Chapter 22

8.4K 329 13
                                    

EXCERPT

Tumawa si Octavio. Mukhang sakay niya ang mga kabaliwan ko. Kung minsan, nakatingin ako sa kanya ay naitatanong ko sa sarili kung ano kaya ang magiging buhay ko kung kami nga. Sabi niya magiging loyal siya sa akin... Sapat na ba iyon? O pag-uwi ko sa Pilipinas, dating game na naman ang drama ko? Ilang Jared pa ang haharapin ko bago ko makita ang The One? Kailangan kong aminin na naghahanap ako ng The One. Masama ba akong babae na hinahanap ko ito?

Ako ba ang tipo ng babaeng dependent sa isang lalaki dahil gusto kong magkaroon ng boyfriend na matino na later on magiging asawa ko? Nagiging anti-Eba ba ako sa mga ganitong thoughts? Hindi ba at sa modernong pag-iisip, kailangan na maging independent ang babae?

Por que naghahanap ng boyfriend, dependent na sa lalaki? Eh, gusto ko ng boyfriend! Gusto kong may makasama sa pagtanda ko. Iiwan din ako ni Inday at aminin na nating hindi niya sakay ang iba kong trip. Gusto kong humiga sa damuhan at makipagkuwentuhan sa isang boyfriend tungkol sa lumipas na araw ko at araw niya. Gusto kong hawakan niya ang kamay ko at yakapin ako kapag pagod na ako at nanghihina dahil sa mga pesteng tao sa mundo, alam mo 'yon? Gusto kong magkaroon ng isang lalaki sa buhay ko na bibigyan ako ng inspirasyong maging mas mabuti pang tao at hindi lang nabubuhay sa mundo para huminga at magbigay ng carbon dioxide sa mga puno. Gusto kong rumampa sa mga exotic location suot ang kahit na anong gusto ko at ie-encourage niya ako doon kasi para sa kanya, ako ang pinakamagandang babae sa mundo, bilbil and all.

Gusto kong sa gabi, may yayakap sa akin at paggising ko sa umaga may mukha akong makikita at alam kong buong gabi ko siyang katabi, dahil ako lang ang gusto niyang makapiling, na kuntento siya sa tabi ko. Na kaming dalawa ay hindi nangangailangan ng kahit na anong extra sa mundo dahil magkasama kami. Na kaya naming maglakbay sa buhay nang magkasama. I want a man who will stay beside me come what may. I want to grow old with that man, yet also growing as a person separate from him and sharing my growth and experiences with him. And together, we'd think the world is a funny place to be in and we won't take anything too seriously. We'd laugh each day, cherishing our home—which is any place in the world where we're together. That place would always be our own little world within the bigger world. And no one else can occupy it but us. Because that place has our laughter, pain, growth, and love as its foundation.

OA masyado.

Eh, pero iyon ang gusto ko, bakit ba? Naninita ba ako sa mga trip ng iba? Hindi. Ito ang gusto ko. Iyon nga lang, naiisip ko rin na masyadong idealistic. Sa panahon ngayon, sa totoo lang, may ganyan pa bang lalaki?

Si Octavio kaya iyon?

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon