Nagkakape si Julie habang pinagmamasdan niya si Elmo na tulog na tulog sa kanyang mahabang sofa. Hindi niya maiwasang mailing dahil kung hindi siya dumating kagabi ay marahil may masama ng nangyari sa dalawang anak nito.
Puyat sa kakaasikaso kay Elmo ay pinilit niyang magising ng maaga para makapaghanda ng almusal para sa kanyang mga bisita. Nakangiting gumising si Julie dahil for the first time nagising siya na hindi lang si Blue ang kanyang kasama kundi pati narin ang dalawang super cute na kambal ni Elmo na hanggang ngayon ay hindi niya parin alam ang pangalan dahil hindi nagsasalita ang mga ito simula noong ito’y sinundo niya.
“Sino ka?”
Natigil ang pagtitig ni Julie kay Elmo ng may tumawag ng kanyang pansin. Napatayo siya sa bar counter ng makita niya ang kambal, nauuna ang babae at nasa likod naman nito ang lalaki.
Yumuko siya sa kambal habang hawak ang kanyang kalahating basong kape para makita niya ng mas malapitan ang mga bata.“I’m Julie.” She smiled. “Kayo anong pangalan niyo?”
“I’m Lexa.” Pagpapakilala ng babaeng bata kay Julie.
Tiningnan ni Julie ang lalaking anak ni Elmo na nasa likuran ni Lexa.“And you are?”
“He can’t speak.” Sabat ni Lexa. “By the way, he’s Alex.”
“Bakit hindi siya nagsasalita?”
“We don’t know.” Malungkot na sambit ng bata habang pinagmamasdan nito ang kakambal niya.
“I see” Inayos niya na ang kanyang tindig para maiba na ang topic. “Gutom na ba kayo?” Tango lang ang isinagot sa kanya ng mga ito. “Okay then, tara breakfast na tayo.” Ginuide na ni Julie ang dalawang bata papunta sa dining table niya at pagkatapos ay inasikaso na niya ang mga ito.
“Ms. Julie?”
“Hmm?” Malambing na sambit ni Julie habang tuloy-tuloy parin ang pag-aasikaso niya sa pagkain ng dalawang bata.
“Girlfriend ka po ba ni Daddy.”
Napatigil si Julie sa ginagawa niya para tingnan ang dalawang bata na ngayon ay naghihintay sa isasagot niya.
“Girlfriend? No, he’s my-” Nag-isip siya saglit kung anong mas simple na salita na magde-describe sa relasyon niya kay Elmo. “He’s my friend. Bakit mo natanong?”
“Daddy never dated a girl.” She smiled. “Wala lang po simula kasi nung-”
“ALEX, LEXA, LET’S GO.”
Napalingon si Julie sa likuran niya ng kanyang marinig ang nakakairitang command nito.
“Wait, wait. Nag-aalmusal pa yung mga bata. Can you chill for awhile?”
“I can buy them food outside.” Napahawak si Elmo sa ulo niya ng kumirot ito dala ng hangover. “Bakit nga pala kami nandito?”
Napa-roll nalang ng mata si Julie dahil ayaw niyang mapagsalitaan ng masama si Elmo sa harap ng mga ito. Kliyente niya parin si Elmo at kahit anong gawin niya, kinakailangan niya paring ituring ito ng tama.
“You passed out last night and then your kids called. I picked them up in Makati, I don’t know where to take you and your children that’s why I brought all of you here in my condo.” Hindi niya naiwasang pagtaasan ng kilay si Elmo. “Is that what you want to hear?”
“Thanks for the concern but I don’t need it.” Lumapit siya sa kanyang mga anak. “Let’s go.”
“Paano kayo uuwi? I left your big bike at the bar.”
“You left what?!”
“Alam mo imbis na nagagalit ka dyan bakit hindi ka muna mag-almusal? Kung ikaw hindi ka nagugutom bahala ka, basta pakainin mo muna yung mga bata.” Iniabot ni Julie sa dalawang bata ang inihanda niyang pagkain kanina. “Ako na ang bahalang maghatid sa inyo.”
Hinigit ni Elmo si Julie papalayo sa dalawang bata ng magsimulang kumain ang mga ito. “Sino ka ba?”
“I’m Julie Anne San Jose.” Hinila niya ang kanyang braso pabalik. “Don’t bother tell me who you are. I know you.” She smirked. “You’re Elmo Magalona, my client.”
“Client?” Napatitig si Elmo kay Julie. “May nangyari ba satin kagabi?”
“Alam mo ang dumi mo mag-isip.” Napansin niyang hindi parin nakukumbinsi si Elmo na walang nangyari sa kanya kaya minabuti niya nalang na magpaliwanag dito. “I’m here to help you get your wife back.”
“Wala talagang nangyari satin, sigurado ka?”
“WALA NGA.” Pumunta si Julie saglit sa bar counter niya para kumuha ng calling card at pagkatapos ay bumalik siyang muli kay Elmo para iabot iyon. “Kung gusto mong mabalik sayo ang asawa mo you know where to call.”
Papabalik na sana si Julie sa dining table ng biglang nagsalita si Elmo.
“Paano kung sabihin ko sayong nawalan na ako ng pag-asa na babalik pa siya sakin?”
“Kung gusto mong bumalik ang pag-asa mo, sign a contract with me. I guarantee you, babalik siya.”
“How sure are you?”
“One hundred percent.”
To be continued…
BINABASA MO ANG
The Letter
FanfictionThis story will show you how twists and turns works.. how the magical word "destiny" play with the entire love story.