Chapter 16

2.2K 30 0
                                    

Work. Work. Work. Iyon ang nasa isip ni Julie ngayon dahil nagsimula na namang magsidatingan ang mga bagong kliyente na nangangailangan ng tulong niya. She’s browsing through her clients’ backgrounds, kailangan kasi niyang magpasigurado bago pumasok sa isang contract sapagkat alam niya na crucial talaga once nakapagside na ang magkabilang kampo.

Labo-labo sa center table niya ang mga files na kanyang inaaral. Pati mga open tabs sa laptop niya halo-halo narin dahil sa pagbabackground check niya. Medyo masakit sa ulo, masakit talaga lalo na kung ayaw magpakita sayo ng hinahanap mo.

“Bakit kaya hindi pa natawag yun.” Tanong ni Julie sa kanyang sarili habang pinagmamasdan niya ang kanyang cellphone na nasa isang tabi. No calls or even texts from Elmo simula kagabi kaya naman hindi niya maiwasang mag-alala dahil hindi siya sanay sa ganoong set-up.

Para maidivert niya ang kanyang pag-iisip kung ano na ang nangyayari kay Elmo ay ibinalik niya nalang muli ang kanyang atensyon sa mga papeles na inaasikaso niya. Maingat niyang binabasa word by word ang mga applications ng mga ito, ngayon niya lang narealize na hindi lang pala lalaki ang nang-iiwan sa kabiyak nila, may mga babae ring gumagawa nito. At iyon naman ang lubos niyang hindi maintindihan, first of all, pinakasalan mo ang lalaking yun dahil mahal mo, dahil alam mong magtatagal kayo pero bakit kinakailangan pang may maiwan? Iyon ba ay dahil may mali? O dahil may pagkukulang lang na hindi mapunan? Kahit ano pa mang rason iyon, one thing is for sure, na kung saka-sakaling sila ni Elmo ang mag-end up, she’ll not do such stupid thing.

After a few minutes, her phone blinked. Kahit na sabihin pa nating may ginagawa niya alam parin ng isip niya kung ano ang kanyang first priority, at iyon ang malaman man lang na okay ang lalaking nagbibigay ng ngiti sa kanyang mga labi lately.

“Tss.” Nadisappoint siya dahil hindi iyon si Elmo, it was her friend Fonsie papunta na naman ito sa condo niya para manggulo. Her doorbell rang moments after, pinagbuksan niya kaagad ito at pinapasok sa condo niya.

“Ay busy ka?” Tanong nit okay Julie ng makita ang mga papel na nakakalat sa center table nito.

“Hindi Fonsie, I’m free.” She sarcastically said.

“Ang init naman ng ulo mo, meron ka ba?” He rolled his eyes. “Nandito lang naman ako girl para manghingi sayo ng make-up. May mga extra ka ba dyan? Poor ako ngayon eh.”

“Wala. Nakakastress lang talaga.”

“Stress sa work o stress sa boylet?” Pang-aasar pa ni Fonsie sa kanyang kaibigan.

She sighed. “Both.” Isinuot muli ni Julie ang kanyang salamin matapos niyang umupo sa tapat ng kanyang center table. “Kumuha ka nalang dun sa kwarto, wag mo ubusin ha.”

“Teka mamaya-maya na pala, chikahin mo muna ako dali na.” Tumabi siya kay Julie, wala siyang pake kung nakakaistorbo siya basta’t ang alam niya lang gusto niyang makakuha ng impormasyon galing sa dalaga. “Ano girl, hindi ka na masaya? Sabihin mo lang, ako na ang sasalo.”

Sinamaan ni Julie ng tingin si Fonsie. “Kahit hindi na ako masaya sasabihin ko parin na masaya ako kung sayo lang din siya mapupunta.”

“Ay insecure ang gaga!” Hinigit niya ng bahagya ang dulo ng buhok ni Julie. “Magkwento ka nalang kase, alam mo namang nagke-crave ako sa Elmo Magayummy mo.”

“Wala nga akong makekwento-” Kinuha ni Julie ang cellphone niya para ipakita iyon saglit kay Fonsie. “Ayan nga no text and no call.”

“My goodness Raquel!” Tiningnan niya si Julie ng may pag-aalinlangan. “Hindi kaya may bagong girlaloo na papalets mo?”

“Knowing Elmo, hindi siya ganun Fonsie.”

“Eh malay mo nga di ba? Alam mo maraming lalaki dyan na hindi talaga nakokontento sa isa. Ako nga sa ganda kong ito napapagpalit pa ng jowa ko, ikaw pa kaya?”

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon