CHAPTER 23
FAVORITE FOOD 19: Leche flan!
FAQ 19: "Ano'ng feeling ng mataba?"
COMMON REPLY: "Sakto lang."
DEEP INSIDE: Hanep na tanong 'yan. Curious ka lang ba o gusto mong mang-insulto?
IMBIYERNA 19: Iyong mga kaibigan mong lakad ng lakad sa mall kahit wala namang gustong bilhin. Pahirap sa buhay!
"Chess is the game of kings."
Napaismid ako sa sinabi ni Octavio. Ayoko ang chess. Hate ko ang chess. Tic-tac-toe lang ang type ko. Si Papa ang mahilig sa chess sa pamilya at nag-iisa siya sa ganoong bisyo. Pero marunong ako, hindi nga lang magaling. Tumira ako at natalo. Apat na moves, laos na ako kay Octavio. Partida, may kawal pang tagagalaw ng mga piyesa niya.
"Ayoko na ng chess. Tic-tac-toe na lang. Jack en poy?" sabi ko, sabay kanta. "Jack en poy, hali-hali-hoy. Sino'ng matalo, siyang unggoy!"
Tumawa siya. Mukhang sakay niya ang mga kabaliwan ko. Kung minsan, nakatingin ako sa kanya ay naitatanong ko sa sarili kung ano kaya ang magiging buhay ko kung kami nga. Sabi niya magiging loyal siya sa akin... Sapat na ba iyon? O pag-uwi ko sa Pilipinas, dating game na naman ang drama ko? Ilang Jared pa ang haharapin ko bago ko makita ang The One? Kailangan kong aminin na naghahanap ako ng The One. Masama ba akong babae na hinahanap ko ito?
Ako ba ang tipo ng babaeng dependent sa isang lalaki dahil gusto kong magkaroon ng boyfriend na matino na later on magiging asawa ko? Nagiging anti-Eba ba ako sa mga ganitong thoughts? Hindi ba at sa modernong pag-iisip, kailangan na maging independent ang babae?
Por que naghahanap ng boyfriend, dependent na sa lalaki? Eh gusto ko ng boyfriend! Gusto kong may makasama sa pagtanda ko. Iiwan din ako ni Inday at aminin na nating hindi niya sakay ang iba kong trip. Gusto kong humiga sa damuhan at makipagkuwentuhan sa isang boyfriend tungkol sa lumipas na araw ko at araw niya. Gusto kong hawakan niya ang kamay ko at yakapin ako kapag pagod na ako at nanghihina dahil sa mga pesteng tao sa mundo, alam mo 'yon? Gusto kong magkaroon ng isang lalaki sa buhay ko na bibigyan ako ng inspirasyong maging mas mabuti pang tao at hindi lang nabubuhay sa mundo para huminga at magbigay ng carbon dioxide sa mga puno. Gusto kong rumampa sa mga exotic location suot ang kahit na anong gusto ko at ie-encourage niya ako doon kasi para sa kanya, ako ang pinakamagandang babae sa mundo, bilbil and all.
Gusto kong sa gabi, may yayakap sa akin at paggising ko sa umaga may mukha akong makikita at alam kong buong gabi ko siyang katabi, dahil ako lang ang gusto niyang makapiling, na kuntento siya sa tabi ko. Na kaming dalawa ay hindi nangangailangan ng kahit na anong extra sa mundo dahil magkasama kami. Na kaya naming maglakbay sa buhay nang magkasama. I want a man who will stay beside me come what may. I want to grow old with that man, yet also growing as a person separate from him and sharing my growth and experiences with him. And together, we'll think the world is a funny place to be in and we won't take anything too seriously. We'll laugh each day, cherishing our home—which is any place in the world where we're together; that place—our place—will always be our own little world within the bigger world. And no one else can occupy it but us. Because that place was built from our laughter, pain, growth, and love.
OA masyado.
Eh, pero iyon ang gusto ko, bakit ba? Naninita ba ako sa mga trip ng iba? Hindi. Ito ang gusto ko. Iyon nga lang, naiisip ko rin na masyadong idealistic. Sa panahon ngayon, sa totoo lang, may ganyan pa bang lalaki?
Si Octavio kaya?
Out of the question na si Gavril kasi aminin na natin ang totoo, asshole nga, eh. Masakit pero mahirap mag-deny.
BINABASA MO ANG
Diary ng Chubby [Published under PHR]
RomanceMataba ako. Malaki ang tiyan ko pero hindi ako buntis. Kapag yumuko ako, hindi ko abot ang mga paa ko. Mataba ako. At hinuhusgahan ako ng tao base sa timbang ko at size ng mga pata ko. Maraming impression sa akin ang mga tao na nakabase sa dami ng b...