Chapter 17

12.2K 503 47
                                    

Writer's note: This book will be released under PHR. FAQ's, etc will be included in the book but will not be posted here. Thank you.

 

Chapter 17

Napapangiti ako habang dumadampo ang petals ng bulaklak sa mga pisngi, ilong, noo, at labi ko. Hawak ni Gavril ang tangkay ng bulaklak at aliw na aliw siyang tuksuhin ako ng petals noon. Nakangiti at nakikiliti ako habang ginagawa niya 'yon. Nakatagilid kami ng higa sa damuhan, magkaharap. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit kaming naging ganito ka-sweet, parang pang-music video lang. Hindi ko na rin mabilang kung ilang ulit kaming tumakas sa palasyo para gawin ang mga ganitong klaseng bagay. Ilang cleavage sightings na ba ang nasaksihan ni Gavril na dinedma niya? Pero hindi nakakainsulto sa akin dahil nararamdaman kong umaapaw parati ang pagtitimpi niya.

Paano namang hindi ko masasabing timping-timpi siya kung ilang ulit ko nang naramdaman ang magic wand niyang bigla na lang nagna-national anthem? A few times as held me or kissed me, I felt it harden against my thigh or my belly, depende sa posisyon ng yakapan namin. Parati siyang lumalayo kapag ganoon. Para siyang nahihiya na hindi ko maintindihan. Pero parati pa rin niya akong hina-hug. Marami kaming hugging positions dahil feel na feel niya talaga akong i-hug. At kapag may hug, kadalasan na merong kiss. At kapag may kiss at hug, meron ding "hardening." Ahihihi! Seductive ang mataba, sorry.

"Gavril, ano ba?" malanding reklamo ko. Bakit ba kasi petals pa at hindi na lang lips ang gamitin?

Tumawa siya. Nasanay na ang tainga ko sa tunog noon. Gusto kong parati kong maririnig ang tawa niya. Nakakagaan ng feeling. Sana parati kaming ganito. I'm sure matutuwa sa kanya ang parents ko. Ano pa ba ang hahanapin ng isang magulang kay Gavril? Maipapakilala ko rin nang pormal sa kanila si Gavril pagdating ng tamang panahon. Regular kong nakakausap si Mama at kahit ayaw kong magsinungaling ay napilitan akong sabihin sa kanya na nasa Southeast Asia lang ako at palipat-lipat ng bansa. Ayaw niya kasi akong tigilan ng tanong tungkol sa exact location ko at naiintindihan ko siya. Hindi ko lang talaga puwedeng sabihin sa kanya kung nasaan ako at mahirap na. So dahil na-stress nga siya, lalo na at ang naka-rehistro daw sa phone niya tuwing tumatawag ako ay "private number," napilitan na akong gumawa ng kuwento.

"You're so beautiful, Yuli," bulong ni Gavril, idinikit ang noo sa noo ko, nakangiti.

"Siyempre! Wala ka nang makikitang ibang tulad ko," sabi ko, feel na feel.

"You're right."

Love mo ba ako? gusto ko sanang itanong pero matagal na akong nagdesisyong hihintayin kong siya ang magsabi sa akin nang kusa. Isa pa, galing sa long-forgotten era itong si Gavril at siyempre, conservative din. Baka mamaya, sa halip na matuwa siya eh ma-turn off pa. Naisip ko rin na bukod doon, may mas importanteng tanong din na dapat kong pag-isipan at hindi iyon tanong na para sa kanya kundi para sa akin mismo: Kaya ko bang maging bampira?

Hindi ko alam ang sagot at parang ayokong pag-isipan muna. Ang alam ko lang sa ngayon, hindi puwedeng hindi ako maging bampira kung kami ni Gavril ang talagang para sa isa't isa. Pangit naman kung sixty years old na ako at si Gavril ay mananatiling mukhang bata. Kapag kulubot na ako at fresh pa rin si Gavril, hindi na kami makakapag-PDA. Ano 'yon, nasa wheelchair na ako 'tapos tulak-tulak niya ako habang nalalambingan kami? Ang sagwa namang PDA no'n, 'di ba? O kaya kapag sinasabi ko na sa kanyang, "Gavril, tulungan mo naman akong isampay sa balikat ko ang boobs ko, please" eh para namang hindi katanggap-tanggap.

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon