuwarto, puwede naman pala dito," sabi ko, medyo asar.

"It's best to avoid coming up altogether. Pero malapit na tayong bumaba," si Gavril.

So dito kayo naglalandian ng haliparot na 'yan? gusto ko sanang itanong kaso magmumukha naman akong tanga. Tumingin ako kay Inday. Nanginginig siya kahit balot na balot. "Inday, parang blue na ang labi mo," sabi ko.

"I shall bring her near a fireplace," si Lucretia, tumango at isinama na si Inday pababa sa deck. Lamig lang pala ang makakapagpatahimik kay Inday. Parang gusto ko na ring bumaba pero naiwan kami ni Gavril doon. Isa pa, kahit panay tubig pa rin ang nakikita ko at kahit napakalamig, sariwa naman ang hangin at hindi kulob. Nasu-suffocate na ako sa suite.

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon