Chapter 22

2.1K 36 1
                                    

Kakatapos lang patulugin ni Julie sina Alex at Lexa. Habang tumatagal ang pagsasama nila ng mga bata ay nararamdaman niya kung gaano kasabik ang mga ito sa ina. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay hindi niya maipagkakaila na ito ang pinakabest part ng buhay niya, ang maranasang maging isang ina.

Hindi maalis sa mukha niya ang saya habang pinagmamasdan niya ang dalawang bata na himbing na himbing sa pagkakatulog. Gustuhin man niyang pagmasdan ang kambal hanggang sa gumising ang mga ito ay alam niya namang hindi iyon maaari dahil kailangan niya ring magpahinga.

Isinara niya na ang ilaw sa loob ng dalawang bata at ipininid niya ang pinto ng mga ito sapat para makapasok ang kaunting ilaw na nanggagaling sa aisle. Ganoon ang ginagawa ni Julie kada-gabi dahil alam niyang matatakutin ang kambal kapag sobrang dilim.

Nang makakuha na siya ng tsempo ay dumiretso na siya sa kwarto ni Elmo para makapagpahinga narin. Ginawa niya ang evening rituals na kinasanayan niya. Matapos niyang maglagay ng moisturizer sa mukha ay dumiretso na siya sa kama, bago siya makatungtong roon ay may nasagi ang kanyang paa sa gilid nito. Kaagad niya iyong sinilip, itinaas niya muna ang mahabang cover ng kamang iyon para makita niya kung ano ang kanyang nasagi.

“Yung box lang pala.” Sambit ni Julie sa kanyang sarili habang inaabot niya ang kahon na nakalimutan niya ng tingnan dahil sa pag-aasikaso sa mga bata. Nang makuha na niya ang kahon ay kaagad siyang umupo sa kama para tingnan ang laman noon.

Nang mabuksan niya ang kahon ay samu’t-saring stolen pictures ni Elmo ang tumambad sa kanya. Isa-isa niya iyong tiningnan, at sa bawat na picture na nahawakan niya ay may katumabas na sulat sa likod nito. Ang una niyang nakuha ay ang picture ni Elmo na may hawak-hawak na bulaklak. Ngiting-ngiti si Elmo sa picture na iyon, at sa likod nito ay may nakasulat na, ‘the man who loves to give flowers as a present”.

Dahil nacurious siya ay isa-isa niya pang tiningnan ang mga larawan na nasa kahon na iyon. Nakangiti si Elmo sa halos lahat ng pictures na iyon, halatang masayang-masaya talaga ito at walang problema. Candid photos never lies. Kung ano ang nakikita mo roon ay iyon talaga ang emosyon na inilalabas ng taong kinukuhaan mo nito.

Panay lang ang pagbabasa ni Julie hanggang sa mahalungkat niya ang sunod-sunod na litrato ng tiyan ng buntis babae na papalaki ng papalaki.

Sa unang litrato na binasa niya ay isang shot mula sa isang ultrasound, ‘I am pregnant! Definitely pregnant!’ ang nakasulat doon. Sa sumunod na tiningnan niya ay isang kamay ng babae na nakahawak sa tiyan, may kalakihan na ang tiyan na iyon, marahil second trimester na at ang nakasulat sa likod noon ay ‘My pregnancy is getting harder. I know there’s something wrongwith my pregnancy but I don’t care. I am fighting for the lives of my babies. My husband’s mad at me though.’

And the story continues there, ngayon alam na niya na mayroon talagang kumplikasyon simula palang ng pagubuntis ng asawa ni Elmo. At alam niya rin na ayaw ni Elmo sa kundisyong iyon ng asawa nito, pero kahit naman siya ang malagay sa ganoong sitwasyon ay ang bata parin sa tiyan niya ang pipiliin niya.

Tumingin pa siya ng tumingin ng mga litratong naroroon, bigla siyang natigilan nang makita niya isang flowershop na pamilyar na pamilyar sa kanya. At the back of the picture, nakita ang nakasulat doon na, ‘This is the place where my prince charming and I first met. And since then, my life became a fairytale.’ She flipped another picture, at ang litratong iyon ay ang big bike na pinagpilitan niyang ibenta ni Elmo, doon niya nalaman na iyon pala ang regalo ng asawa ni Elmo noong first anniversary ng mga ito.

Bigla siyang nakaramdam ng guilt dahil may sentimental value pala iyon kay Elmo. Ngayon, isa-isa nang nakaklaro sa kanya ang mga pangyayari, alam na niya kung saan unang nagmeet si Elmo at ang asawa nito, alam niya rin ang details sa pagbubuntis nito, ang problema nalang ay kung sino ang asawa ni Elmo dahil sa lahat ng litratong nakita niya ay wala man lang kahit isang mukha ng babae ang nag-appear mula roon.

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon