Ilang araw narin ang nakalipas simula noong sinabi nina Julie at Elmo sa kambal kung ano ang meron sila. Medyo naguguluhan pa ang kambal lalo na si Lexa dahil ang ipinaparating sa kanila ng dalawa ay sila na hindi sila. Sino ba namang bata ang makakaintindi ng ganoong sitwasyon? Marahil nga, mahirap i-describe ang kung ano ang meron kina Julie at Elmo sa ngayon, pero kung ano pa man iyon alam nilang pareho na masaya sila at gayundin ang mga bata sa naging desisyon nilang dalawa.
Nagising si Julie ng may ngiti sa kanyang mga labi. Kung noon medyo hirap pa siyang bumangon ng kama, ngayon may malaking pagkakaiba na. Julie’s not the typical morning person, tamad siyang gumising ng sobrang aga dahil gusto niya lang na magpahinga ng magpahinga pero simula noong niligawan siya ni Elmo, it seems like she has something to look forward to every single day. For the first time in her life, she felt as if her life’s perfect. Nothing made her feel happier, and that’s because of her man, Elmo.
“Good morning blue!” Bati niya sa kanyang aso na panay ang kawag ng buntot sa kanya habang siya’y nag-iipit ng buhok. “You hungry?”
“Arf! Arf!” Tungon ni Blue sa tanong niya.
Kaagad namang dumiretso si Julie sa lalagyan ng dog food ni Blue dahil mukhang gutom na talaga ang kanyang alaga. Matapos niyang pakainin ang kanyang aso ay nag-init na siya ng tubig para makapagtimpla na siya ng kanyang kape. Kasabay ng pagpapakulo niya ng tubig ay ang pagtunog naman ng kanyang doorbell, agad siyang nagtungo sa kanyang pinto para pagbuksan kung sino man ang nagdo-doorbell na iyon.
“Kailan ka titigil sa pagbibigay sakin ng bulaklak?” Nakangiting sambit ni Julie ng makita niya si Elmo na may dala-dala na namang bulaklak para sa kanya. Halos inaraw-araw na ni Elmo ang pagdadala ng red roses for Julie bago ito pumasok sa trabaho, minsan pa nga ito ang nagiging cause ng pagkalate niya. But it didn’t matter to him, ang mahalaga sa kanya napapasaya niya si Julie sa mga maliliit na bagay na ginagawa niya para rito.
“Hindi ako titigil hangga’t hindi mo ako sinasagot.” Inabot niya sa dalaga ang bulaklak nang hindi niya inaalis ang tingin niya rito. “But if you’ll decide to say yes today, maybe I’ll reconsider.”
Sandaling nag-isip si Julie matapos niyang amuyin ang mga bulaklak na hawak niya. “Let’s just keep it this way-” Muli niyang ibinalik ang tingin niya kay Elmo. “Because I like it this way.” He didn’t say a word. He just smiled at her, the way he does best. “O sige na, pumasok ka na sa trabaho mo baka malate ka na naman nyan.”
“Wala ba akong kiss?” He said cutely.
“Kiss na naman?” Natatawang sagot ni Julie kay Elmo. “Alam mo sumusobra ka na, hindi pa nga tayo pero kung makapagdemand ka.” Hinalikan ni Julie ang index at middle fingers niya sabay lapat ng mga iyon sa pisngi ni Elmo. “Oh ayan, pasok na.”
“Yun lang?”
“Oo yun lang.”Natatawa niyang pinatalikod si Elmo para mapilit na niya itong pumasok sa trabaho. Pero sadyang matigas ang ulo ni Elmo dahil muli itong humarap sa kanya para siya’y mayakap ng mahigpit at mabigyan ng madiin na halik sa gilid ng kanyang buhok.
“I’ll see you later.”
“Alright, see you.” She smiled before she gently pushed him away. “You should go now.”
Wala ng nagawa pa si Elmo dahil kung hindi pa siya aalis ay malelate na naman siya. Ayaw niya mang iwan si Julie pero hindi parin maaari dahil kailangan niyang magtrabaho for the sake of his kids. And in the near future, malamang isa na si Julie sa dahilan kung bakit kailangan niyang magtiyaga sa pagtatrabaho. It’s not that he doesn’t enjoy his work, it’s just that he likes spending time with Julie and with his kids more.
From the moment he saw Julie, hindi na mawala ang ngiti sa mga labi ni Elmo. Nawala lang iyon ng makasalubong na naman niya ang isang pamilyar na mukha, ‘yung lalaki na nakasalubong niya noon. Hindi niya alam kung ano ang koneksyon nito kay Julie basta’t ang alam niya hindi siya comfortable sa tuwing nakikita niya ito.
BINABASA MO ANG
The Letter
FanfictionThis story will show you how twists and turns works.. how the magical word "destiny" play with the entire love story.