Chapter 8

19.9K 488 55
                                    

CHAPTER 8

FAVORITE FOOD #8: Bacon!

FAQ 8: Hindi ka ba nahihirapan sa katabaan mo?

COMMON REPLY: Sanay na po.

DEEP INSIDE: Okay na parang concerned ka sa akin, pero hindi okay 'yong expression mo na parang nasa dulo na ng dila mo ang sermon. Hindi mo lang ako masermunan tungkol sa katabaan dahil alam mong mali. Para lang masarap i-down ang iba, 'no? At easy target ako. Ang dali ko kasing makita sa lapad ko.

IMBYERNA #8: Kapag sa lahat ng produktong pampapayat ay tina-tag ka sa Facebook. Kung effective 'yan, hindi mo na ako kailangang i-tag. Kung effective 'yan, mas mayaman pa sa dealer ng shabu ang nagbebenta niyan.

__

Tagaytay and surrounding areas. Favorite place ko ito na malapit lang sa Manila. Una, feel na feel ko kasi hindi ako pinagpapawisan sa gabi dito. Pangalawa, maraming masarap na pagkain dito. Kaya kong ituro ang lahat ng mga masasarap na resto sa area na ito. Puwede nga akong kunin sa commercial, eh. Puwede akong mag-testimonial. Pero kung may gusto akong kumuha sa akin para maging model, walang iba 'yon kundi si Dra. Belo. Bakit nga ba payat ang kinukuha nilang model? 'Di ba dapat mataba at pagkatapos, papapayatin nila? Kung ganoon ang gagawin nila… I volunteer! I volunteer to become tribute!

Anyway, sa dami ng kainan sa Tagaytay and surrounding areas, tiyak tataba ka. Kung sana lang pagkatapos mong kumain magha-hiking ka pataas ng bulkan para tunaw ang taba mo. Pero hindi. Sa area na ito, mas marasap humilata. At ganitong kasama ko si Gavril, mas masarap humilata sa dibdib niya. *malanding ngisi*

Sinong babae ang hindi mangangarap sumandal sa dibdib niya? Isipin ko pa lang, parang sinasapian na ako ng espiritu ng kalandian. Pero 'kakahiya naman kung walang dahilan, bigla na lang akong sasandal sa kanya. Pero ang bango-bango niya. Para bang lahat ng bagay na gawin niya, meant to make me tingle. Parang gusto kong kumanta ng… "Every little he does is magic…"

Alam mo 'yong ganoong pakiramdam? Parang… biyaya talaga siya. Alam kong masyado pang maaga pero siguro maganda kung sa Tagaytay kami ikakasal at magha-honeymoon.

Chos! Pero why not? Si Tadeo? Sino ba 'yon talaga? HAHA!

"You're smiling," puna ni Gavril, may tipid na ngiti sa labi. Ang guwapo niya talaga. Kapag naikasal kami, saan kaya kami titira? May business daw siya sa Romania pero nagbabakasyon daw siya dito. 'Yong hamon na inorder niya, para pala sa mga orphan. Imagine? Guwapo, mayaman, gentleman, mapagkawang-gawa pa.

"Gavril, how long will you stay in the country?" tanong ko.

"As long as it takes to… to take you away with me."

Parang nag-tumbling ang puso ko. "Y-you really want to take me with you?"

"Why else would I be here?" Titig na titig siya sa akin. "I need you to come with me."

Natunaw na lahat ng lamang-loob ko dahil... ang ganda ko, grabe.

"Hindi ba mahirap kumuha ng visa?" sabi ko. Bakit ganon? Parang kung meron akong visa, ako pa mangungunang magpa-book ng ticket?

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon