Five minutes late si Julie sa usapan nila ng kanyang dating kliyente dahil natraffic siya. May choice man siyang makipaggitgitan sa mga sasakyan para makarating siya sa tamang oras ngunit hindi niya iyon ginawa dahil narin sa bagong bili palang kanyang sasakyan.
“Stephanie?” Gulat na sambit ni Julie ng asawa ng dati niyang kliyente ang sumalubong sa kanya sa entrance ng bar. “Bakit ikaw ang nandito?”
“Frederico couldn’t make it tonight so he sent me here.” Bumeso siya sa magkabilang pisngi ni Julie. “Look at you, you’re getting prettier and prettier.”
“Thanks Steph.” She smiled. “So are you.”
“Kailangan Julie-” She chuckled. “Baka ako naman ang iwanan ng asawa ko kung hindi ako magpapaganda.”
“Hindi ka iiwan nun. Magiging kliyente ko ba naman siya kung hindi ka talaga niya mahal?”
Steph smiled. “Sobrang thankful nga ako kasi kung hindi dahil sayo hindi ko marerealize kung gaano ko kamahal ang asawa ko. Masakit palang makita siya na may kasamang ibang babae, what’s more intimidating is to see him spending time with you.”
“Kapani-paniwala pala talaga ako.” She laughed. “Anyway, who’s my client tonight?”
“Ohh-” Hinawakan ni Steph ang kanang kamay ni Julie. “Julie, he’s Rico’s best friend and he’s as old as you. I know hindi kapani-paniwala dahil sa gap nila pero matagal na talaga silang magkaibigan ng asawa ko.” She looked at her sincerely. “Right now he’s miserable and Rico wanted you to help his best friend. Kaya mo ba?”
“Of course.” Mabilis na sagot ni Julie kay Stephanie. “Ano nga pala ang pangalan niya?”
“He’s name is Elmo Magalona.”
“Elmo Magalona.” Pag-ulit pa ng dalaga para kumpirmahin kung tama ang dinig niya. Tango lang at ngiti ang sinagot sa kanya ni Steph. “Ano pala ang naging problema nila ng asawa niya? Is it about another guy?”
“Ahh, Julie-” She took a deep breath. “Pwedeng ikaw nalang ang kumausap sa kanya? Wala kasi ako sa posisyon para sabihin yung kwento niya kasi konti lang din ang alam ko. ” She squeezed Julie’s hand. “Ikaw na ang bahala sa kanya ha? Wala siyang alam tungkol sa plano na ‘to ni Rico kaya magkunwari ka nalang na coincidence lang lahat.”
“Alright, fine by me.” She smiled again.
“Pano I have to go na, my kids are waiting for me.” Niyakap niya si Julie. “Good luck Julie. Please help him.”
“I will Steph.” Humiwalay na siya sa pagkakayakap niya kay Stephanie. “By the way, where is he?”
Iniharap niya si Julie sa direksyon ng bar counter. “You see that man?”
“Saan dyan?” Litong sambit ni Julie dahil marami-raming tao ang naroroon sa mga oras na iyon.
“Yung naka-suit and tie.”
“Found him-” Humarap siyang muli kay Stephanie. “Sige na, ako na bahala rito.”
“Sure ka?”
Tumango siya ng may ngiti sa kanyang mga labi. “Oo naman Steph, ako pa ba?”
“Sige basta kapag may problema call me or Rico ha? Oo nga pala, medyo may kasungitan kasi yan pero I’m sure you two will get along.”
“Sure. ” Muling niyakap ni Julie si Steph bago siya tuluyang magtungo sa loob ng bar.
Hindi malaman ni Julie ang mararamdaman niya ng mga oras na iyon dahil habang palapit siya ng palapit sa bago niyang kliyente ay lalo niyang nakikita ang pagkamiserable nito. Sa dinami-rami niyang naging kliyente si Elmo ang maituturing niyang pinakamiserable sa lahat.
“Hi.” Umupo siya sa tabi ni Elmo ngunit wala itong pakialam sa kanya basta’t inom lang ito ng inom ng alak. “One tequila please.” Order niya sa bartender.
“Here ma’am.” Nakangiting sambit ng bartender kay Julie dahil nagagandahan ito sa dalaga.
“Thanks.” Muling tumingin si Julie kay Elmo. “Married men should be home at this moment. Why are you still here? Having problems with her?”
“Are you a prostitute? Because if you are, you’re just wasting your time on me.” Ibinalik ni Elmo ang konsentrasyon niya sa pag-inom ng mga bote ng alak na nasa harap niya.
Nag-pantig ang tenga ni Julie ng marinig niya iyon. Pero kahit gusto niyang patulan si Elmo ay hindi niya iyon ginawa dahil kliyente niya parin ito.“First of all, I am not a prostitute.” Tiningnan niya ang smart casual na suot niya. “Do I look like a prostitute?” Hindi siya pinansin ni Elmo. “Okay, dahil mawawalan na ako ng pasensya sayo sasabihin ko na kung ano ang pinunta ko rito. I came here to bring back your wife.”
Tumingin sa kanya si Elmo, malamlam na ang mga mata nito dahil sa kalasingan. Finally nakuha na niya ang atensyon ni Elmo.
“You will what?” Sambit nito habang tinitingnan si Julie.
“I will help you have your wife back.”
“How?”
“You will have to simply follow my rules and the rest is my job.”
“What are the rules?”
“First of all, I work for you. You have no right to kiss me when you want to make your wife jealous. You-”
Inilapit ni Elmo mukha niya kay Julie na tila ba ay hahalikan niya ito. “You don’t have to tell me that. I love my wife. No one could ever replace her.” And then he passed out on Julie’s shoulder.
“Hey-” Itutulak niya sana papalayo si Elmo ng marinig niya itong humilik. “Oh no.”
“Ma’am kailangan niyo ba ng tulong?” The bartender asked.
“No. I’m good.” She says. “Hey Elmo wake up.”
“Ma’am, ganyan po talaga yan, minsan dito na siya nakakatulog sa sobrang kalasingan.” Sambit ng bartender habang nagpupunas ng baso.
“Talaga? Everyday ba siya nandito?”
“Yes ma’am.”
Magsasalita sana ulit si Julie ng marinig niyang nagri-ring ang cellphone ni Elmo. Hindi niya muna iyon sinagot. Nang makita niyang eighteen missed calls na ang galing sa number na iyon ay hindi na siya nagdalawang isip pa na sagutin ang sumunod pang pagtawag nito.
“Hello?”
“Are you with my dad?”
“Yes. Why?”
“Could you please tell him to pick us up here, the restaurant is about to close.”
“Okay sweetie, where exactly are you? I’ll pick you up.”
“We’re in Chateau 1771.”
“Okay I’ll be there in twenty minutes.”
“Thanks. By the way, where’s my dad?”
“He passed out minutes ago so I’ll be the one to pick you up. Who’s with you?”
“I’m with my twin brother.”
“Okay, let’s just talk later. Just wait for me there.” Kaagad na kinuha ni Julie ang purse niya sabay tingin sa bartender. “Pwedeng magpa-assist na isakay itong lalaking ‘to sa kotse ko?”
“Yes ma’am-” kaagad na sumenyas ang bartender sa iba niyang katrabaho para tulungan si Julie na mailabas si Elmo sa bar na iyon.
“Here-” Inislide ni Julie ang bayad at tip niya sa bartender. “Thanks for helping me.”
“Ah ma’am-” He smiled. “Sana wag na po kayong mag-away ni Sir, para nalang po sa mga anak niyo.”
Hindi na nakapagsalita pa si Julie dahil nagmamadali siyang makaalis ng bar na iyon para masundo ang batang kausap niya kanina. “Julie, ano na naman ba ‘tong pinasok mo.” Sambit niya sa kanyang sarili habang tinitingnan niya si Elmo na bitbit-bitbit ng bouncer sa lugar na iyon.
To be continued…
BINABASA MO ANG
The Letter
FanfictionThis story will show you how twists and turns works.. how the magical word "destiny" play with the entire love story.