Chapter 2

2.4K 31 0
                                    

Halos isang taon narin simula noong napagdesisyunan ni Julie na bumalik ng bansa. Aminin man niya o sa hindi, pareho lang ang estado ng buhay niya sa States at Pilipinas, ang pinagkaiba langmay trabaho siya rito na kanyang nakapag-aabalahan.

May desente siyang trabaho ngayon sa bar, hindi siya waitress, stripper o kung ano-ano pa. It’s just that her clients are there. Yung mga lalaking hopeless nang maibalik ang pagsasama nila ng kanilang mga asawa. Madali lang naman para kay Julie ang trabaho niya, ang goal lang naman niya lagi ay mabigyan ng happy ending ang isang wrecked relationship.

At dahil narin sa sobrang hardworking niya, nagawa na niyang maging successful sa profession niya ngayon. Nagkaroon na siya ng eighty six clients, lahat iyon nagawa niyang ayusin with the help of her great mind. May konting pasa lang at sabunot galing sa mga asawa ng mga kliyente niya dahil sa sobrang selos ng mga ito pero kayang kaya ng beauty niya, it’s her job anyway. She has to get used to it whether she likes it or not.

“Hmm.” Sarap na sarap sa pagtulog si Julie, naaamoy niya pa ang air freshener na nilagay niya sa aircon dahil may kalumaan na ito. She was about to switch sides to continue her sleep when the doorbell suddenly rang.“Sino bang walang kaluluwa ang magdo-doorbell ng ganitong oras? Ang aga-aga pa.”  Reklamo niya ng mapilitan siyang tumayo mula sa kanyang kama.

Typical day lang para kay Julie ang araw na iyon, maraming kalat sa sahig galing sa kung ano-anong balat ng pagkain. Her clothes are scattered on the floor kaya naman panay na ang pagngat-ngat ng white maltese doggie niya sa mga ito.

“Blue, stop biting that!” saway niya sa kanyang aso bago niya buksan ang pinto.

And as usual, si Fonsie na naman ang walang kaluluwa na nagdoorbell sa kanyang condo.

“Julie Anne alas dose na nakahilata ka parin?!”

“Alfonso, nakatayo na ako.”

“Pero kakagisingmo parin.” Hinawi ni Fonsie si Julie para makapasok siya sa condo ng kanyang kaibigan. “Anong almusal natin?”

“Wow. So pumunta ka lang dito para mag-almusal?”

“Buti nga kinuha ko pa ‘tong mga nabubulok na sulat na to sa mailbox mo.” Iniabot niya kay Julie ang mga sobreng iyon pero nilagay lang ng dalaga ang mga iyon sa isang maliit na box sa gilid ng shoe rack niya.

"Thanks Fonsie."

"That’s what friends are for. "Maarteng sambit ng binabae niyang kaibigan.

“Tigilan mo nga ako sa kaartehan mo Alfonso, kumuha ka nalang dyan sa mga stock at ipaglutomo narin ako paramay silbi ka naman.” Isinara na niya ang pinto sabay higa muli sa kanyang malambot na sofa.

“Ano ito muchachamo lang ako?”

Dumapa siya para makita kung nasaan na si Fonsie. “Please Fonsie.” Sabay puppy eyes.

“Hay nako Julie Anne mas cute sayo ang aso mo.” Tiningnan niya ang aso ni Julie ng ngayonay nagngangatngat parin. “Right Blue?”

Blue just barked.

“Whatever.” Tumihaya siya muli sabay pikit ng kanyang mata dahil wala na siyang lakas makipag-asaran kay Fonsie.

“Oo nagirl, ipagluluto na kita masyado ka namang matampuhin.” Kumuha na siya ng hotdog sa freezer. “ Bakit nga pala tanghali ka na palagi nagigising?”

“Magdamag ako sa bar. What do you expect? Na hindi ako matutulog? Please Alfonso!”

Napatigil si Fonsie sa paglalagay niya ng mantika sa pan. “ Tigilan mo yang Alfonso na yan kung ayaw mong mabuhusan ng kumukulong mantika.”

“Oo na. Dalian mo nalang, gutom na ako.”

“Demanding ha. Sabuyan talaga kita dyan eh.” Tinakluban na niya ang bote ng mantika para makapaglagay na siya ng hotdogs sa pan. “Kamusta na pala ang trabaho mo?”

“Okay lang naman, I’m planning to buy a car next week. Samahan mo ako ha?”

“Taray yumayaman na si atey.” Pabirong sambit niya habang pinapagulong-gulong ang mga hotdog.  “Buti naman at wala ka ng pasa ngayon.”

She smirked. “I know what to do already, tsaka mas okay nga yun. Kung baga sa pagiging artista, ayos ang acting skills ko. Kadala-dala.”

“Oo girl, at katulad din ng mga chenes ng artista may mga haters ka narin.”

“Uh-uh.” She smiled. “Kaibigan ko na mga asawa nila, actually mamayang gabi nga yung asawa ng client ko friend niya yung new client ko. You wanna come? ”

“Ayoko na.” He rolled his eyes. “Nung last time na sinama mo ako sabi mo gwapo pero nung nakita ko parang lagpas-lagpas na sa kalendaryo girla. Mag-isa ka. May date pati ako ng jowa ko, wag mo akong demonyohin.”

“Fine, edi ako nalang ang bilis-bilis kong kausap.” Tumayo na siya ng mawala na ang kanyang antok para umupo sa harap ng bar counter. “Luto na ba yan?”

Inilagay ni Fonsie sa harap ni Julie ang walong piraso na hotdog. “Oo kumuhaka na ng bonapey.”

“Alam mo hindi ko talaga alam kung saan ka ba talaga galing. Can you talk straight?”

“How can I talk straight when I’m not even straight? God Julie!”

“Ano kasi yung bonapey?”

“Mudra, pudra betchi ko bonapey, atey kuyey betchi ko kafey. Lahat ng betchikey ay kemer kemerlu ang magkakawizay pipingutin kez-” Flinip ni Fonsie ang buhok niyang hindi kahabaan. “Getch?”

“Yeah.” Umirap si Julie bago siya tumayo para makakuha na ang pinapakuha sa kanya ni Fonsie. “Your version of nanay, tataysucks. It’s not funny Fonsie.”

“Lotlot De Leon ka lang.”

“What?”

“It means talo!” He laughed.

“Whatever Fonsie.” Umupo muli si Julie sa mesa matapos niyang ilagay sa harap ng kanyang kaibigan ang tinapay na hinihingi nito.

Nang mapansin ni Fonsie na wala na samood si Julie na makipagbiruan ay hindi na niya inasar pa ito.“Girl-” nilunok muna niya ang nginunguya niyang tinapay bago magsalita muli. “Kamusta pala heart life mo?”

“No progress.” Uminom siya ng kaunting coffee habang hindi inaalis ang tingin niya kay Fonsie. “Hindi ko pa naman yan iniisip pero kung darating edi let it be.” And then she smiled. 

TO BE CONTINUED…

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon