Chapter 26

8.4K 242 11
                                    

EXCERPT:

Niyakap niya ako!

With matching hagod sa likod.

With matching kisses sa hair.

Aba'y go! Kunwari takot pa rin ako kahit sa totoo, kapag ganito kami kalapit ni Gavril, nabubura ang takot ko at sinasaniban ako ng espiritu ng GRO na gipit sa pera. Gusto kong maglambitin sa leeg niya; mag-pole dancing sa mismong katawan niya; ikiskis ang mga bilbil ko sa kamachohan niya na para bang isa akong kahoy na hitik sa salubsob at siya naman ay isang liha. Parang hindi maganda ang visual noon pero gets mo na—gusto kong katamin niya ako. Magkataman nawa kaming dalawa hanggang sa magliyab ang mga kusot ng pagnanasa!

O, Gavril, ako ang dos por dos at ikaw ang katam! Wala nang mas se-sexy pa sa metaphor ko, maniwala ka. Magkiskisan na tayo! Seryoso ako. Tingnan mo, hindi ako tumatawa. Tingnan mo ang mga mata kong lumalangoy sa nagbabagang init. Parang siopao sa steamer. Kaya pausukan na natin ang mga bintana! At ilalapat ko ang palad ko sa salaming pinalabo ng init nating dalawa, saka ko idadausdos pababa ang palad ko, parang si Rose ng Titanic. At papayagan kitang isigaw sa gitna ng init, "I'm the king of the world!" Basta't papayagan mo akong sabihin, "Draw me like one of your French girls." Pang-billboard na tarpaulin siguro ang kailangan mo para i-draw ako, pero keri.

I'm yours, Gavril! Take me! Take me now!

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon