Chapter 19

1.9K 36 0
                                    

Halos magda-dalawang linggo na simula noong nagbago si Elmo. Bumalik ito sa dati niyang habit, walang pake sa mga anak, hindi na napasok sa trabaho at parating lasing. Hindi alam ni Julie kung paano mag-aadjust sa sitwasyon nila dahil maging siya ay nahihirapan na.

Sa bahay muna siya nila Elmo ngayon dahil minomonitor niya pa ang kanyang kasintahan. Sa araw-araw niya itong kasama ni minsan hindi nito pinaramdam sa kanila ang dating sila. Oo hinahalikan parin at niyayakap siya ni Elmo pero parang may iba ng namamagitan sa kanila. Para bang may pader na nakaharang sa kanilang dalawa sa tuwing sila’y magkasama.

“Huy-” Tumilamsik ang kapeng iniinom niya sa kanyang bar counter. Ngayon lang niya narealize na umiwi siya sa kanilang condo para kumuha ng damit dahil mukhang matatagalan pa siya sa bahay nila Elmo.

“Ano ba yan girl ang lakas na nga ng yabag ng paa ko at pagkalabog ko ng pinto mo nagulat ka parin?” Tanong ni Fonsie matapos nitong agawin ang iniinom na kape ni Julie.

“Fonsie pwede not now.” Iritableng sambit niya sa kanyang kaibigan dala narin siguro ng matinding stress at pagod ng mga nagdaang linggo.

“Buntis ka ba?!” Nanlalaki ang mata nito habang nakatingin kay Julie, “Nako Julie kung naiistress ka dahil ayaw panagutan ni Elmo pwede akong magpakababae para dyan. Handa akong mag-ampon ng bata wag mo lang ipalaglag ang magandang lahi niyo.”

“Hindi ako buntis Fonsie okay?” Tumayo na siya para magpunta ng kanyang kwarto para kumuha ng karagdagang damit habang si Fonsie naman ayun, patuloy parin ang pagsunod sa kanya. Nag-aalala rin siguro ito sa kanyang kaibigan dahil halatang wala pa itong pahinga at medyo nangangayayat na.

“Friend jinojombag ka ba ni Magayummy? Sabihin mo lang ipapakulong ko talaga ang loko na yun.” Tanong ni Fonsie habang nakasandal sa gilid ng nakabukas na pinto ng kwarto ni Julie.

“Sa tingin mo ba magpapakatanga ako kung ganun na ang relasyon namin?”

“Eh ano nga? Para akong shunga dito, nag-aala madam auring para lang mahulaan kung ano na ang nangyayari sayo. Juliena kahit ganito ako kaganda, may pake parin ako sa lahi natin no. Tingnan mo jumujonget ka na.”

Nagbuntong hininga muna siya bago niya ibaba ang kanyang damit tinutupi sabay tingin kay Fonsie. “Fonsie nag-iba na siya.”

“Ha? Si Magayummy?” Tumango sa kanya si Julie. “Bakit anong nangyari? Nambabae ba? Nako mga lalaking yan talaga, imbis na mangbabae sila dapat bading nalang hinahanap para walang effect sa babae at least kami hindi nalalahian.”

“Ang dami mong sinabi-” She sighed again, but this time, it was a heavy sigh. “I don’t really know what’s happening to him lately, parang ang cold-cold niya. Ayaw niyang makipag-usap sakin tapos Fonsie-” Naluha na siya ng hindi niya na makaya ang bigat na nararamdaman niya. Sino ba naman ang gugusto sa ganoong sitwasyon? Clueless si Julie sa lahat ng nangyayari kay Elmo. Gusto niya itong tulungan pero hindi niya alam kung saan magsisimula… hindi niya alam kung paano magre-reachout kay Elmo.

“Julie-” Ipinatong muna ni Fonsie ang dala-dala niyang tasa bago siya lumapit sa kanyang kaibigan na ngayon ay umiiyak na sa harap niya. Unang beses niyang makita si Julie na ganoon, hindi kasi siya yung tipong nasuko o naiyak sa problema. Nang mga oras na iyon, alam na niya na pagdating kay Elmo nagiging vulnerable ang kaibigan niya. “Ano ba kasing meron? Kung nahihirapan ka na bakit hindi mo nalang siya iwan?”

“Hindi kasi madali yang sinasabi mo Fonsie, at alam mo na hindi ko kayang gawin yan.” Humikbi siya. “Mahal ko si Elmo. Sobra-sobra.”

“Ano ba ang rason? Tell me. Gusto mo ba kausapin ko siya?”

“Hindi ikaw o ako ang kailangan niya ngayon. I think-” Tumingin siya kay Fonsie. “he needs to see his psychiatrist.”

Gulat na tiningnan ni Fonsie si Julie. “Baliw si Magayummy?!”

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon