Chapter 18

2K 34 0
                                    

It’s their first monthsary. Julie wants to make it something special kaya pumunta siya sa bahay nila Elmo to celebrate with the kids. Pero bago siya pumunta roon, dumiretso muna siya sa supermarket para bilihin ang mga ingredient na kailangan niya para sa beef stew at crème brulee na plano niyang i-prepare para sa kanilang apat.

Kahit na pagod siya dahil sa sakit ng ulo na ibinibigay sa kanya ng kanyang agong  kliyente ay tila ba’y naglaho ang lahat ng iyon. Siguro dahil sa sayang nararamdaman niya sa thought na susupresahin niya si Elmo sa tulong ng kambal nito.

Hindi na iba kay Julie ang dalawang bata at gayundin naman sina Alex at Lexa sa dalaga. Para bang natural na ang lahat, she spends time with them, plays with them when she has extra time to do so, and she also cooks for them, tulad ngayon.

Nang sandaling matapos siyang mamili ay kaagad siyang nagdrive papunta sa bahay nila Elmo. Dahil alas kwatro palang ng hapon, alam niya na wala pa roon si Elmo at kakarating lang ng mga anak nito galing sa school.

Pagdating niya roon, hindi siya nagkamali. Nagmemeryenda na ang mga bata kasama ang yaya ng mga ito at walang bakas na naroroon si Elmo. Swak ang plano.

“Julie!!!” Tumakbo kaagad si Lexa para yumakap kay Julie. Kahit na may dala-dala si Julie sa kanyang dalawang kamay ay hindi siya noon napigilan na maibalik ang warm hug ni Lexa sa kanya.

“I miss you Lexa.” Masayang sambit ni Lexa matapos niyang halikan ang ulo nito.

“I miss you too!” Nakangiting sagot naman ni Lexa. After a few seconds, napansin ng bata ang mga dala-dala ni Julie kaya hindi nito naiwasang mang-usisa. “What are those?” Tanong ng bata habang tinuturo ang mga plastic na dala ng dalaga.

“Ah-“ Nginitian niya rin si Lexa. “We’re going to surprise your dad tonight.”

“What for? What’s the occasion?”

“Because today is our monthsary.” Ngumiti siyang muli kay Lexa bago siya nagtungo sa kitchen ng mga ito dahil nabibigatan na siya sa dala-dala niya. Nakasunod naman sa kanya si Lexa habang si Alex, abala parin sa pagdo-drawing at pagkain.

“What is monthsary?” Pangungulit pa ng anak na babae ni Elmo.

“Monthsary-” Nag-isip saglit si Julie habang hinuhugasan niya ang karne ng baka na kanyang binili. “Yun yung ano baby-” Nag-isip siyang muli. “yun yung kailangan i-celebrate ng isang girl at isang boy yung special day nila.”

“Ah! So it’s like a birthday party?”

“Yeah.” Kahit hindi man sakto ang nagets ni Lexa ay hinayaan nalang ito ni Julie dahil hindi niya rin naman alam kung paano ipapaliwanag iyon sa batang kausap niya.

Umakyat si Lexa sa upuan para makita ang ginagawa ni Julie sa sink. “Julie sana dito ka nalang nakatira.” Sambit nito habang nakapalumbaba.

Natigilan si Julie sa ginagawa niya matapos niyang ibaling ang atensyon niya kay Lexa. “Bakit naman?”

“Kasi sabi ni Teacher, ang happy family daw may daddy, may mommy at may baby.” Malungkot niyang tiningnan si Julie. “Kaso wala kaming mommy, kaya hindi kami magiging isang happy family.”

Napangiti si Julie dahil kahit malungkot na ekspresyon ang ibinigay sa kanya ni Lexa ay cute parin ito sa paningin niya. “Alam mo baby, hindi naman talaga kailangan ng complete family para maging happy. Siguro oo, yun ang sabi ng nakakarami sa atin pero hindi naman ibig sabihin na wala kayong mommy eh hindi na kayo happy.”

“Ayaw mo ba samin?”

“Ha?” Gulat na sambit ni Julie. “Hindi-” She shook her head. “Hindi iyan ang gusto kong sabihin honey. I love you and I love Alex. Alam mo naman yun di ba?” Tumango naman si Lexa sa tanong niya. “It’s this sweetie-” Iniwan niya muna ang ginagawa niya para makausap niya ng ayos si Lexa. “Wanna know a secret on how to be happy?”

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon