Thirdperson's POV
Tahimik ang buong bahay dahil umaga pa lang at masyado pang sariwa sa kanila ang pag kawala ni demon nung isang araw kaya't walang ganang bumangon ang iba sakanila .
Samantala nag-umpisa ng mag ayos ng kama si cerri para lumabas ng kwarto at mag umpisa ng mag luto dahil alam nyang wala pang babangon sa mga kasama nya para mag luto dahil sa mga nangyari .
Kahit naman sya ay Hindi pa rin makalimutan na namatay ng ganun ka dali ang lalaking mahal nya .. Masakit, nakaka pang hina at para bang hinihigop ng paulit ulit ang enerhiya sa katawan nya sa tuwing naaalala nya ang mga oras na hawak nya ang puno na dugong ulo ni Demon.
Napa buntong hininga sya habang Inaayos ang mahaba at matingkad na asul nyang buhok inipitan nya iyon papusod para naman maginhawaan ang pakiramdam nya at pumikit ng mataimtim para mahimasmasan .
Binuksan nya na ang pintuan ng kwarto nya tsaka ito kaagad na Sinara . Bahagya nya pang tinitigan ang pintuan ng kwarto ni gray Sabay naglakad na sya sa mahabang corridor .
Bumaba na sya ng hagdan at kaagad dumeretso sa kusina para magluto ng umagahan nila .
Nag luto sya ng Bacon , Egg, Tocino at fried rice para sa umagahan nila . Nag-aayos sya ng hapag kainan ng pumasok ang isang babae sa kusina . Walang nag iimikan sakanilang dalawa . Pero ng mapansin ni Angel ang pagka ayos ng mood ni Cerri ay parang uminit ang ulo nya .
"Para bang ang bilis kung maka Limutan ni Cerri ang pagkawala Ni Demon"
Isip ni Angel . Tinitignan nya ang maaliwalas na Mukha ni Cerri habang umiinom sya . Masama ang loob nya Hindi nya alam sa kung anong dahilan para bang nawalan na sya ng Rason para maging Mabait at palagi nalang manahimik lalo nat ang dahilan ng pagkamatay ng kuya nya ay ang babaeng kinasusuklaman nya.
"Hindi kaba hinihila ng inis mo para patayin si Lemon . "
Biglang sabi ni Angel Kay Cerri . Para namang natauhan si Cerri sa sinabe ni Angel na para bang ibang Angel ang nasa harap nya ngayon .
"Para San? "
Hindi nya gustong ipakita na apektado sya dahil sanay na sanay na sya sa ganitong sitwasyon . Ayaw nyang pakita na mahina sya kaya sa loob nya sya nag luluksa .
"She's The fucking reason why Demon Die , Ate Cerri!" Pabagsak nyang hinugasan ang baso nya at nilagay yon sa lalagyan dahil sa sagot ni cerri sakanya.
Hindi maintindihan ni Angel kung bakit parang wala lang sa ate cerri nya ang pagkawala ng kuya nya.
"Alam ko Angel . Pero yang Ikaw mismo ang pumatay at tao ang papatayin mo ay ibang bagay na iyon . "
"Ibang bagay ? Hindi bat tao din ang mga Eaters non Parehas na rin iyon !!" Pasigaw na sagot ni angel Kay Cerri .
"Angel!? . Noon sila tao! Patay na sila ngayon kaya wala silang mararamdaman kung patayin natin sila!"
"Ganun ba ! Kaya ba parang wala lang sayo na nawala si Kuya demon ha! Ate cerri !! "
Gulat ang mukha ni Cerri sa binigkas na salita ni angel sakanya . Naiintindihan nya ang nararamdaman ni angel dahil ganyan din sya noon . Nilalamon ng kasuklaman at galit sa mga eaters kaya naging Cold sya kung pumatay ng mga Zombie O Eaters .
"Mali ka. " Pilit nyang kinakalma ang sarili nya para Hindi mapag taasan ng Boses si angel pero galit pa rin ang itchura ng Angel na nasa harap nya .
"Mali?! Hahaha! Wala pang isang buwan o Taon na namatay si kuya demon pero bakit sa nakikita ko sayo eh parang wala lang sayo! Bakit parang wala lang sayo na namatay ang kuya ko !!!"
Samantala nagulantang na ang iba dahil sa sigaw na naririnig nila sa baba ng bahay . Hindi nila mawari kung sino ang nag aaway kaya halos Sabay Sabay na silang bumaba at lumabas ng kwarto para tignan ang nangyayari sa baba .
Completo ang lahat Gulat sa nadatnan . At Hindi na rin napigilan ni Cerri na Sagutin ang sinabe ni angel sakanya .
"Wala kang alam kung ano ang nararamdaman ko at ano ang hirap sa loob ko na itago lahat ng sakit , Angel ! Sawang sawa na ako na palagi nalang nawawala yung mga taong Mahal sa buhay ko kaya takot ako noon palang na Sagutin ang kuya mo . Pero Hindi ako nagsisi ! Dahil mahal ko sya ! At alam mo bang Hindi lang ikaw ang nawalan dito!!"
Tinignan ni Cerri lahat ng kasama nya ngayon na halos ka rarating lang ng kusina na may pangamba ang mukha .
"Lahat tayo dito nawalan Angel . You lost your brother , I lost my Man . They lost their friend! . .. At Hindi lang si demon ang nawala saamin dahil bawat isa satin ay may nawala na o mamatay ."
Para bang nabuhusan ng malamig na tubig si angel dahil sa narinig nya sa ate cerri nya . Lalo na ng tumingin sya sa iba nyang kasama na bawat titig nya sa mga to ay umiiwas ng tingin dahil tama ang sinabe ni Cerri .
Unti-unting tumulo ang mga Luha sa mata ni angel at tuluyan ng Napa nguwa sa harap ni cerri Sabay hinagkan sya ng mahigpit na yakap ni Cerri .
"Pano na ako Ate Cerri ... *Sniff* Si kuya nalang ang dahilan kung bakit patuloy akong nabubuhay . *Cry* pano na ngayong wala na sya.." Patuloy ang Luha sa mga mata nya habang nakayakap sa ate cerri nya .
"Nandito pa ako . Andito pa kame Angel .. Pangako habang nasa tabi mo ako hinding -Hindi kita pababayaan ."
°•°•°•°•°•