Chapter 9

2.2K 34 0
                                    

Kakarating palang ni Julie sa kanyang condo galing sa grocery store. Minabuti niya na munang ipatong sa bar counter ang lahat ng kanyang pinamili para siya’y makapagbihis. Iniwan niya munang bukas ang butones ng kanyang skinny jeans para makapagpalit na siya ng razorback sando. She was about to pull down her pants when the doorbell suddenly rang.

“Alfonso.” Inis na sambit niya dahil ineexpect niya ang pagdating ng kanyang kaibigan. Hindi na niya isinara pa ang butones ng kanyang jeans at nagtungo na kaagad papunta sa kanyang pinto. “Fonso bakit laging wrong timing ang-” Natigilan si Julie sa pagsasalita ng makita niyang hindi si Alfonso kundi si Elmo ang nakatayo sa harap ng kanyang pinto. “God!” Isinara niyang muli ang pintuan sabay sara ng butones ng kanyang jeans. Nag-ayos muna siya ng kanyang sarili bago niya muling pagbuksan si Elmo ng pinto sa pangalawang pagkakataon. “Hi.” Nauutal na sambit niya. “What are you doing here?”

Walang sabi-sabi ay iniabot ni Elmo ang kanyang dala-dalang red velvet cake at isang bote ng wine kay Julie.

“Para saan to?” Naguguluhang tanong ni Julie ng tanggapin niya ang iniabot sa kanya ni Elmo. Tumingkayad siya para maabot ang noo ni Elmo para macheck ang temperature nito. “Are you sick?” She joked.

“Julie when a man gives you something. You are not supposed to ask him if he’s sick. You should say thank you.” Sarkastikong banat ni Elmo sa dalaga.

“Okay. Okay. Ikaw kasi masyado kang makapang-ambush visit.” Nag-giveway siya kay Elmo, senyas na inaaya niya itong pumasok sa kanyang condo, “I can’t eat all of these alone, gusto mo share tayo?”

 “Are you sure?” He asked. “Hindi ka ba natatakot? Pa’no kung killer ako?”

Natawa si Julie ng marinig niya iyon kay Elmo, he’s not joking but he sounds like one. “Come on, you’re Elmo Magalona. And kung papatayin mo ako may lead na sila kung sino ang killer.” She joked again. “Halika na kasi sa loob, ang daming arte.”

Nang makarating na sa dining table ang dalawa ay kaagad na naghanda si Julie ng plate at glass para sa kanilang dalawa. Binigyan niya muna si Elmo ng parte nito bago niya asikasuhin ang sa kanya. It was awkward to have Elmo inside her condo dahil ramdam niya na pinagmamasdan siya nito ng palihim. Imbis na awayin niya ito o kung ano, umupo nalang siya at sumabay sa pagmi-meryenda ni Elmo.

“Kamusta yung mga bata?” Sambit ni Julie para basagin ang katahimikan nila.

“I hired a new nanny yesterday.” Tumingin siya kay Julie na halatang nag-aalangan sa desisyon niya. “Wag kang mag-alala, this time, stay in na.”

She heaved a sigh. “Mabuti naman.”

“Oo nga pala Lexa says hi.” Umurong si Elmo sapat para makadukot sa bulsa ng pantaloon niya. “And Alex wants me to give this to you.” Inislide niya ang isang nakatuping papel kay Julie.

Thank you for taking care of me when I was sick. Lexa told me to write here that she likes you so much. So there. Bye. :)

                                                                                            From,

                                                                                            Alex

Napangiti si Julie ng mabasa niya ang sulat kamay ni Alex gamit ang blue crayon. Natouch siya sa message ng batang inalagaan niya dahil hindi naman siya nag-eexpect ng kapalit sa pag-aalaga niya rito. Muli niyang ibinalik ang tingin niya kay Elmo at sa puntong iyon nahuli niya itong nakatingin din sa kanya.

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon