Nakalock ang condo ni Julie ng makarating doon si Elmo. Buti nalang at may duplicate key siya ng condo nito kaya hindi siya nahirapan sa pagpasok. Wala ng tao ng makarating siya doon, maging mga gamit ng dalaga sa loob ng unit na iyon ay wala narin. Sinubukan niyang halughugin ang buong condo pero wala talaga roon si Julie.
Hindi niya maiwasang matakot at kabahan lalo na ngayon na hindi niya alam kung nasaan ito. Naisipan niyang pumunta sa pinakamalapit na airport sa lugar nila, nagbabakasakali na naroroon si Julie. Pero wala siyang nakita.
He even tried to call Julie pero wala talaga. Nang maubusan na ng pag-asa ay naisipan niya nalang na bumalik sa bahay nila. Hindi niya maiwasang mailing habang siya’y nagda-drive dahil mukhang hindi na matutupad ang planong ipinagpaalam niya kay Catherine ng bisitahin niya ito sa puntod nito.
“Hi Catherine.” Nakangiting sambit ni Elmo matapos niyang ibaba ang paboritong bulaklak ng kanyang yumaong asawa. “Alam ko naririnig mo ako ngayon. Pasensya na kung hindi ako naging mabuting ama sa mga anak natin ha?At pati narin mabuting asawa sayo.” Umupo na siya sa sahig habang tinitingnan niya ang pangalan ng kanyang asawa na nakaukit sa isang makinis na bato. “Nagkaron ako ng dissociative amnesia Catherine, pansamantala kitang nakalimutan.” Naguntong hininga siya. “Hindi pa kasi ako ready ng mga oras na yon, masyado mo akong ginulat sa pagkawala mo. Sabi mo kasi gusto mong makita ng mga anak natin ang Jasmine kapag napanganak mo sila. Hindi ko naman inakala na sila nalang talaga ang maaabutan ko.” He paused. “Pero hindi ako galit sayo, naiintindihan ko na ngayon ang ginawa mo. Mahirap maging isang babae at alam kong mas mahirap maging isang ina lalo na ngayon na malayo ka na sa mga anak natin.” Sinindihan na niya ang dalawang dilaw na kandila na dala niya. “Alam ko naman na binabantayan mo parin sila.” Ngumiti siya. “Si Alex nga pala nakakapagsalita na. Si Lexa naman gustong-gusto si Julie.” Napangiti siya ulit habang kinikwento niya ang kanyang mga anak. “Kilala mo naman si Julie di ba? Hindi ko sinasadyang makilala siya and believe me hindi ko talaga sinasadya na mahulog sa kanya.” Muli niyang sinindihan ang namatay na apoy ng isang kandila. “Ngayon ko lang narealize kung bakit ako nainlove sa kanya, sobrang pareho kayo Catherine kaya hindi narin ako nagulat nung nalaman kong bestfriend ka niya.” Ni-rub ni Elmo ang magkabilang niyang kamay. “Mahal na mahal niya ang mga anak natin, she plays with them and even sleeps with them. Mas alam niya pa nga ang mga gusto at ayaw ng mga bata kesa sakin-” He laughed. “Masaya ako pag kasama siya at katulad ng nararamdaman ko para sayo, hindi ko rin alam kung paano mabuhay ng wala siya. She makes me happy. Really, really happy.” He bit his lip. “And I don’t want to end this.” Napatigil si Elmo sa pagsasalita dahil hindi niya alam kung paano sasabihin sa kanyang asawa ang mga plano niya. Tila ba’y buhay parin ito habang kinakausap niya. “Bestfriend parin naman kita di ba? I can still talk to you about everything right?” Naramdaman niya ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang mga balat, at alam niyang asawa niya iyon dahil sa kabila ng chills na binigay nito sa kanya ay nakaramdam siya ng warmth pagkatapos noon. “I think I know your answer.” He joked. “Honey, you know how much I love you. And no one could ever replace your space in my heart. You are the first woman that I loved and you will always be that woman that I will always love. But sometimes Catherine we need to let go of the past and start with our own lives again-” He pressed his lips. “Maraming beses ko ‘tong pinag-isipan. Habang tinitingnan ko sila Alex at Lexa naiisip ko na nagiging unfair ako sa kanila, hindi nila alam kung paano ang magkaroon ng isang buong pamilya. I have a choice honey. May choice ako na ibigay sa mga anak natin ang buhay na yon. At kung saka-sakaling nagkabaliktad tayo ng sitwasyon ito rin ang gugustuhin ko para sayo. I will always want you to be happy. I will always want you to have the life that you deserve and I know… I just know that you feel the same way too. I know how selfless you are. Of all the people, ako dapat ang mas nakakaalam nito because that’s one of the best reasons why I loved you. Why I fell inlove with you. And I see the exact same thing with Julie. I love her as much as I love you. And because of that… I’m… I’m planning to marry Julie - as soon as possible.” He paused again. “Wala siyang idea about this, we never even talked about marriage or family or a longterm relationship. I have no idea if she’s ready for this but one thing is for sure-” Tiningnan niya ang puntod ni Catherine. “I am ready to start my forever with her.”
![](https://img.wattpad.com/cover/14185740-288-k39267.jpg)
BINABASA MO ANG
The Letter
FanfictionThis story will show you how twists and turns works.. how the magical word "destiny" play with the entire love story.