Chapter 6

2K 28 0
                                    

Panay ang tingin ni Elmo sa relo niya, ten minutes na kasing late si Julie sa usapan nila. He tried to call her pero hindi siya sinasagot ng dalaga. Hindi niya kung ano ang meron basta’t ang alam niya lang there’s something wrong with Julie.

“Sir?

Napatingin si Elmo sa waitress na nasa harapan niya. “Yes?”

“Would you like to place an order?”

“Tumingin muli si Elmo sa relo niya. “Later. I’m still waiting for someone.”

“Okay sir.” Umalis na ang waitress at nagpunta sa ibang mesa.

“Bakit ang tagal niyang dumating.” Inis na sambit ni Elmo sa kanyang sarili habang tinatawagan niya si Julie for the eleventh time pero hindi parin siya sinasagot nito. “Fine kung ayaw mo di wag mo.” Tatayo na sana siya sa kinauupuan niya ng makita niya si Julie, may kasama itong lalaki na hindi niya kilala. At sa tingin niya boyfriend ito ng dalaga.

Umupo si Julie at ang lalaking kasama nito sa harap ni Elmo. “Hi Elmo sorry for the delay. Anyway, Mr. Ocampo this is Mr. Elmo Magalona-” Tumingin si Julie kay Elmo. “Elmo this is-”

“I know, he’s Mr. Ocampo.” Umayos ng upo si Elmo matapos nitong makipag-shakehands sa lalaking nasa harap niya. “Is he your boyfriend Julie?”

Natawa ng bahagya si Julie. “No. Actually-” Napakagat labi siya. “He’s the buyer of your big bike.”

“WHAAAAT?!” Mabilis na umiling si Elmo. “NO.”

Alam ni Julie na magdi-disagree si Elmo kaya kaagad siyang tumingin kay Mr. Ocampo para magpaalam dito. “Mr. Ocampo mag-uusap lang kami saglit sa labas. We’ll be back. Order nalang po kayo, I’ll be the one to pay.” And then she smiled.

“Okay Julie, I’ll just wait for the two of you here.”

“Thanks.” Nilakihan niya ng mata si Elmo at sumenyas dito na sumunod na sa kanya sa labas.

“Julie what were you thinking?!” Inis na sambit ni Elmo pagkalabas palang na pagkalabas ng restaurant. “Are you out of your mind? Bakit mo ibebenta ang bagay na hindi sayo?”

“Elmo pwede bang ibaba mo yang boses mo? May reason ako.”

“Reason?” He exhaled. “Sige, tell me.”

“Okay. Ibebenta natin ang big bike mo kasi malaki ang deal na nasara ko para dun-”

“YUN LANG?”

“Pwede ba makinig ka muna?!” She rolled her eyes. “Ganito yan, yung pera na mapagebentahan natin ng vintage big bike mo yun ang ibibili natin ng new car and new home mo.”

“What for?”

“Gusto mong mabalik sayo ang asawa mo di ba? You have to give her some motivations so you can get her back. Isa pa delikado sa mga bata kung iyan ang lagi mong pinangsusundo sa kanila, mas okay parin ang apat na gulong kesa sa dalawa.” Tumingin siya sa mga mata ni Elmo. “Did you get my point?”

“Ayoko parin.”

“You signed a contract with me.”

“I don’t care. Scrap that contract. I won’t sell my big bike.” Pagmamatigas pa nito.

***

“Chester-” Mangiyak-ngiyak na sambit ni Elmo hang panay ang haplos nito sa pinakamamahal niyang big bike bagong sila paghiwalayin ng bagong may-ari nito. “Please take good care of Chester okay?” Humiwalay na siya sa pagkakayakap kay Chester dahil mukhang sasakay na si Mr. Ocampo rito.

“I will Elmo.” Nakangiting sambit nito habang nagsusuot ng helmet. “Thanks for letting me buy this cool bike.” Sumakay na ito sa big bike ni Elmo at sinimulan na ang pagpapa-init sa makina. “Thank you Ms. Julie.”

“Same to you Mr. Ocampo.” She smiled and then he drove away.

Wala ng nagawa pa si Elmo, nakasign siya ng contract with Julie kaya kailangan niyang sundin lahat ng nakapaloob sa papel na pinirmahan niya. Labag man sa loob niya na ibenta si Chester pero narealize niya rin kung gaano karami ang opportunities na makukuha niya kapalit ng pinakamamahal niyang motor.

“So, are you ready to buy your new car and new house?” Ngiting-ngiting sambit ni Julie na may halong pang-aasar dahil nanalo siya sa argyumento nila.

“Ano pa nga bang magagawa ko?”

She giggled while she was browsing through her files. “Alam mo, one day pasasalamatan mo rin ako sa lahat ng ‘to.”

Masama parin ang loob niya  dahil sa pagkawala ni Chester pero ng makita niya kung gaano kapursigido si Julie sa pagtulong sa kanya ay nawala lahat ng sama ng loob niya. “Sana nga-“ He looked at her. “Kasi kung hindi positive ang outcome nito, you have to get Chester back to me.”

“No matter what it takes?” Cute na sambit ni Julie.

“No matter what it takes.” Pag-uulit pa nito.

To be continued…

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon