Chapter 10

2.2K 29 0
                                    

Kinasanayan na ni Julie ang pagja-jog every afternoon with her dog Blue, perhaps, to keep her healthy. Ilang beses niya ng naikot ang buong village nila, lawit na ang dila ni Blue pero hindi parin siya natigil. Hindi niya maramdaman ang pagod, malamang dahil sa happy hormones na nasa buong katawan niya due to her constant communication with Elmo these past few days.

Minutes later she heard her phone rang, she immediately picked her phone up and answered the call with a sweet smile on her face. “What’s up?”

He’s also smiling while he’s talking to Julie over the phone. “Can I ask you a little favor?”

“Yeah sure.” Tumigil si Julie sa pagtakbo, at last nakapagpahinga rin si Blue. “Ano pala yun?”

“Gusto kasi ni Lexa na kumain ng pesto and pizza and honestly I don’t know how to make one. Alex made a note that you can so I’m wondering if-” He paused. “I know you’re busy pero kakapalan ko na ang mukha ko para sa mga bata ha?” He heard her giggle. “Can you come over to our place for dinner?”

“Kaya ko ba namang tanggihan ang mga anak mo?”

“So-” He paused again. “Is that a yes?”

“Of course. Just give some minutes to prepare, I’ll be there.”

“That’s great!” Nang mapansin niyang masyadong excited ang sagot niya sa dalaga ay kaagad siyang nagclear ng kanyang lalamunan. “I mean, that’s cool. See you later.”

“See you later Elmo.” She hanged up the phone.

Nang ibaba na ni Julie ang linya ay ibinaba narin ni Elmo ang kanyang telepono. He found his kids looking at him, probably their waiting for Julie’s answer to him.

“She said yes.” He tried to smile to them for the very first time and for the record, it felt good. Even more than that. He felt that the barriers between them disappeared as soon as they both smiled back to him. “Are you scared of me?”

Umiling sa kanya ang dalawang bata. “Not anymore dad.” Lexa spoke in behalf of Alex. “How about you dad, are you scared of us?”

Hindi kaagad nakasagot si Elmo. Is he still scared? Ano nga ba naman ang ikakatakot niya sa kanyang mga anak? Sa mga oras na ‘yon, narealize niya ang matagal ng ipinupunto sa kanya ni Julie, sila nalang ang meron siya, hahayaan niya pa ba iyong mawala rin sa kanya?

“You know what kids-” Lumapit siya sa mga anak niya na ngayon ay parehong nakatuon sa mesa habang pinagmamasdan ng mga ito ang halo-halong ingredients para sa pesto at pizza na hinihiling nila for dinner. “daddy loves the two of you so much-” Hinalikan niya ang mga noo ng mga ito. “I don’t usually say or express it but it’s what daddy feels right here.” Itinuro niya ang puso niya habang pinagmamasdan siya ng kanyang mga anak.

Unusual man sa pandinig ng mga bata ang inaasal ng daddy nila nitong mga nakaraang araw pero hindi na nila kwinestyon pa iyon. Instead, they embraced their dad and let him feel how much they wanted those words.

“We love you too dad.” Masayang sambit ni Lexa. Hindi man makapagsalita si Alex, alam ni Elmo na masaya rin ito kahit hindi man nito sabihin.

“Alright kids-” Ginulo niya ang buhok ng mga ito. “Maligo na kayo kung ayaw niyong maamoy ni Julie ang mga pawis niyo.” Hindi niya naiwasang matawa  nang amuyin ng dalawa ang kanya-kanyang kili-kili ng mga ito bago magdecide na tumakbo papunta sa kanilang kwarto.

***

Nakaligo at nakapagihis na ang mga bata pero wala parin si Julie. Hindi na mapakali si Elmo dahil it’s almost eight in the evening pero wala parin silang nasisimulan for their dinner. He checked his phone but there’s no texts or even a single call coming from Julie. Hindi siya sanay and he can’t stop himself from worrying because she’s never been late. 

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon