CHAPTER 28
FAVORITE FOOD 24: Alimasag, pusit, hipon + lato salad!
FAQ 24: "Mayaman ba kayo? Kasi parang lahat ng kinakain mo masustansiya."
COMMON REPLY: "Oo, mayaman ako!"
DEEP INSIDE: What is the meaning of "masustansiya"? Explain in 1000 words.
IMBIYERNA 24: Kapag mayroong gimmick na sports related ang barkada, hindi ka na pinagkakaabalahang tawagan. At kapag mayroong team building, ikaw ang huling pinipili ng team kasi feeling nila matatalo sila sa laro kapag ka-team ka nila.
Mugto na ang mga mata ko sa kaiiyak. Hindi ko matanggap na nakakulong ako ngayon sa kung saang lupalop na ito at gagahasain ni Tadeo anumang sandali. Sa katunayan, dalawang ulit na siyang pumasok sa kuwarto at lumabas ulit. Hindi nga naman siguro ka-arouse-arouse ang isang babaeng matabang umiiyak, magkahalo ang luha at uhog sa mukha.
Wala na si Gavril. Kahit gusto kong maniwalang maililigtas pa siya, hindi ako tanga para isiping hindi siya papatayin ni Dmitri. Walang-hiyang Dmitri iyon. Ngayon, gusto kong maging bampira para lang magantihan siya. At nakaplano na rin akong kunin ang kuwintas kay Tadeo. Hindi ko alam kung paano ako makakalayo pero kahit ikamatay ko, gagawin ko.
Well... hindi siguro ikamatay pero willing to sacrifice ako ng maraming bagay.
Bumalandra pabukas ang pinto. Si Dmitri ang nandoon, kasama si Tadeo. Mukhang galit si Dmitri. In fact, parating mukhang mainit ang ulo niya sa dalawang araw ko sa lugar na ito. Second day ko na ito rito, wala pa rin akong gustong gawin kundi ang umiyak nang umiyak.
Hindi ako makatakas. Apat na palapag ang taas ng kuwartong kinaroonan ko. Plakda akong mamamatay kapag tumalon ako pababa, huwag pang banggitin na may mga bantay din doon na malamang, lundagin lang ako at ligtas na ako. Ang pintuan naman ay hindi ko mabuksan at natitiyak kong marami ring bantay sa labas. In short, nganga.
"You will impregnate this woman tonight, Tadeo! I've had enough of your cowardness!" singhal ni Dmitri sa anak, saka ako dinuro. "And you! Make yourself presentable to the prince! Who'd want to bed someone who looks as horrible?! I'd send people to bathe you. And you had better cooperate or you'll end up being taken half-dead!"
Nangilabot ako sa ideyang iyon. Napakasama ng Dmitri na ito. Lumabas silang dalawa at mayamaya, may mga tauhang pumasok. Nakilala ko ang isa sa kanila, dating tauhan ni Octavio, dating tagapagsilbi. Isa sa mga bumaligtad. Isa sa mga traidor!
"Hindi ka naman nangangati sa balat mo, ahas?" singhal ko, alam kong hindi niya naiintindihan dahil puti siya. Iba na ang laro ngayon, baka saktan na niya ako. Bampira ang babaeng ito. Bampira na nga, nagpaalipin pa. Tanga rin. Tanga na, traidor pa. Nese 'ye ne eng lehet.
"Be a good girl now, My Lady," sabi ng la traidora. "This camp is harsher and doesn't tolerate sass." Mukhang siyang-siya pa ang bruha. Parang may hidden inis na biglang nabiyayaan ng pagkakataong ilabas iyon. Ganito ba karami ang inis sa akin sa kampo ni Octavio? Bakit? Ano ba ang ginawa ko doon?
"How's Octavio?" tanong ko.
"I don't know. We left him with the few dying members of his army, those who remained loyal to him. Freedom at last. Some of us have long awaited that moment. It was... It was a relief."
"Being a traitor is a relief? And freedom? When were you ever treated as a prisoner serving Octavio?"
"Careful, My Lady, we don't tolerate sass here, especially from a dying child bearer."
Hindi na nga ako umimik at pinabayaan na silang paliguan ako. Pinasuot nila sa akin ang isang sexy lingerie, saka sinabihang maghintay sa kuwarto. Wala akong mahagilap na armas. Alam kong namamatay ang mga bampira sa saksak sa puso. Pero ano ang ipapanaksak ko kay Tadeo?
BINABASA MO ANG
Diary ng Chubby [Published under PHR]
RomanceMataba ako. Malaki ang tiyan ko pero hindi ako buntis. Kapag yumuko ako, hindi ko abot ang mga paa ko. Mataba ako. At hinuhusgahan ako ng tao base sa timbang ko at size ng mga pata ko. Maraming impression sa akin ang mga tao na nakabase sa dami ng b...