Chapter 23

1.9K 29 0
                                    

Day five na ni Elmo sa loob ng ospital kung saan siya nakalagi ngayon. May improvements ng nakikita ang doktor sa kanya, unti-unti ng lumalabas ang mga sagot na kailangan niyang malaman. Hindi parin maiwasan ni Elmo ang hindi magmatigas pero namamanage naman ng doktor ang pasunurin siya.

Ngayon nasa empty room na naman sila ng kanyang doktor. There’s a sofa for him and a chair for his doctor. Nagsasawa na siya sa ganoong set-up, ni wala nga siyang idea kung nagagamot na ba siya o hindi pa.

“So Elmo, how are you feeling today?”

“Better than before doc.” He answered in an instant.

“Ginugulo ka parin ba ng babae sa panaginip mo?”

“I am ignoring her.”

“Pero naririnig mo parin siya?”

“Yes.”

“Elmo, what if it’s all in the mind?”

His forehead wrinkled. “What do you mean?”

“It’s all in the mind-” She paused. “Baka lahat yan naiisip mo lang dahil may gusto kang balikan na hindi mo mabalik-balikan.”

“I don’t understand.”

Pinagmasdan saglit ng doktor si Elmo, ito na naman ang isang side niya. Nagmamaang-maangan sa mga bagay na pwede naman niyang isipin. “Pwede bang ipikit mo ang mga mata mo?” Sumunod naman kaagad ito sa utos niya. “Now, I want you to go back to the day when your twins were born.”

“Okay.” Elmo said.

“Wag ka ng magsalita, just concentrate.” Nakatingin parin siya kay Elmo habang nakapikit ito. “Ano ang nakikita mo Elmo?”

“Wala.”

“Concentrate. Don’t be scared. Go back to that day.”

Dahil iyon ang request ng kanyang doktor ay ginawa niya na lamang iyon. Ang normal na nasa isip niya ay makikita niya ang kanyang sarili sa ospital kung saan ipinanganak ang kanyang kambal pero hindi ganun ang nangyari, tulad ng panaginip niya nakita na naman niya ang kanyang sarili sa paborito niyang flowershop kaya muli niyang iminulat ang mga mata niya.

“Weird.” Takot na sambit niya habang nakatingin siya sa kanyang doctor.

“What did you see?”

“It’s the same flowershop.” Bulong niya sapat para marinig din iyon ng doktor na kanyang kausap.

“Sige lang, ipikit mo lang ang mga mata. Baka there’s something in there.”

“Ayoko na.” Tumayo na si Elmo ng hindi na niya magustuhan ang pinapagawa sa kanya.

“Elmo sit down.”

“Don’t talk to me as if I am your kid!”

“Elmo, please take your sit.” Kalmadong sambit ng psychiatrist niya. “Malapit na tayo, kaya please makipagcooperate ka sakin. Please.” Pakiusap nito sa kanya.

Elmo’s a good man. Alam niya rin na may good cause ang ginagawa sa kanya ng kanyang doktor but he’s scared of what’s bound to happen next. Hindi niya kasi alam kung ano ang pwede niyang makita. Kung ano ang pwede niyang malaman at the end of the process.

Pero sa kanila ng lahat ng iyon ay nakuha niya paring umupo muli sa sofa at ipikit ang kanyang mga mata. Natatakot man siya sa magiging resulta pero wala na siyang magagawa pa dahil sa ayaw niya o sa hindi kailangan niya iyong gawin.

“Baliw na ba ako?”

“No Elmo.” Mabilis na sagot ng doktor. “Kailangan mo lang imulat ang mga mata mo, hanapin mo ang sagot sa isip mo. Ngayong nakapikit ka na ulit, I want to to think about the flowershop, go inside and look around you.”

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon