Chapter 11

2K 32 0
                                    

“Salamat sa paghatid Elmo.” Nakangiti siya habang pinagmamasdan niya si Elmo na nakatayo sa harapan ng pinto ng condo niya.

“You’re welcome.” Sambit ni Elmo habang hindi nito tinatanggal ang tingin niya sa dalaga.

“Magtataxi ka nalang ba talaga?” He just nodded. Dahil wala narin naman siyang masabi pa kay Elmo ay minabuti niya nalang na tapusin na ang usapan nila para makapagpahinga na silang pareho. “Pa’no pasok na ako?” Nang makita na niya ang ngiti sa labi ni Elmo ay tumalikod na siya rito para mabuksan na niya ang pinto ng kanyang condo. Pero… bago niya pa man mabuksan iyon ay nakita niya nalang ang sarili niya na nakaharap muli kay Elmo, papalapit na ang mga labi nito sa labi niya.

Ngunit may naramdaman siyang kakaiba sa mga halik nito, kakaiba maging ang natural na amoy ni Elmo. Nang maalimpungatan siya ay nakita niya si Blue, nakapatong ito sa kanyang dibdib at panay ang dila sa kanyang mga labi.

“Oh god Blue!!!” Kaagad niyang ibinaba sa sahig si Blue sabay punas ng kanyang labi gamit ang kanyang kumot. “Wait, did I just dreamt of him?” Tanong niya sa kanyang sarili habang panay ang shake niya ng kanyang ulo dahil sa kanyang fresh dream… her fresh fantasy. “Mali. Maling-mali ‘to Julie. Hindi pwedeng halikan ka ni Elmo, client mo siya. Business lang ang lahat ng ‘to, hindi pwedeng magpadala ka sa mga pinapakita niya sayo na maganda. Malay mo, mabait lang talaga siya. Hindi talaga Julie, hindi talaga pwede. If this is still a dream please wake yourself up Julie. Wake yourself up!!!” She’s freaking out while she’s talkig to herself.

Few seconds later, a text message appeared on Julie’s phone. It was… from Elmo.  

From: Elmo Magalona (Work)

Hey, please open up your door as soon as you read this message. Good morning Julie :)

Hindi muna nagreply si Julie, kaagad siyang tumayo sa kanyang higaan. Nagsuot muna siya ng robe at ng tsinelas na nasa tabi ng kanyang kama bago siya pumunta sa pinto ng kanyang unit. When she opened the door, she saw a boquet of red roses and a cup of coffee infront of her. Kaagad niyang kinuha ang mga iyon at pagkatapos ay muling pumasok sa loob ng kanyang condo. Mainit-init pa ang kape kaya alam niyang kakadaan lang ni Elmo roon. Probably he dropped those before he went to work.

Hindi man niya aminin sa kanyang sarili, alam niyang deep inside kinikilig siya. Alam niyang maling kiligin pero matagal-tagal narin simula noong huli siyang nakatanggap ng bulaklak mula sa isang lalaki. Hindi man niya alam kung ano ang intention ni Elmo, basta’t ang alam niya napasaya nito ang araw niya.

She’s looking at his text message. And honestly, she doesn’t know what to reply to him because everything seems inappropriate to her. Everything seems wrong. Everything seems surreal.

To: Elmo Magalona (Work)

Hi Moe :) Just seen the gifts you dropped this morning. What are these for?

From: Elmo Magalona (Work)

Those are thank you gifts still. Did you like the flowers?

To: Elmo Magalona (Work)

Yeah. Anyway, thanks… thanks for spoiling me. Haha

From: Elmo Magalona (Work)

I’m not spoiling you. I’m just giving you the things that you deserve :)

Napangiti siya ng mabasa niya ang reply ni Elmo na iyon sa kanya. Ayaw niya mang putulin ang pag-uusap nila pero kinakailangan dahil alam niyang may mga kailangan pang gawin si Elmo sa trabaho nito.

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon