Chapter 20

2K 33 0
                                    

Naglalaro sila Lexa at Alex sa sala ng makita nila si Elmo na naglalakad, mukhang wala ito sa sarili kaya naman minabuti ni Lexa na lapitan ang kanyang ama para kausapin ito.

“Dad where are you going?” Tiningnan lang siya ni Elmo saglit bago ito muling magpatuloy maglakad. Nasaktan si Lexa sa silent treatment na pinaparamdam sa kanila ni Elmo, para sa kanya mas mabuti pa ang sitwasyon ni Alex dahil kahit na hindi nakakapagsalita ang kanyang kapatid ay ramdam niya naman ang presensya nito.

“Yaya bakit ganun si Daddy?” Naguguluhang tanong ni Lexa sa kanilang tagapag-alaga ng hindi siya pansinin ng kanyang ama.

Nilapitan siya ng kanilang tagapag-alaga para ibalik siya sa lugar kung saan sila naglalaro kanina ni Alex. “Hayaan mo nalang Lexa, nag-away kasi ata sila ni Ma’am Julie kaya siya ganyan.”

“What? Why?”

“Hindi ko alam Lexa, basta kagabi nakita ko si Ma’am Julie na umiiyak, may dala-dalang damit.”

“Si daddy talaga-” Hindi nalang inintindi pa ni Lexa ang narinig niya. Nakipaglaro nalang siya muli kay Alex, hindi niya alam kung ano ang rason sa mga nangyayari sa daddy niya ngayon pero alam niya na babalik at babalik din ang dating daddy Elmo na nakilala niya.

***

Habang nagdadrive si Julie papunta sa bahay nila Elmo ay hindi niya magawang alisin sa utak niya ang mga sinabi ng psychiatrist nito. Galit man siya sa nangyari sa kanila ni Elmo kagabi ay hindi niya parin maipagkakaila sa kanyang sarili na wala na siyang pake rito. Alam niyang hindi biro ang sakit ni Elmo kaya pinilit niya nalang intindihin ito dahil kung hindi niya iyon gagawin ay wala ng ibang magmamagandang loob para tulungan ang kanyang kundisyong iyon ni Elmo.

“Doc malala na ba si Elmo?”

“It depends upon the situation Julie. Ano na bang balita sa kanya?”

“Hindi ko rin maexplain doc, minsan okay siya minsan naman parang wala siya kahit katabi ko siya. Yung tipong lumilipad ang isip niya?”

“Nawawala na ba siya? May mga lugar na ba siyang napuntahan ng hindi niya alam kung pano siya nakarating doon?”

“Oo doc, dati sinundo ko siya sa police station sa Pampanga. Ang sabi sakin ng mga pulis hindi raw matandaan ni Elmo kung sino siya at saan siya nanggaling.”

“Mukhang lumalala na nga ang kundisyon niya. Is he sleeping well?”

“May hindi kasi kami pagkakaintindihan doc, pero looking back sa mga gabi na kasama ko siya, yes mukhang hindi po talaga siya nakakatulog ng ayos. And he even told me about a woman in his dream.”

“What about the woman?”

“Ayaw niya akong sagutin doc, lahat ng questions ko hindi niya sinasagot.” Napapikit si Julie ng mga oras na iyon sa sobrang stress at pag-aalala sa kundisyon ni Elmo. “Can you please help him?”

“Julie I can’t. Hindi pwedeng mag-undergo siya ng counseling sakin kung ayaw niya naman. He needs to surrender himself to me first.” The doctor cleared her throat. “Pero kailangan ko na talaga siyang matingnan sa lalong madaling panahon dahil baka dumating na yung panahon na hindi niya na matatandaan lahat ng tao na dumating sa buhay niya, pwedeng pati ikaw makalimutan narin ng isip niya.”

Napakunot ang noo ni Julie ng marinig niya iyon. “Paano ko gagawin yun doc?”

“Pumunta ka sa bahay nila Elmo, convince him to set an appointment with me. Alam ko namang kaya mo.”

“Sa tingin mo talaga doc kaya ko yun?”

“Sino pa ang ibang gagawa kung hindi ikaw?” Huminga ng malalim ang doktor. “Look Julie, if you really love him bring him here. I’ll do everything that I can. I promise.”

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon