Epilogue

3.2K 77 13
                                    

Life is like a river which flows through many turns and changes, but even when that river takes Julie and Catherine in different directions, they will always find each other again just around the next bend because their friendship is forever. Their friendship runs strong and deep like a river.

Kakagising lang nila, they were planning to eat their breakfast in the garden with their kids kaya naman maaga silang nagising.

Si Julie ang unang nagising sa kanilang dalawa, alas-kwarto palang ng umaga ng maalimpungatan si Elmo dahil sa ilaw na galing sa lampshade nila. Nagtaka niya ng makita niya si Julie na nakasandal sa kama habang ito’y nagbabasa.

“Bakit ang aga mong nagising?” Sambit ni Elmo habang tinitingnan niya si Julie na seryosong-seryoso sa binabasa nito.

“I can’t sleep.”

“Wala ka pang tulog?” Worried na tanong niya.

“Meron naman, siguro excited lang ako sa breakfast natin mamaya.”

“I see.” He giggled. “Teka ano yan?” Tanong ni Elmo ng mapansin niya ang hawak-hawak na papel ni Julie.

“Letter.” Mabilis naman na sagot nito kay Elmo.

“Letter? Puro cards lang ibinigay ko sayo ah. Kanino galing yan?”

“Selos agad?” Natatawang sambit niya. “Ito basahin mo-” Iniabot niya kay Elmo ang papel na hawak-hawak niya. Tinitingnan lang iyon ni Elmo kaya naman nagdesisyon na siyang sabihin kung ano ang laman noon. “It’s a letter from Catherine. Matagal ko na yang nabasa. At yan din ang reason kung bakit nandito pa ako kasama mo.” And then she smiled.

“She wrote a letter to you?”

“Yes she did.” Humiga siya sa tabi ni Elmo para makasabay siya sa pagabasa nito. To her, that letter never gets old. Parang first time palagi sa tuwing binabasa niya ang sulat na iyon ni Catherine sa kanya.

Tahimik lang na nagbasa si Elmo. Every single word hindi niya pinalampas. At the end of the letter, his tears suddenly fell. Napansin naman agad ni Julie iyon kaya siya na ang nagpunas ng mga luha nito.

“I’m sorry.” Muling pinunasan ni Elmo ang mga mata niya.

“It’s okay honey, umiyak din ako nung binasa ko yan.”

“Planado niya na talaga.”

Niyakap niya si Elmo. “She has her reasons.”

“And that reason is you.” Tumingala si Julie kay Elmo to be able to meet his gaze. “I’m glad she chose you.”

She gave him her precious smile. “I am too.”

***

Sa buhay, minsan talaga kailangan nating magplano, kailangan nating makita ang ating sarili ten, twenty or forty years from now. Bakit? Simple lang… para alam nating may direksyon ang ating buhay… para alam nating may pupuntahan ang bawat araw na igugugol natin sa mundong ito.

Sa plano ni Catherine lahat perpekto, lahat nangyari pero sa plano ni Julie? Lahat iyon, unpredictable.

Bumalik ng Pilipinas, hanapin si Catherine at magsimula ng bagong buhay, iyan ang goal ni Julie sa kanyang buhay.

Akala niya hanggang doon nalang iyon – magtatrabaho siya para masuportahan ang mga pangangailangan niya, magtatrabaho siya para makita ang taong hinahanap niya.

Pero masyadong mapaglaro ang tadhana, minsan dadalahin niya tayo sa sitwasyong kailanma’y hindi natin plinano.

Tulad nalang ng nangyari kay Julie. Hindi niya plinanong makilala si Elmo at lalong hindi niya plinanong mahulog ang loob niya rito. But it happened. Love is just like that… love is just as tricky as that.

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon