It was a sunny, sunny morning. Masyadong mataas ang sikat ng araw, ala-syete palang ng umaga pero mainit na sa kwarto nila Elmo at Julie kahit pa may airconditioner sa kwarto ng mga ito.
Summer na naman kasi. Syempre dahil summer kailangan nating magchill, kailangan nating magrelax, kailangang i-enjoy ang heat ng araw, kailangan ng family bonding. At iyon naman ang hindi pinalagpas ni Julie lalo na ngayon na bakasyon na ng kambal.
Excited siyang bumangon sa higaan ngayon, akala niya wala ng tatalo sa excitement na nararamdaman niya not until makita niya si Elmo na busy na sa paglalagay ng mga bagahe nila sa kotse ng tumingin siya sa labas ng napakalaking bintana ng kwarto nila.
And yes, Julie secretly packed for the kids yesterday. Kinailangan nilang itago iyon sa kambal para surpresahin ang mga ito. At habang ginagawa niya iyon, si Elmo naman ay busy sa pangkikipag-usap sa mga anak niya para surpresahin din si Julie. It’s a bit of a circular plan actually. Everybody gets surprised. You’ll see.
Hindi na nag-aksaya pa si Julie ng oras. Pumunta siya agad sa kwarto ng kambal, iyon naman palagi ang ginagawa niya araw-araw but today is different. Hindi kasi sa bahay lang sila mag-stay because today they’re going to Calaguas, Island, one of the beautiful places in Bicol.
“Wakey, wakey my sweet angels.” Dahan-dahan niyang ginising sina Lexa at Alex with her very sweet voice.
“Mommy, I’m sleepy pa.” Tumalikod sa kanya si Lexa.
“It’s too early mom.” Pag-angal naman ni Alex sa kanya.
“Ayaw niyong gumising ha.” And then she tickled them, sobrang lakas kasi ng kiliti ng kambal kaya iyon ang unang naisipang gawin ni Julie. They gave her no other choice but to do that. 11am kasi ang alis nila, and knowing the twins, sobrang bagal nilang kumilos. Laging in turtle’s pace.
“Gising na ako!” Sabay na sambit ni Alex at Lexa habang natawa, ng maconvince na si Julie na gising na talaga ang mga ito ay tumigil narin siya.
“We’re going to somewhere today!”
Sabay na bumangon ang kambal. “Yay! Whereeee?”
“You’ll see.” Inayos niya ang kwelyo ng pantulog ng dalawa. “Kaya if I were you magbe-breakfast na ako para makaalis na tayo.”
“Yes!!” Tumayo na ang mga ito, ready na para umalis sa kama nila.
“Uh-uh.” Pagpigil ni Julie sa dalawa bago pa ito makaalis sa higaan. Nakaupo parin siya roon habang tinitingnan ang kambal. “Parang may nakakalimutan kayo.” Tinap niya ang left cheek niya using her pointer finger. “Where’s my good morning kiss?”
Kaagad naman siyang pinuntahan ng kambal para humalik at yumakap sa kanya ng sobraaaang higpit. “Good morning mommy!” Humalik muli sila kay Julie ng paulit-ulit. “We love you.”
Binigyan din ni Julie ng tig-isang kiss sa pisngi sina Alex at Lexa. “I love you too.” Sabay pakawala sa mga ito para makababa na sa dining area nila.
She’s happy with her life now. Kahit na they haven’t sealed the deal yet, masaya siya kung nasaan siya ngayon. Ang sabi nga sa kanya ni Fonsie kasal nalang ang kulang.
A week ago, dinala nila ang mga bata sa puntod ng tunay na ina ng mga ito. Everyday pinapakilala ni Julie kina Alex at Lexa ang mommy ng mga ito. She’s telling them different stories of their biological mom kahit mga most embarrassing stories nila kinikwento niya. Ayaw niya kasing ipagkait ang katotohanan sa mga bata dahil hindi naman biro kung sino ang pinagkakait niya, nanay parin si Catherine ng mga batang mommy narin kung ituring siya, asawa parin ito ni Elmo at bestfriend niya. Si Catherine parin ang dahilan kung bakit masaya siya ngayon, siya parin ang maituturing ni Julie na blessing indisguise.
BINABASA MO ANG
The Letter
FanfictionThis story will show you how twists and turns works.. how the magical word "destiny" play with the entire love story.