Chapter 16

12.8K 518 44
                                    

Chapter 16

FAVORITE FOOD #14: Puto Calasiao + Pancit

FAQ 14 (my favorite FAQ): Bakit hindi ka sumali sa Biggest Loser?

REPLY: KULANG AKO SA WEIGHT REQUIREMENT! LABAN KA?!

DEEP INSIDE: *happiness*

IMBIYERNA #14: Kapag may promo ang mga gym sa mall at talagang kahit nasa malayo ka pa lang, nakatutok na sa 'yo ang mata ng ahente, may ngiti na siya sa labi, at parang sure siyang magkakakomisyon siya sa 'yo. At kahit iwasan mo siya, lalapit at lalapit siya para mag-alok ng membership. Deadma siya sa lahat ng ibang dumadaan, talagang ikaw ang puntirya niya.

__

Iniiwasan ko ng tingin si Gavril dahil kausap ko si Octavio. Mahirap gawin—paano mo iiwasan ng tingin ang mukhang bawat anggulo ay pinapatunayang hindi importante ang Camera 360 sa buhay ng tao?—pero ayokong mapahamak siya nang dahil sa akin. Umaasa akong pagkatapos ng lahat ng ito—kapag nagbalik na ang kuwintas kay Octavio, makakabalik na rin ako sa Pilipinas at hopefully, doon na rin mag-stay si Gavril. Hindi pa namin napapag-usapan kung ano ang gagawin namin. Ayoko namang mamroblema siya agad sa love life namin eh ni hindi pa nga kami. Baka naman sabihin niyang masyado akong nagmamadali kahit walang masama sa pagmamadali, lalo na at ganitong guwapo siya at maganda ako. HAHA!

"I was thinking, maybe we can have a grand celebration for your birthday, my lady," sabi ni Octavio. Nakahiga siya sa isang kama kahit hindi bedroom ang kinaroroonan namin. Magmula nang makarating kami sa palasyo, hindi na siya tumambay sa kabaong. Hindi ko lang alam kung ganoon pa rin kahit natutulog na siya. Sabi niya, mas komportable raw siya sa kabaong. Siguro dahil sa kabaong, hindi siya nahuhulog o natutumba kung nasa tamang anggulo ang pagkakatayo noon. Weird lang talagang tingnan. Na-appreciate kong naramdaman niyang naiilang ako kapag nasa kabaong siya.

"A grand celebration?" sabi ko "Kung makakaabala, Octavio, kahit hindi na." Less than a month, birthday ko na. Twenty-seven na ako. Hindi ako mahilig mag-celebrate ng birthday mula nang magpunta sa ibang bansa sina Mama at Papa, lalo na at nasa Cebu na rin ang pamilya ni Ate. Hindi ako ang tipo ng taong iraraos at iraraos ang birthday. Forever twenty-one din ang peg ko. Kitang-kita naman sa face. Chos! "Okay na kahit cake lang. Masaya na ako doon, Octavio."

"I will not allow it. After all we put you through, you deserve a big party. Have you experienced going to a masquerade ball? I think you will enjoy it."

Masquarade ball? Kung sa Pilipinas iyon gagawin at walang matinong budget, parang ang baduy at trying hard ng dating. Lalo na kung sa basketball court ang venue at ang mga babaeng attendees ay hiniram sa sagala ang gown at ang mga lalaki naman ay naka-coat and tie pero ang pantalon eh maong. Oo, salbahe ako at pintasera sa ganyang paraan. Kasi kung wala, wala. Kung meron, meron. 'Wag kang trying hard masyado. Sa love life ka lang maging trying hard, lalo na kung kamukha ni Gavril at kasing-sweet niya ang puntirya mo. Ahihi!

Masquerade ball sa isang palasyo, may totoong hari, at merong knight. Bigla akong na-excite. Why not? Hindi naman tamang tanggihan ko kung gusto nila akong bigyang-pugay. "Kung hindi kaabalahan, Octavio."

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon